Chapter 5-Dear friends…….kailangan ko ng advice ninyo
><> Dara’s POV<><
Pagdating namin ni Philip sa loob ng skul, as usual, pinagtitinginan na naman ako. Panget ko kasi eh. Si Philip naman, pinagkaguluhan ng mga samu’t saring linta sa paligid. Joke lang. Mga babae po. Hindi linta.
Napabuntong hininga na lang ako at umuna kay Philip. Tinawag niya pangalan ko pero dahil sinusumpong ako ng katarayan ko, hindi ko siya nilingon at naglakad na lang. Chos ang taray ko talga. Ayoko ko maging panira eh. Baka sabunutan ako ng mga fan girls niya. Nasabunutan na kaya ako kahapon. Kung masabunutan pa ako ngayon, aba naman noh! Ano bang akala nila sa sabunot na yan ha?! Daily vitamins? Daily talaga kung i-take? Grabeh lang ha. Depressed pa naman ako. Hindi nga ako nakatulog ng maayos kagabe eh. Sobrang binabagabag ako ng utang ko. Mapapa Asdkjakfjhlafkj ako nyan eh......Shet oh! Hanggang sa paglalakad ko nai-isip ko pa rin yung utang na yun..........nakakadepress talaga.
“OMG!!!!!!!!!!!!!! Sisterette!”
NApalingon ako nung may narinig akong tumawag ng pangalan ko. Alam nyo naman siguro kung sino yun di bah? Opo. Si Franky nga ang tumawag sa kin. At mukhang ang saya saya niya. Buti pa siya. Walang problema. Anyways, ngumiti ako sa kanya at lumapit naman siya sa kin ng tumatakbo. May malaki, nakatayo, at pink na ribbon pa siya sa ulo niya. Ang weird nga eh. Mas nag-aayos ba yung bakla kesa sa kin. Dinumog niya ako at pinagyayakap ng sobrang higpit.
“Oy sisteeeeeeeeeeeeeerrrrrrrrrrr! Ano ka ba naman! Bakit ang aga aga tognamisakan ka na?” Ano raw? Anong tognamisakan? Teka....anong ka-alienan ba ang sinasabi nito ha?
“Anong tognamisakan? Nakakain ba yun? Isda ba yun?” tanong ko sa kanya habang kinakamot ko yung ulo ko. Wala talga akong naintindihan sa mga sinabeh nya...... sobrang foreigner eh.
“Taray nitech. Hindi mo gets?”tapos nun tinapik niya yung balikat ko. Dahil wala akong maayos na tulog, halos tumilapon na ako sa Jupiter dahil dun sa tapik niya. Joke. Hindi noh. Para lang natangay ako. Ang lamya ko kasi ngayon.
“Hindi eh. Sori.” Sagot ko sa kanya. Nung masagot ko na siya, tumawa siya ng malakas. At ano ba namang nakakatawa ha? Ewan ko sa baklang toh. Ang weird nya.
“K fine! Ang sinabi ko lang naman ay.........bakit ka nakasimangot! Tognamisakan means nakasimangot! Echos mo naman. Simple beki linggo lang d mo ma gets. Anyways, bakit parang isang dekada kang hindi nakatulog? Itim tuloy ng eyebags mo.” Yun ang sinabi niya tapos pinagkakalikot na niya yung eyebags ko. Umiling lang ako at hindi nagsabi ng dahilan. Eh ayaw ko eh. Di ko pa type magchika kung ano yung nangyari.
Napabuntong hininga siya tapos ginulo na lang yung buhok ko.
“Oh siya na nga ewan ko sa’yo. Pagdating na lang natin sa room ikwento mo okay?” sabay hinila na niya ako papuntang classroom. Kung minsan nga, nai isip ko na baka ganito lang talga tong mga bago kong kaibigan.Dapat na lang akong masanay at wag nang magtaray. Mahirap na. Baka hindi ko na sila maging kaibigan. Ang sakit naman nun.
Pagpasok namin sa classroom, sinalubong agad kami nina Emmy at Leina. Mukhang ang saya talaga nila ngayon. Yinakap pa ako. Sobrang higpit nga eh. Bakit kaya? Eh........siguro may mangyayari ngayon. Paki ko naman kung anong mangyayari ngayon.
Habang ang lalim ng iniisip ko dito, hindi ko namanlayan na tinatawag pala ako nina Emmy at Leina.
“Uy! Dara!” sabay sigaw nila sa tenga ko. Kagulat ha. Afraid. Chos ang lamya ko talaga.
“B-Bakit?” nagst-stammer pa ako sa sobrang lakas ng mga boses nila. Tinignan ko sila tapos ayun. Naka cross arms sila at para bang galit sa kin? Ewan.