Chapter 4

17 0 0
                                    

Chapter 4- Gulong ng Utang~

><> Dara’s POV<><

Walang bodyguard na nanghuhuli ng amo! Oo totoo naman ah? Pero shet lang talaga ha............natatakot na ako! Eh mukha namang hindi ito katropa nung mga gangster eh! Ang popormal nila masyado. Parang ang  layo naman ng itsura nila dun sa mga goons kagabeh eh. Ang ayos nila manamit eh yung mga gangster kagabeh parang everyday winter. Ang daming balot sa katawan na hindi naman bagay. Che!

“Mamang nakashades! Saan nyo po ba talaga ako dadalhin?” bulong ko dun sa mamang katabi ko. Tiningnan lang nila ako tapos lumingon palayo. Bwiset! Hindi man lang ako sinagot? Pipi? Pipi ganun? Asar ha!

“Hellooooooooooo nandito po ako!” Shet hindi man lang kumibo at patuloy lang sa paglalakad. Asar na talga ha! Pero.............nung dumating na kami dun sa parking lot, may itim din na kotse dun. At ang haba! Grabeh napa O_0 ako sa haba! At talaga bang dapat magkasingkulay sila nang kotse ha? Ang weird nila. Hindi na nga sila nakikipagusap eh............ang weird pa nang mga fashion nila.

“Pasok na po kayo sa loob miss.” Tiningnan ko lang sila sandali. Tapos yung isa nauna nang pumasok. Medyo tinapik naman ako nung isa, hudyat para pumasok na rin ako. Wala akong nagawa kaya naman sumunod na lang ako. Pumasok ako taposyung isa naman pumasok na rin. I-sandwich ba naman ako?!

            Ilang minuto na rin ang nakalipas nung umalis kami. Magkakalahating oras na nga eh. Ni hindi man lang ako nakapagpaalam sa mga kaibigan ko. Baka sabihin ng mga yun na parang tinetake for granted ko lang sila. Sila na lang kaya ang mga kaibigan ko sa skul! At.........si Jason rin pala. Nakakabilaok namang sabihin yung pangalan ni Jason........ang gwapo kasi eh.

“Manong, saan po ba talga tayo pupunta?” Pero habang tinatanong ko sila, parang pamilyar yung mga dinadaaanan naming kalsada. Parang.............kakadaaan ko lang dito pero kailan nga ba? Hindi ko talaga maalala..........suko na ako hindi ko talaga maalala. Hay............ ang panget na nga, ang tanga rin, ang bobo din?! Sagarin ko na kaya ang mga kamalasan sa mundo?

1 second

10 seconds

3 minutes

5minutes!

*LIGHTBULB*

Ahhh! Tama! Eto yung subdivision na napuntahan ko kagabeh! Yung subdivision na maraming nakakalulang  mga bahay! Oo tama! Ito nga yun! Pero teka............parang tumigil na rin yung kotse. At parang.......................pamilyar rin yung.....lugar kung saan kami tumigil..............parang dito yung.........lugar kung saan may kotse at hinagis ko yung tabatchoy dun! Oo! Tama dito nga yun! Pero........ano naman ang ginagawa namin dito? Hala! Hindi kaya...............PAGABABAYARIN NILA AKO SA KOTSE!? Shet lang ha! Wala nga akong pera pambili ng bagong underwear kotse pa kaya?! Kahit yata habangbuhay pa ako magtrabaho hindi ko kayang bumili ng bagong kotse! Laruan NA KOTSE siguro pwede.......

“baba na kayo miss.” Sa sobrang katangahan at kamalasan ko hindi ko man lang namalayan na ilang minuto na rin pala akong nakatulala.

“ah gaga............oo eto na nga eh.” Waw at may gana pakong magyaray ha? Waw lang talga ako sa sarili ko eh......ang siga ko talga kahit kelan........

            Bumaba na ako sa kotse at yun! May nakita akong pagkalaki-laking bahay sa harapan ko! Nakakahilo! Baka naman eto yung bahay ng may-ari nung kotse? Naku! Ano kaya ang gagawin ko kung sakaling nandun nga? Sige nga mag brainstorm ka Dara......

Option 1

Lumuhod sa harap sabay magmakaawa

Option 2

Ang GF Kong Saksakan ng MalasTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon