Chapter 3- Her Knights in shining uniforms
><>Dara’s POV<><
“Huy Dara! Gising na! Wake up! Baka ma late ka!” Waw ha! ang lakas din makahatak ng paa ng taga pukaw ko sa umaga ah. Pero teka...........kelan pa ako nagkaroon ng tigapukaw sa umaga?!
“Dara! Ba’t ba bangag ka ha?! Late na tayo!” Ay shet lang ha.....at talaga namang ang kulit ng ala--------WADAPAK! Wala naman pala sa bahay ngayun! Nasa bahay ako ni Philip! Shet lang ha!
Agad akong bumangon nang ma realize ko na wala nga po ako sa bahay ko ngayon. Napalayas ako dibah? Ang swerte ko talaga noh? Daig ko pa nga yung nanalo sa lotto. Binuka ko yung mga nagbubugatan kong mga mata at iniunat yung paa pati narin ang mga braso ko. Relax talaga ako noh?
“May gana ka pang mag stretching? Late na tayo hoy!” sigaw ni Philip mismo sa tenga ko. Bigla na lang nagsidilatan yung mata ko na ubod ng itim at sama ng tingin. Baka nagugudtaym na naman ako nitong si Philip gaya kahapon ha? Hoy Shet lang ayoko nang magpaloko. Tingingnan ko siya mata sa mata at sinumbatan siya. Galing noh? Ako nanga tong makikitira, ako pa tong manunumbat.
“Hoy ginu----“ pero bago pa man ako makapagtapos ng sentence ko, hinila na ako ni Philip paalis ng kama at kinaladkad papuntang CR. Binuksan niya yung pinto ng CR at tinulak ako papasok. Aba talaga naman oh! Mukhang seryoso nga siyang malelate na kami.
“Automatic ang shower! Basta nasa ilalim ka na, mag o-on na yan!” Waw automatic ha? Nasan ba ang shower huh? (lingon sa taas)
*SWOOSH* Waw ha! At talaga namang nasa ilalaim na ko ng shower! Ni hindi ko man lang nahubad ang damit ko bago maligo!
“Ilagay mo na lang sa washing ang damit mo!” sigaw ni Philip habang unit unti nang lumalabas ng kwarto.. Ang yaman naman talaga nila noh? May Washing machine talaga sa loob ng banyo? Eh kinakamay ko nga lang yung labahin ko sa apartment dati e. At ako pa minsan yung naaatasan na maglaba sa mga damit ng mga kasama ko sa orphanage dateh. Hay naku ang mayayaman talaga.
Pagkatapos kong maligo, nagbihis agad ako. Waw automatic pala tong si Philip noh? Pinaplantsa na niya yung uniform ko sa mga maid niya, at linagay na sa kama ko para madaling makita. Ang galing ah. Dali-dali akong lumabas matapos kong magbihis at nang makababa na ako sa pagkahaba-habang hagdanan nila, inabangan ako ni Philip sa baba at magsasalita pa lang sana ako nang bigla niyang linagyan ng 2 piraso ng slice bread ang bibig ko sabay kaladkad sa kin palabas ng bahay nila at nagpaalam na sa mama niya.
“Ang tagal mong gumising eh kaya bread lang ang agahan mo ngayon.”
“KFGJDFG lkhfbsfblsidfg” ayan ha wala akong masabing matino. Pero ayos din talaga tong pinsan ko noh? Sobrang functional talaga. Ang bilis nga ng lahat eh. Pero honestly, kahit hindi na siya nagabalang kumuha ng agahan para sa kin ayos nang nagkusa siyang tulungan ako sa mga kamalasan ko. Waw speech ha? PWede nang ambassadress ng kamalasan ah. Joke lang! Peace.
Pagkalabas namin ng bahay nila, nakahanda na agad ang kotse sa labas. Hinatak niya ako papasok ng kotse. Aba kung makahatak para lang aso ha? Pagpasok ko, at nung matapos na niyang ikabit yung seatbelt nya, agad nang humarurot ang kotse niya.
Matapos naman ang ilang minuto, nakarating na rin kami sa skul. Muntikan na talaga kaming ma late. Pagbaba na pagbaba namin sa kotse nya, ang daming nakatingin sa kin. Abah! At sa kin talaga oh?!
“Eew! Kung sinong maka hitch ng sakay ha! Ang cheap ha!” narinig ko ang isang studyante na nagcomment. Nilingon ko siya at yun nakita ko ang kaklase ko palang si Mary Elle. Si Mary Elle yun bang kaklase kong maliit, rebonded ang buhok, halos lumuwa na ang mata sa eye sockets, at yung ilong nyang matangos, parang may bukol, at medyo tabingi rin. At nakalimutan ko rin. Yung nguso niya pala mas matangos pa sa ilong niya. Foreigner naman talaga siyang tingnan kasi maputi at halatang may lahi talaga. Hindi ako nangmamata ng tao ha. Yung lang talaga ang una kong nakikita sa mukha at pagkatao niya. Hindi ko ugaling manlait kasi alam kong talo ako sa laitan. Sukdulang kalait-lait kasi yung mukha ko. Nasabi ko na ba kung anong hitsura ko? Pwes sasabihin ko sa inyo ng mabilis. Hindi ako pandak at hindi rin ako matangkad. Medium lang. Slim ako. Take note slim. Hindi sexy. Mahaba at hanggang bewang ang sabog at unat na unat ko sanang buhok. Hindi ako nagparebond ha.Straight lang talaga siya at sobrang sabog. Tadtad ng pimples ang mukha ko. Hindi masyadong matangos ang ilong ko pero hindi rin naman flat at pango. Medium lang din. Yung legs ko, slim lang naman pero sobrang itim ng tuhod ko. Ilang taon ko nang nakakalimutan ang maghilod eh. Flat-chested ako. In short, maliit ang hinarap pati na ang harapan. Grabe noh? Saksakan ng panget dibah? Ingget kayo noh? Gaya rin kayo para marami na tayo at magtatayo tayo ng sarili nating Federasyon. Akala ng mga bakla sila lang ang merong Federasyon ha?