Chapter 2

21 0 0
                                    

Chapter 2- Nang dahil sa snatcher

><>Dara’s POV<><

            Pagkatapos na pagkatapos ng dismissal, ay umalis na agad ako. Wala nga akong pinapansin kahit sino basta lakad lang ng lakad. Careerin mo nah.  Eh ano ba naman ang silbi na pansinin ko sila? Eh lalaitin lang naman nila ako! Che! Shet nalang sa kanila! Pakshet! WADAPAK!

Hay! Kapagod naman ang first day of school! Sigurado ba silang buhay pa sila pagkatapos ng graduation? Oh kahit man lang pagkatapos ng school year? Sorry naman ha? Hindi lang ako sanay eh. Hindi naman kasi ako kasing swerte nyo diyan. Hindi naman ako ganito kapagod dati nung mga madre pa sa orphanage ang nagtuturo sa akin eh. At saka.......tingin ko mas advance yung tinuturo dun eh. Kaasar at kapagod kang ang mga tinuturo dito sa labas.

Puro pagpapakilala lang ang ginawa namin ngayon. May 9 kaming subject. Yun oh! Asa ka pa! Ibig sabihin 9 na beses ko rin rinampa ang saksakan kong panget na mukha. Eh buti na nga lang kahit papano ay may mga kaibigan na ako. Unti-unti nang nawala ang kaba ko habang nagpapakilala na naman ako ng paulit ulit ulit sa harapan. Kainis noh? Hay buhay talaga.....ang complicated......sabi nga ng mga lasing sa kanto pag dumadaan ako eh......kung ang panget daw ng buhay ko, mas panget daw mukha ko; kaya naman ipaayos ko na lang daw mukha ko baka sakaling gumanda daw ang buhay ko. Ewan ko ba ang sarap makipagsuntukan sa kanila. Akala ko ba gumaganda ang panget sa paningin ng mga panget? Sinungaling talaga yung mga drug pusher na yun. Inis ha. Umasa pa naman ako. Eh bakit ganun? Ang sabi ng mga sister sa orphanage, lahat daw nilikhang magaganda ng diyos. Eh bakit ganito naman ako kaganda? Hay.......sige na nga.....choosy pa ba ako? Wla naman akong pera pang retoke at tsaka takot akong lalong pumanget. Tama na nga! Bilisan ko na lang kaya ang paglalakad. Mukha kasing kanina pa may nakasunod sa kin eh. Katakot naman. Baka holdapper? Naku ano naman kaya ang ho-holdapin niya sa kin? Eh baka nga mas galante pa siya sa kin eh. Perobaka naman mangkukulam na walang magawa to? Ang bagal kasing maglakad. Ay naku ano naman ang kukulamin niya sa kin? Eh daig ko pa nga kinulam sa kamalasan at kapangetan eh. Inis.....Teka lang........tumakbo na kaya ako?........Sige Go!

Nang unti-unti kong naramdaman na parang sinusundan talaga ako, binilisan ko na yung paglalakad ko. Hindi talaga ako tumigil kahit bumagal man lang. takot akong ma-rape, mapatay, o makidnap.........teka.......sino naman kaya ang magbibigay sa kin ng randsome pag nagkataon? Hay ang bobols naman pala ng mga kidnaper na to eh.

Medyo malayo na rin ang nalakad ko kaya akala ko,wla na sila. Nawala na tuloy ako. Nasaan na ba ako? Mukhang nasa isang sosyal na village yata ako ah. Ang lalake kasi ng mga bahay eh. Nakakalula. Ang echos naman ng mga taong nakatira dito samantalang yung mga taong nakatira sa labas at paligid ng vilalge na to ay mas mahirap pa sa pulubi. Ano to? Special treatment? O baka yun ang bagong design ng lipunan? Mahirap sa gilid, mayaman sa gitna. Ang labooooooooo! Grabeh nakak-------

*SWOOSH* Teka hangin lang ba yon? Ang lakas naman ng hangin at parang pati braso ko natangay? Teka........ang hangin din ng pakiramdam ko.........ang gaan yata ng katawan ko? Eh kanina lang may dala akong---------------- Finally gets ko na rin......na snatch pala ang bag ko......teka!---

“HOY SNATCHER! IBALIK MO BAG KO! AMAG LANG ANG LAMAN YAN! AT KONTING LAMANG LUPA AT HALIMAW! IBALIK MO SA KIN YAN! LANG HIYA!”Bwiset na snatcher to ah! Sinundan talaga ako? At saan namang parte ng katawan ko ang mayaman ha? Eh mukhang mas may kaya pa nga ang daga sa akin eh! Shet lang ha! Pakshet! Mahabol nga ang mga mokong na to! Lagot talga sila sa kin pag naabutan ko sila! Hindi na talaga sila sisikatan ng full moon! Full moon pa naman ngayong gabi.

“HOY! LAGOT TALAGA KAYO SA KIN PAG NAABUTAN KO KAYO! IBALIK NYO NA LANG SA KIN YAN!” Hindi ako makapaniwalang pinaginteresan pa talaga ang bag ko! At hanggang ngayon, hinahabol ko pa rin sila! Aba! Hindi ko isusuko ang bag ko noh! Siyempre wala akong pera na ipambili ng bago! Shet lang ha! At may back up pa talaga ang mga to pagkarating sa isang kanto at pinasa pasa pa ang bag ko?! Sige mas maganda! Mas maraming mabubugbog!

Ang GF Kong Saksakan ng MalasTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon