CHAPTER 9

23 0 0
                                    

"Kimi, ganon na ba talaga ako katanga?" tanong ko sa aking sutff toy na pinangalanan kong Kimi. Pagkatapos nung nangyari sa school kanina, nagexcuse ako buong araw at nakatambay ako sa clinic, pagkaring pa lang ng bell para sa dismissal, tumakbo na ako pauwi. Ayoko na munang marinig ang mga panunumbat nila sa akin at sa pagkakahiya ko.

"Kimi, wala na akong kakampi. Walang Philip na dumating kanina. Si Tyrone. Hay! Pinalayo ko pa siya. Kimi, ano nang gagawin ko? Alam mo namang sanay na akong tawaging Tanga diba? Nakadikit na sa akin yan simula bata. Pero alam mo Kimi, ang sakit. Hindi nila alam, nakakasakit na sila. Pero hinahayaan ko lang sila kasi ayoko namang may maging kaaway ako. Pero kahit ano palang iwas ko, may magiging kaaway at may mga mawawala sa akin sa katangahan kong ito." Di ko na napigilan ang sarili kong lumuha. Sobrang sakit na.

Hindi ko alam kung ilang oras na akong nakahilata at hawak ang stuff toy ko na ito. Naguilty din ako nung di ko napansin si mama nung pagpasok ko pa lang sa bahay. Masyadong madaming nangyari ngayong araw at ayokong madamay si mama sa mga nangyayari sa akin. 

"Acel?" rinig kong tawag sa akin ni mama mula sa labas. Pinahid ko ang luha ko at pumunta sa pintuan ng kwarto ko. Pagkabukas ko ng pinto ay sumalubong sa akin ang nagaalalang mukha ni mama.

"Ayos ka lang ba? Alam ko namang araw araw kang napapahamak dahil sa kantangahan mo pero ngayon lang kitang nakitang ganito? Ano bang nangyari?" 

Hindi ko na napigilan at napahagulgol nanaman ako. Bwisit! Ayokong nakikita akong umiiyak ni mama. Kasi nasasaktan siya at ayokong makita yun.

"O-oy anak! Joke lang! Ito naman oh!" sabay yugyog sa akin ni mama.

"Ma, bakit ba kasi ang tanga ko? Kahit anong pilit kong ayusin ang lahat, wala pa din. Sadyang ganito na lang ba ako habambuhay?" iyak ko kay mama.

Wala akong narinig mula kay mama. Tanging buntunghininga lamang. Maya maya, naramdaman ko na ang init ng yakap ng aking nanay.

"Anak, pasensya ka na ha? Nanay mo ako pero wala akong nagagawa." 

"Ma! Wag mo ngang sisihin ang sarili mo! Ako tong tanga! Ako nakakagawa ng mga bagay na ito! Wag niyo nga sisihin ang sarili niyo!" sabi ko kay mama. Kaya ayokong magkwento kasi minsan, sinisisi niya ang sarili niya. Wala naman siyang kasalanan eh!

"Anak, eto lang ang maipapayo ko," hinarap ako ni mama at ngumiti siya ng pilit.

"Wag kang susuko anak. Oo, aminado akong tanga ka." napatawa ako ni mama at tsaka niya tinuloy ang sasabihin niya.

"Pero ikaw ata ang pinakamabait at pinakamasipag na anak ko! Kahit madapa ka pa o matalisod, proud pa din ako sayo. Wag ka lang magpapasagasa ah!" 

"Nay naman eh!" 

"Joke lang anak. Basta ang tatandaan mo, andito pa ako. Andiyan pa si Philip yung bestfriend mo! Andito pa kami. Hindi ka nagiisa. Pati, ano naman ngayon kung tanga ka? Alam kong sobrang sama naman siguro nung kasagarang tanga. Pero anak, perfect is boring. Hindi ka man perpekto, atleast madami ka pang bagay na aaralin at tatahakin. Hindi pa magiging boring ang buhay mo."

"Ma, salamat ah?" yakap ko kay mama. Kaya mahal na mahal ko itong si mama eh. Kahit na gaano ako katanga, mahal na mahal niya pa din ako.

"Okay lang anak. Ano ayos ka na? Tignan mo oh! Ang pangit mo na! Asaan na si Acel na anak kong maganda? Oh! May sipon ka pa! Grabe ka namang umiyak anak!" hindi ko na lang yun pinansin at mas lalo siyang niyakap.

Salamat, Ma.

--

KINABUKASAN pumasok na ako at umaktong walang nangyari noong mga nakaraang araw. Bahala na sila. Basta ako, aayusin ko na lang ang pagaaral ko para naman may maipagmalaki ako kahit tanga ako.

"CELINE!!" sigaw ng isang boses mula sa likod ko. Lumingon ako at nakita ko ang isang babaeng hindi gaanong katangkatan. May mahabang buhok, maputi, chinita at sobrang taba ng mga pisngi. Ang cute! Pero teka, sino ba to?

"CELINE! BUTI NAMAN AT NAGKITA NA ULIT TAYO!" sabay yakap niya sa akin. Teka! Sino ba itong babae na ito?!

"T-teka! Sorry po ah pero sino ka po ba?" tanong ko sa kanya. Bigla namang nagbago ang itsura niya at nagpout. Ang cuteeeee!

"Hindi mo na ako natatandaan?! Ako ito! Si Charmie! And pinsan mo slash kababata! Hindi mo na ba ako natatandaan talaga? Gumanda na ba talaga ako lalo?" tanong niya sa akin.

Ah! Naalala ko na siya! Siya si Cha, ang pinsan kong nagmigrate noong anim na taong gulang pa lamang kami sa Japan. Mataba ito at sobrang takaw. Sorry Cha, pero sobrang taba niya talaga noon. Lagi kaming magkalaro at magkasama sa buong magdamag. Pero lagi din siyang tampulan ng tukso. Kaya ako ang savior niya noon. Pero tinutukso din ako dahil sa pagiging tanga ko. Hindi niya ako pinagtatanggol! 

At noong araw na nagmigrate ang buong pamilya nila sa Japan, umiyak ako buong araw nun. Kasi, wala na akong kalaro at bestfriend. At sa mga sumunod na araw na yun, nakilala ko na si Philip. 

Eto ako ngayon at kaharap ko ang bestfriend slash pinsan kong sobrang miss na miss ko na!

"CHAAAA!!!" sabay yakap ko sa kanya. Grabe! Ibang iba na siya sa Cha na nakilala ko noon. Sobrang cute at ganda na niya.

"Akala ko di mo na ako makilala!" nagtatampo nanaman itong pinsan ko!

"Sobrang nagbago ka na kasi! Akalain mo, pumayat ka na! Meron bang The Biggest Loser Japan Edition?!" bigla niya akong hinampas ng sobrang lakas.

"Masakit sis ah! Hmp! Syempre, bata pa tayo noon! Pero eto na ako oh. Isa na akong diyosa! Sexy at sobrang ganda!" sabay pose. Hay! Aakalakin mo ngang model talaga siya. Eh ako naman? Losyang ang dating ko. 

"Oo na! Oo na! Kelan ka pa bumalik at anong ginagawa mo dito?" tanong ko sakanya.

"You know, namiss ko ang hangin dito sa Philippines. And, namiss ko din kayo! Gosh! Hindi ko nga maintindihan yung mga nandoon sa Japan! Laking pinas naman kasi ako. Kahit may dugong Japanese ako ay di naman ako fluent sa lengwahe nila!" napatawa na lang ako sa sinabi sa akin Cha. Hay nako. Kaya litaw na litaw ang pagiging singkit niya ay dahil may lahi din silang Japanese. Yung papa niya kasi ay half Japanese at Filipino. While si Tita naman na kapatid ni mama, pure Flipino.

"At, nandito ako kasi, dito na ako magaaral! Magkaklase na tayo!" sabay talon niya na parang bata.

"OUCH! ANO BANG PINAGTATALON MO DIYAN HA!" bigla kaming napatigil sa pagkwekwentuhan nang marinig namin ang isang babaeng maarte. Este, natamaan ata ni Cha habang nagtatatalon.

"Oh look Heidi, its the girl who spilled your juice yesterday!" sabi ng isang alipores ni Heidi.

"Oh, so ikaw nanaman pala Tanga. Wow ah. Bilib na ako sayo at nakakaya mo pang pumasok sa school na ito. And look girls, may dala pa siyang bata." tinuro niya si Cha at tumawa sila ng mga babaeng kasama niya,

Ayoko muna ng away. Hangga't maaari, lalayo muna ako sa away. Ayoko nanamang maging hot topic sa school na ito.

"Tara na Cha." hihilain ko na sana si Cha papalayo pero hingit niya yung kamay niya sa akin.

"C-Cha."

"And who do you think you are to call my cousin a stupid girl? Oh. Alam ko na. Siguro ikaw yung tinatawag nilang 'Campus Bitch' sa school na ito. And, oh. Why am I talking to you? Hindi ako kumakausap ng mga taong makikitid ang utak."

Nabigla naman sina Heidi sa sinabi ni Cha.

"Celine, lets go. May klase pa tayo. Hayaan mo muna silang lumandi." at hingit na ako papalayo ni Cha.

Oh no.

ANG BUHAY NG ISANG TANGATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon