Chapter 48

13 1 0
                                    

Chapter 48

--------


Kinabukasan........

Naglalakad ako sa garden ng bahay. Masyado kong namiss ang lugar na ito. Tunay nga na maganda lang na umuwi kami pabalik ng Pilipinas.

Oo, aaminin ko na kahit papaano ay nag aalala ako sa kalagayan ng anak ko. Baka may kung anong hindi maganda ang gawin sakanya o sa akin ang magaling kong kapatid pero nananalangin na lamang talaga ako.

I walked around the place. Napakapeaceful.

Napangiti ako, napagdesisyunan ko ng pumasok ng bahay. Papasok na ako sa Pintuan sa likod ng bahay.

"No. Wag kang makulit!"

May narinig akong boses na tila ba ay may kausap. Sinilip ko ito kung sino. At tama ako, may kausap ito ngunit sa telepono.

"Hindi nga sabi pwede."

"Basta. Hindi ka muna pwedeng pumunta dito."

"Ang Kul-----"

"Sino 'yang kausap mo?" singit ko sa usapan nila. Nagulat naman sya nang makita nya ako.

"Kanina ka pa ba dyan? May narinig ka ba?" tila kabang kaba nyang sabi sakin. Napangiti naman ako sa inaasal nya kapag nakikita nya ako o malapit ako sakanya. Siya parin talaga yung kilala kong Mac na walang lakas ng loob.

"Hindi naman, kakadating ko lang halos. Bakit? May dapat ba akong marinig?" tanong ko sakanya.

"Wala."

"Who are you talking to?" tanong ko sa pangalawang beses. Although may idea na ako kung sino yung kausap nya, tina-try ko lang kung kaya nyang sabihin sakin.

"Kaibigan ko lang." sabi nya

"Oh talaga? Friend mo lang? Bakit parang narinig ko, ayaw mong papuntahin dito. Sino ba 'tong sinasabi mong kaibigan mo?" medyo may pang aasar sa boses ko nang sinabi ko iyon.

"Hindi mo gugustuhing marinig kung sino ang kausap ko at kung ano ko sya."

"Bakit naman? Dapat na ba akong kabahan?" napairap nalang ako sa nais iparatibg ng kapatid ko. Wala akong pakealam kung ano nya pa yung taong yun. Ang akin, ay paglalaruan ko lang naman sya gaya ng paglalaro nya sakin noon.

Ang akala ko na mabait sya sakin, yun pala nagpapanggap lang sya. Yun pala ay sinusumpa nya na ako kapag ako'y nakatalikod sakanya.

"Nasa sayo 'yan."

"Sorry pero di ako kinakabahan sayo. Ikaw ang dapat kabahan." pagkasabing pagkasabi ko noon ay umalis na ako sa harap nya at umakyat patungong kwarto.

*MITSUKI'S POV

"Ibang klase ka talaga, Ate!"

"Ako pa ba?"

"Kung ako yun, matatakot na ako. O kaya aalis na ako dito."

Pinaguusapan namin ni Ate yung ginawa nya kanina kay Claire. Humahanga ako sa katapangan ni Ate. Buntis pero palaban.

"Pero alam mo, Ate. Matapang pa sya. Takutin mo lang." sabi ko sakanya. Nginitian nya lang ako.

"Oo naman. Di ako magsasawa." sabi nya.

Di sa kinukunsinti ko si Ate Jam pero parang ganun na nga. Ewan! Nakakainis naman kasi eh. Tsaka ramdam ko kasi talaga yung pangta-traydor.

*CLAIRE'S POV

Nakakainis!

Talagang iniinis ako ng kapatid ko.

When you met a Maldita...Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon