Flare's POV
"Di mo man lang ako inimbita." Sabi ng boses na nagpapalakas ng tibok ng puso ko. Bakit nandito siya? Paano niya nalaman?
"I-ikaw?" O.O
"Miss me?" Sabi niya sabay smirked. Tss loko talaga tong loko na ito.
"Asa." Tipid kong sagot. Bumilis kasi ang tibok ng puso ko.
"Di nga ba?" Pang-aasar pa niya sabay lapit sa akin.
"Tss pwede ba Fritz, behave ka. Behave kung ayaw mong maging abo." Banta ko dito. Uminit kasi ang pisngi ko sa lapit ng mukha niya.
"Fine." Parang batang sabi niya. Cute. Wait erase erase
"Ba't ka nandito?" Tanong ko.
"Stupid. Di pa ba obvious?" Sagot niya. Kung maka stupid to. Gusto ata nitong ihawin ko siya. Binigyan ko nga ng death glare kahit di siya nasindak.
"Sumagot ka ng maayos." Sabi ko.
"Tss. Wala lang. Bumisita lang ako dito. Alam mo namang kaibigan ng mga magulang ko sina Tita." Sabi niya. Wait what? Ang parents niya at parents ko..magkaibigan?
"Talaga? Magkakilala pala ang mga parents natin?" Tanong ko. Nacucurious kasi ako e. Parents ko kasi ang sangkot diba.
"Yep. Lagi sila dito nung buhay pa ang mga magulang mo. Kaya nga naging independent ang Ice Kingdom e." Sabi niya. Teka anong connect?
"Anong connect?" Tanong ko.
"Dahil sa digmaan noon, nasawi ang mga magulang mo at muntik ng mamatay ang parents ko sa pagprotekta sa kanila. At dahil sa wala silang nagawa upang mailigtas ng buhay ang parents mo, ayon, umalis sila sa alliance ng limang kaharian upang mamuhay ng tahimik at malayo sa gulo. Itinatag nila ang kaharian namin. Ang Ice Kingdom." Mahabang paliwanag ni Fritz.
"Ah ganon pala ang nangyari? Bakit di ko alam?" Usisa ko. Wala naman kasi akong amnesia kaya nakapagtataka na di ko yon maalala.
"Malalaman mo rin yan sa tamang panahon." Sagot niya. Tsk ano to? Story na may pa thrilling pang nalalaman?
"Wag kang mag-pout." Sabi niya.
"Paki mo ba?" Sagot ko naman.
"May pakialam ako sayo." Seryoso niyang sabi habang nakatitig sa akin. Halos malusaw at manginig ang mga tuhod ko sa intense ng pagkakatitig niya. Ang gwapo pala ng mokong nato. Teka, wala akong sinabi diba? Oo nga wala.
Naalala ko tuloy ang nangyari sa clinic noong naconfine ako doon.
******flashback*******
Dahan-dahan kong minulat ang aking mga mata dahil narinig ko ang nag-uusap na sina Flowie, Terrah, at Aira.
Pero laking gulat ko nang tumambad sa aking paningin ang napakagwapong nilalang. Puti ang buhok. Maputi din ang balat at ang mga mata niyang ice blue. Matangos din ang ilong niya at omg! Lips niya natural na reddish sarap halik---
"Done checking me out?" Tanong ng lalaki sabay smirked. Aba! Ayos na sana kaso mahangin. Pektusan ko to e.
"S-sino ka? Baka naligaw ka at room ko napasukan mo?" Tanong ko sa lalaki.
"Oo nga. Sino ka?" Sabat ni Flowie. Muntik ko ng nalimutang nandito ang mga kaibigan ko.
"Tss. I am Fritz Sylvester Winters and I was the one who rescued you from the darkstars you fought last night." Nosebleed ako sis. Englishero pala tong kumag nato.
"So.. You're the Prince of Ice Kingdom yea?" Tanong ni Aira na parang nagstate ng fact lang.
"I am." Tipid na sagot ni Fritz.
BINABASA MO ANG
Crystalia Academy: Paladin
FantasyA school for a creature possessing an extraordinary abilities and powers. It was built for a purpose. And obviously, only gifted can enroll in this institution. Crystalia Kingdom was quietly peaceful. Not until Darkstar, the creatures dwelling in th...