Chapter 1

34 0 1
                                    

Chapter 1- It Started With A Malas Girl

*ALARM ALARM ALARM*

“10 minutes pah. Antok pa ako eh.” Sabi ko nang magsimula nang mag ring ang nakakainis na alarm clock. Sino ba kasing nag imbento nun ha? Kainis ha! Joke. Joke lang yun people. Kung walang alarm clock, eh di wala ring most punctual sa school diba? Kaya.........partially stupid lang yung gumawa nun.

*ALARM ALARM ALARM*

“Sabing 10 minutes hindi five~!” kainis na alarm clock ha! Sunod sa uso! Eh ano naman kung 5 minutes ang ibang alarm clock? Hindi ba pedeng maiba? Eh bakit ba tig-fa-five minutes lang ang allowance nito bago mag alarm ulit ha? Bobols to ha!

*RING RING RING*

“SABING-----!” hawak ko na sana ang alarm clock ko at itatapon ko na sana sa ding ding ko nang mapansin kong.............inosente naman pala tong alarm clock ko eh. Nakapeace lang siya as in hindi siya kumikibo. Liningon ko ang cellphone ko at yun..........may txt pala......Shet......sino ba kasing kumag na to at ang aga naman kung mag txt?!

~From: Philip~

Huy! Zandra gising nah! 26 minutes na lang late ka nah!

“HHAAAAAAAAAAA!!!!!!!!” bigla akong nabuhayan ng dugo at umalis na agad ako sa kama ko at dali-daling naligo. Buhos dito buhos doon. Sabon dito sabon doon. Shampoo dito shampoo doon. Tsaka buhos, buhos, buhos na naman ulit. Ang bilis kong maligo noh? Sa sobrang bilis, nakalimutan kong maghilod. No wonder ang itim itim ko. Pagkatapos kong maligo, nag toothbrush agad ako. Grabeh. Sa sobrang pagmamadali ko, akala ko naglaglagan na ang mga ngipin ko! Pagkatapos nun, nagbihis na ako. As in parang si flash kung mgbihis.

“Ang tanga mo Dara!” napasigaw na lang ako nang malaman kong.......nakalimutan ko palang plantsahin ang uniform ko para sa pasukan. Pano ba naman kasi, nasanay ako na bakasyon! Pero wag nyo isiping ang sarap ng bakasyon ko ha. For your info, nagtrabaho ako buong summer para lang magkaroon ng extrang pera. Ah basta! Isinuot ko na lang ang uniform ko. Kahit parang hinahabol ako ng plantsa. Bwiset na buhay to oh!

Dali-dali na akong humarap sa salamin para magsuklay matapos kong magpalit. Grabeh! Sa sobra ko palang kapangetan ay akala ko drug pusher sa tabi-tabi ang karap ko sa salamin! Suklay, suklay, suklay. Ang bilis ko magsuklay noh? Sinira ko pa suklay ko. Amg malas talaga. Kahit hanggang pwet ang haba ng buhok ko, isang beses isang linggo ako kung mag suklay. JOKE! Isang beses isang araw lang nuh. Sobra naman kayo.

Hindi na ako kumain ng agahan. Walang uso sa akin ang pa breakfast-breakfast na yan. Wala naman kasi akong tagaluto. Wala na nga akong nanay eh. True to life to ha! Hindi namatay ang nanay at tatay ko. Iniwan lang talaga ako. Siguro dahil malas ako.

Nawalan ng trabaho ang tatay ko nang pinagbubuntis ako kaya naman nagkaleche-leche na ang buhay nila ni nanay. Mas leche pa sa Leche Flan. Si nanay naman, dahil sa sobrang kabungangera, napaanak ng hindi oras. At dahil nga walang trabaho si tatay, walang pera. Walang pera equals iiwan ako sa ospital sabay takas takas effect. Yun ang sabi ng mga pansamantalang kumopkop sakin sa orphanage. Pero marami nang batang walang bahay at nagiging palaka sa kahirapan kaya, nagpasya silang ipamigay ako. Ipinakilala nila ako sa mga relatives ko na nakapansin sa panawagan ng orphanage.

Mayaman ang mga relatives ko pero ayaw ako nilang tulungan. Takot yata sa kahirapan syndrome. Buti na lang, isa sa mga ma-eng-eng kong kapamilya ang tumulong na magkabahay ako. May allowance naman pero........scholar naman ako. Ang hirap maging scholar ha. May pa maintain maintain pa ng grades silang nalalaman. Ang daming echos. At papasok pa ako sa parehang school kung saan pumapasok ang sosyal at nakakainis kong pinsan. Ang masaklap, school yun ng mga matatalino. As in Luxembourg Academy. Mga genius kasama ko dun. Well, hindi naman lahat genius. May mga mayayamang binayaran lang ang administration para makapasok at sabihing sosyal. Cheap di bah?  

Ang GF Kong Saksakan ng MalasTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon