Chapter 6

5 0 0
                                    

Chapter 6-she Finally Met Him………the Yabang King

><> Dara’s POV<><

Pagkalabas ko ng skul, agad akong naglakad papunta dun sa subdivision ni Mrs. Churchill. Kailangan kong subukan ang lahat ng posibilidad para naman mabawasan kahit papano yung utang ko. Ayokong habang buhay na mabaon!

Ilang minuto ang lumipas at nakarating na ako sa loob ng subdivision. Sa katunayan nga, malapit na ako dun sa bahay ni Mrs. Churchill. Kitang-kita kasi yung malaki nilang bahay kahit na nasa malayo ka eh. Sa tingin ko, sila rin yung may-ari ng pinakamalaking bahay dito sa subdivision na to. Napatingin ako sa bahay nila at nagpatuloy sa paglalakad ng biglang............

*BEEEEEEEEEEEEP!!!!!!!!!!!!!* Nagulat ako at napalingon sa aking likuran. Isang kotse pala ang nasa likod ko! Aba! Gagong driver to ah!  Shet! Muntikan pa akong masagasaan! Akala nitoh! Humanda to sa kin pag lumabas toh.

            At hindi nga ako nagkamali. Naasar rin ata siya sa kin kaya lumabas siya sa kotse niya. Hindi naman ako nasindak kaso lang.......................

Tumambad sa harap ko ang isang pagkatangkad-tangkad na lalake. Medyo may pagka foreigner yung mukha niya kaso hindi ko siguro kasi naka shades siya. Maputi, at kulay itim yung buhok niya. As in jet black. Matangos ang ilong at maganda ang kutis. Pang model. Pero............nakaka--------- at napaka----------naman talaga at na-----------

“Oy! Ano bah?! Magpapakamatay ka bah?!” sigaw niya habang balabag na sinara yung pinto ng kotse niya at unti-unting lumalapit sa kin. Mukhang asar na galit na ewan. Ang lakas ng loob! Siya na nga tong muntikan nang makasagasa! Akala ko nga ma-english kasi mukhang foreigner. Kaso ang tatas naman pala kung magtagalog. Sumimangot ako at napaatras. 

“B-B-bakit ha! Ikaw yung muntikan nang makasagasa ah!” tinitigan ko sya ng masama sabay taas ng kilay ko. Inismid lang niya ako at nag smirk tapos tinanggal nya yung shades niya. Shet! Ang ganda ng medyo singkit at kulay brown nyang mga mata! At perpektong guhit ng kilay! Kaso lang, ang angas! Ang...............nakakaasar~! nakangiti pa rin siya at ang puti nga ng ngipin eh. Kaso para bang nang-i-insulto siya.

“Hoy asungot! Anong ginagawa mo dito sa subdivision ha? Hindi ka naman mukhang mayaman. Contadina. (peasant)” Sumandal siya sa kotse niya at tinignan ako mula ulo hanggang paa. Ang arogante talaga nitong lalakeng to! Napaka! Lumapit ako sa kanya at binelatan ko siya!

“Bleh!” sabay sipa ko sa kotse niya. “Eh ano! Ang panget din naman ng kotse mo ah!” Tinaasan lang niya ako ng kilay tapos nag smirk sabay umalis na siya at naglakad papalayo. Aba! Napaka! Hindi man lang nag-react! Kaasar ha! Parang pinapamukha niyang siya lang ang pwedeng bumara sa usapan!

Tumigil siya sa paglalakad at lumingon sa kin. “Ang panget moh!” sabay tawa at naglakad papalayo. Aba naman talaga! Gusto ko tuloy siyang sipain!

“Hoy! Ang kapal mo! Teka-------“ naglalakad siya patungo siya sa gate ng bahay ni Mrs. Churchill! Saan naman kaya siya pupunta? Teka................ang..............ano bang gagawin niya?!

Hinabol ko siya at hinila yung kanang braso niya. Napatingin siya sa kin ng may naasar na mukha. “Hoy! T-T-Teka! Anong gagawin mo sa bahay ni Mrs. Churchill! Bakit----“ hindi niya ako pinatapos ng pagsasalita tapos iwinaslik niya yung kamay ko at tiningnan ako ng puno ng pagtataka at sinigawan ba naman ako?! “Ano bang ginagawa mo?! You’re crazy!” Pero mapilit ako eh. Hinawakan ko ulit siya. “Bakit?! Saan ka pupunta?! Anong gagawin mo dun ha?!” Nag-snob lang siya sa kin at tinulak ako papalayo .” What’s wrong with you! A crazy woman on the rage! Auntie ko siya! Ano bang problema mo ha?!” tapos naglakad na sya ulit. Parang galit ata. Pero..............natameme naman ako dun! Auntie niya si Mrs. Churchill?! Ibig sabihin, papasok siya dun?! NAku!

Ang GF Kong Saksakan ng MalasTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon