Sa buhay, may tatlong antas.
Low, Middle, at high.
At may dalawang type:
Mabait at Masama
Sa mabait may maraming klase.
May plastik, may totoo, may pa as if, at merong artificial.
Pero para maintindihan ng lahat, kelangan i-explain.
Sa low, mga chismosang walang magawa.
Mga naghihirap, at dukha.
Mga tambay at drug pusher sa kanto, na mandurugas talaga and mga pagmumukha.
Sa middle, hindi naman mayaman, hindi rin naman mahirap.
Katamtaman lang.
Yun nga lang, inaapi pa rin; kaya pati ugali, di mo magets.
And last but not the least, ang high.
Sa antas nato nakapaloob ang mga echosera at mapagmatang mga palaka.
Mga mayayaman at mga may kaya talaga sa buhay.
Yung tipo bang kahit nga nasa harap na ang lahat, di pa makuntento dahil sa sobrang kaartehan, kaechosan, at kaeng-engan.
Sa tatlong to, maraming nabibilang sa low.
Pero marami ding nabibilang sa Middle.
Pero mas maraming nabibilang sa high.
Eh kasi naman noh!
Marami na kayang mga echoserang frog sa mundo.
Kaya, naiinis ako sa mga yun kahit na kung minsan, isa ako sa mga palakang nakikichismis dun.
Pero may nakalimutan yata ang CENSUS.
Meron pang isang antas.
Ang antas ng mga malas.
Eto yung tipo ng mga taong, kahit ilang beses pa daanan ng shooting star, at kahit sagasaan ng swerte, hindi pa rin tinatablan.
Ang lakas ng shielding ng malas eh.
Mas makapal pa yata sa encyclopedia.
Hay buhay talaga.
Ang hirap.
Kahit yata magka pakpak pa ang baboy, malas ka pa rin kung malas.
Kahit maging pyramid pa ang Malacañang, wla ring mangyayari.
Malas ka habang buhay.
As in capital MALAS.