Chapter 25

43 3 0
                                    


Eto na yung isa pang update.

Enjoy ulit !

~_~_~_~_~_~_~_~_~_~_~_~_~

. . . . In the morning . . . .

=JAM's POV=

Lumabas na ako na kwarto at dumeretso sa kusina. Nakita ko na nagaagahan na sila kaya umupo na din ako.

" Oh, Jam. Gising ka na pala. Aalis kana ? " tanong ni Mama. Psh -_- Atat naman si Mama na umalis ako nuh ?

" Di pa po. Mamaya pang gabi. " sabi ko at kumuha na ng makakain. At kumain. Sabihin ko na ba ? Ano ba ?

" Ahh. Basta mag iingat ka dun. Di kita pinipigilan. Malaki ka naman na. Alam mo na ang tama at mali. May tiwala ako sayo. " sabi ni Mama, nakuha ko naman yung gusto nyang iparating.

" Opo. Ma, Ate . . May sasabihin po ako. " medyo kinakabahan na sabi ko sakanila.

" Ano yun ? " tanong ni Ate. Wait lang. Itutuloy ko pa ba ? Wag na kaya ? aish. Ang gulo ! Sabihin ko nalang.

" Nakita ko po sya." sabi ko.

" Sino ? " tanong ni Mama.

" Si papa. " pagkasabing pagkasabi ko nun napatingin sila sakin.

" Nakita ko po sya kahapon. " dagdag ko pa. Naghihintay ako ng sagot nila pero wala akong naririnig.

" Wala man lang po ba kayong sasabihin sakin ? " tanong ko sakanila. Pero wala parin silang imik. I feel weird. Something's wrong. " Ma ? " I said then I looked at my mom. But no response. " Ate ? " tanong ko kay ate pero wala parin. Ano ba nangyayari sakanila ? Naiinis na ako. Until my mom spoke....

" Nagkita na din kami ng Papa mo ganun na din ang ate mo. " biglang sabi ni Mama na kinagulat ko. Pero wala naman silang nabanggit sakin tungkol dun.

" Po ? " yan nalang ang nasabi ko.

" Nagkita na kami ng Papa mo dati. Kasamo ko ang ate mo nuon. Nagkamustahan kami at dun ko nalaman na di matuloy ang relasyon nila nung babae nya kaya mag isa na sya ngayon at wala na din daw syang balak na mag asawa ulit. Nanghihingi na pangalawang pagkakataon ang Papa mo sakin pero inisip ko ikaw. " sabi nya. So ibig sabihin pala matagal na 'to ?

" Gusto nyo po ba ? " tanong ko kay Mama. Alam kong gusto mya parin. Kita ko sa mga mata nya. Pero gusto ko parin itanong.

" Sino ba namang ina ang gusto ng sirang pamilya ? Oo anak

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

" Sino ba namang ina ang gusto ng sirang pamilya ? Oo anak. Pero inisipi kita. Dahil alam kong magagalit kasi sakin. Dahil alam ko kung gaano ang galit mo sa papa mo. Kaya sinabi ko sakanya na maghintay pa sya. Hanggang sa lumambot ka. " biglang nagpantig yung tenga ko sa narinig ko.

" Maghintay ?! Ma, ano ba naman ?! Ilang taon nya tayo pinaghintay sa wala !! Na akala natin na babalik pa sya. Ma, pinaghintay nya tayo hanggang sa nagkaganito tayo. Pinahirapan nya tayo ng ilang taon. Tapos sa isang saglit lang, nakalimutan nyo na lahat ?! " mangiyak ngiyak na sabi ko kay Mama. Medyo napalakas na din yung boses ko. Di ko kasi matanggap yung mga nalaman ko ngayon.

When you met a Maldita...Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon