"TYRONE ISA PA PLEASSSSE!" sabay smile kay Tyrone na ngayon ay nakatunganga sa akin habang pinapanood ako kumain ng ice cream.
"Di ka ba natatakot na masira yang lalamunan mo? Crazy." sabay irap niya sa akin. Aba! Lalaki ba ito!
"Ikaw nagaya dito tapos ikaw aangal!" sumigaw ako at dahil doon ay naakit ko ang atensyon ng iba sa shop. Nagulat si Tyrone at nagsorry sa mga tao.
"Stop shouting. Nakakahiya ka. Tss. Magorder ka lang." sabi niya sabay hampas ng palad sa noo niya.
"Yaaay! Ate isa pa nga pong Vanilla Ice Cream with chocolate syrup!! Damihan niyo po ang syrup siya ang magbabayad!" sabay ngiti ko ng sobrang lapad kay ate.
Pagkatapos naming kumain ng ice cream ay hinatid ako ni Tyrone sa bahay namin. Tumingin ako sa kanya at ngumiti. Siya naman ay nagtaka sa aking pagtitig.
"May dumi ba ako sa mukha?" tanong niya sabay taas ng isang kilay. Parang babae talaga.
"Gusto ko lang magpasalamat. Thank you talaga!" at niyakap ko siya. Para sa akin walang malisya. Pag nagpapasalamat kasi ako, hinuhug ko ang isang tao.
Halatang natigilan si Tyrone sa ginawa ko. Maya maya ay humiwalay na din ako kasi biglang naging "awkward" ang atmosphere.
"A-ah. Wala iyon. Ikaw kasi e. Sinabihan na kita." sabi niya nang nakatingin ng diretso.
"Oo na! WAG mo nang ipaalala! Makakamove on din ako. Promise yan. Siguro Infatuation lang iyon. Mawawala din." sabay ngiti ko sa kanya.
"Wag ka nang tanga." sabi niya sa akin sabay pitik sa noo ko.
"Aray masakit ah!" sabay hampas ko sa braso niya.
"O sige na. Umuwi ka na. Gabi na din oh. Sayang tuloy pera ko." sabi niya pero binelatan ko lang siya.
"Nga pala," sabi ko pagkasarado ko ng pinto ng sasakyan niya.
"What?" tanong niya sa akin.
"Bakla ka ba?" wala sa sarili kong tinanong. Kasi naman kung umirap siya kanina. Hohohoho. Natanong lang. HIHIHIHIHI
"WHAT?! ARE YOU CRAZY?! HAHALIKAN BA KITA KUNG BAKLA AKO?!" sigaw niya sa akin na nagpatahimik sa akin. SHIT SHIT SHIT BAKIT NIYA PINAALALA?!
"TSE! EWAN KO SAYO!" tumalikod na ako pero natisod ako. Buti na lang at napakapit ako sa poste ng ilaw.
"Ayan. Magtanong ka pa ng ganyang mga katanungan at hindi lang halik ang matitikman mo." sabay harurot niya paalis.
Oh.. Namumula ako sa sinabi niya. Pero buti na lang at umalis na siya. Kyaaaaa!!! Nakakainis talaga siya kahit pogi siya!
School day. Naglakas loob akong pumasok sa school kahit na fresh pa din sa kanila ang nangyari last week. Kahit tanga ako, ipapakita kong malakas naman ako. Oo tanga ako. Aminado ako. Pero, isang trait lang yun. Madami pa akong magagagandang katangian. Mahihigitan nun ang pagiging tanga ko.
"UYY. Diba yan si Acel Tanga?"
"Oo nga. Naalala mo eksena niyan nung isang araw?"
"Omg. Unforgettable. May video pa nga sa site ng school natin eh."
"Sinagot kasi agad. Ayan, siya tuloy ang luhaan."
"Ano pa nga ba ang maaasahan mo sa isang Tanga?"
Tiis Acel. Tiis. Wag kang magpapadala sa kania. Pag sumugod ka, mapapahiya ka ulit. Tama na Okay? Magaral ka na lang. Umiwas sa pagiging Tanga.
"Uy!" bgilang may sumulpot sa likod ko.
"Ay anak ng toknene! Tyrone? Anong ginagawa mo dito?" nagulat ako sa biglang pagsulpot niya.
"Um.. Kinakamusta ka sa pagkatalisod mo nung isang araw?" sabay taas baba ng kanyang kilay.
"Layo ka nga." at pumunta ako sa kabilang daan.
"Teka. Ba't ka lumalayo sa akin? May problema ba?" Oo meron. Ayokong madamay ka sa mga tsismis. Alam kong naging pangit ang una nating pagkikita. Pero ayokong madamay ka.
"Basta. Lumayo ka." sinabi ko at umiba ulit ng direksyon.
Bigla na lang niya akong hinablot. Pinaharap niya ako sa kanya. Yung pogi niyang mukha. Mas lalong gumwapo dahil galit siya.
"What is the real fucking problem here? Huh?" sinabi niya at nakakatakot yung mga mata niyang nakatitig sa akin.
"Kasi nga gusto kong lumayo ka!" sinigaw ko sa mukha niya.
Natigilan kaming dalawa at halatang nagulat siya sa sinabi ko. Unti unting lumuwag ang pagkakahawak niya sa braso ko at naging malamig ang mga tingin niya.
"Sure. Kung yun ang gusto mo. Sino ka ba? Di naman kita kaibigan?" pagkasabi niya nun ay umalis siya. Tama. Sino nga ba ako? Di nga kami close, di nga kami friends.
Nanlumo ako pagkatapos ng pangyayaring iyon. Kaya tinry kong pumunta kay Philip. Baka sakaling masamahan niya ako. Pero mali pala. May kasama siyang ibang babae. Nagtatawanan sila. Parang wala silang pakielam sa mga nakakakita sa kanila. Una, boyfriend. Pangalawa, Kaaway. Pati ba naman bestfriend mapapalitan na ako?
Umalis na lang ako at tumuloy sa klase ko. Pagkapasok ko ng classroon ay nagtinginan sila sa akin. Yumuko na lang ako para wala akong makasalubong na mga mapanghusgang mga mata. Nung nakarating na ako sa upuan ko, nakita kong puno ito ng glue. Sino naman may pakana nito? Hindi na lang ako umangal. Pumunit na lang ako ng papel sa notebook ko at pinunasan ko. Hay.
Dumating na yung prof namin. Nagsimula na yung klase. Tahimik lang ako buong araw. Ang lungkot naman. Break na. Malas pa din ako. Natisod ako kanina palabas ng room. Tapos napasa ko sa prof ko ang maling topic na pinaresearch niya. May balat ba ako sa pwet at sagad sagad ang pagiging tanga ko?
Habang naglalakad ako ay nakayuko lang ako. Tinitignan ko na lang ang sahig para umiwas sa pagkakatalisod. Pero ang totoo, iniiwasan ko ang mga mapanghusgang tingin nila.
"Ouch! Tumingin ka nga sa dinadaanan mo!" sigaw ng isang babae. Ako naman ay napaupo sa tindi ng pagkakabangga namin. At nabuhusan pa ako ng dala niyang malamig na juice. Buti nga sakanya kaonti lang.
"S-sorry. Di ko sinasadya." tumayo ako at tinignan siya. Nagulat ako kung sino ang nakita ko. S Heidi.
"So, ikaw pala. Di na ako magtataka kung sino lagi ang may nakakabunggo dito. Ikaw lang naman ata ang pinakadakilang tanga dito." sabay taas ng kanyang mga kilay. At nagtawanan ang dalawa niyang alipores sa likod.
"Nagsorry na nga ako eh." sabi ko sa kanya. Aalis na sana ako nang hinablot niya ang braso ko.
"Kamusta namang maloko ni Cedric? Masakit pa rin ba? Sorry ah. Ako kasi, maganda. Mayaman. At higit sa lahat, hindi TA-NGA." at nagtawanan silang tatlo. Tumingin ako sa paligid at nakita ko nanaman ang mga taong nakatitig sa akin.
"Oo Masakit. Pero kinakaya. Ano ngayon kung maganda ka oat mayaman? Gusto mong kumanta ako ng 'Nasayo na ang lahat'?" sabi ko sakanya sabay alis ng kamay niya sa braso ko.
Paalis na ako nang narinig ko siyang nagsalita ulit..
"Girls, pengeng alcohol nga. Baka mahawa ako ng tuluyan sa pagiging tanga niya." at narinig ko na naman ang mga halakhakan sa iba't ibang estudyante.
Napako ang paningin ko sa isang lalaki na sobrang talim ng titig sa akin. Si Tyrone. Nakatingin siya sa akin.. Pero agad din siyang umalis. Bakit? Ah. Ikaw humiling nito Acel. Wala na. Wala na akong kakampi. Umalis na lang ako. Hindi ko alam kung saan ako pupunta. Pero gusto kong mapagisa.
BINABASA MO ANG
ANG BUHAY NG ISANG TANGA
HumorNasaktan ka na nga, Mahal mo pa din. Iniwan ka na nga, mahal mo pa din. Kinalimutan ka na nga, mahal mo pa din. Anong tawag sa iyo? TANGA. Gusto mo ba malaman ang buhay ng isang Tanga? Just Read & Enjoy. :)