"ACEL! GISING NA! ANAK NG DAGA NAMAN OH! LATE KA NANAMAN!"
Ako?! Late?! AYJUSKOPO! Di ko na naman naalarm ang alarm clock ko. >____< Ugh. Okay Acel! Dalian mo na!
Ligo..
Bihis..
Ayos Gamit..
"Okay ka na ba Acel?" - tanong ni Mama.
MUKHA BA AKONG OKAY MA? NAGMAMADALI NA NGA AKO EH. Umiral na naman ang pagkastupid ko.
"Opo Ma."
"Kain ka na muna bago pumasok sa school."
Aish! Gutom na naman ako eh. Kakain na nga lang. Pancake ang breakfast namin ngayon.
Kuha pancake..
Lagay syrup..
Bigla akong napalingon kay Mama.
O____O <-- Mama
"Bakit po Ma?" nakakapagtaka naman kasi eh. Kakain ako, ganyan ang mukha niya. Baka naman, mabilaukan ako.
"Gusto mo bang mamatay?"
"Mamatay? Bakit naman?"
"Tignan mo ang binuhos mo sa pancake mo."
O_____O <-- AKO.
-_____- <-- Mama
"Oil ang binuhos mo sa pancake. Hindi syrup."
"AISH! Ahehehehehe. Sorry naman po." Nilagay ko kaagad sa lababo yung pancake na may oil. Ang tanga mo Acel! >____< Kumuha ako ng panibagong pancake at niagyan ng syrup. TOTOONG SYRUP na.
Nagtimpla na ako ng gatas ko. Pero, pag nagtitimpla ako ng gatas, nilalagyan ko ng asukal. Kasi, gusto ko ng Sweet Milk eh.
Kuha Powder Milk...
Mainit na tubig...
Kuha asukal at lagay...
^____^ INOM NA.
*NOM NOM NOM NOM*
O_________O
"PWSSSSSSSSSSH!" PWEH! ANG ALAT!
"Bakit mo naman binuga ang gatas mo?!"
"Ang ALAT eh!"
Tumingin si Mama sa lamesa. Tumingin siya sa asukal. Tumingin siya biglaan sa akin.
-_____-
"Bakit?" - tanong ko.
"Alam mo anak, sa tatay mo nga ata ikaw nagmana. Di naman kasi ako tanga eh."
"Bakit mo naman nasabi yan Ma?" dinamay nanaman si Papa eh! >___<
"Anak. Asin ang nilagay mo. Hindi asukal."
ACEL, BAKIT ANG TANGA TANGA MO?!
Psh. Nabadtrip ako. Di na ako uminom ng gatas. Nagpaalam na ako kay Mama at umalis na papuntang school. Sobrang bilis ko tumakbo papuntang terminal ng bus. Medyo malayo kasi eh. Pero, dahil sa hindi traffic, kaya pa. ^____^
Umupu ako sa bus. Dun sa tatluhan. May tumabi sa aking dalawa pang pasahero. Nung puno na ang bus, nagsimula nang magbayad ang kondoktor. Biglang tinuro niya kami at nagtanong.
"Ilan kayo diyan?"
"SAMPU KAMI KUYA. SAMPU. KASYA KASI KAMI SA TATLUHAN EH." -____- Bakit ba kasi kailangan itanong yan? Kita naman eh. Diba? Nakakainis. Yung dalawa ko namang katabi, Poker Face sa sinabi ko.
BINABASA MO ANG
ANG BUHAY NG ISANG TANGA
HumorNasaktan ka na nga, Mahal mo pa din. Iniwan ka na nga, mahal mo pa din. Kinalimutan ka na nga, mahal mo pa din. Anong tawag sa iyo? TANGA. Gusto mo ba malaman ang buhay ng isang Tanga? Just Read & Enjoy. :)