Third Person's POV
Nanlumo ang Tatlong prinsesa, Headmaster at France sa nangyari sa academy nila.
Bagamat naayos naman kaagad ng mga staffs ang pinsala. Maliban na lamang sa barrier ba di pa naibabalik. Ang dati kasing mga paladins ang nagsamasama sa paggawa non. Kaso patay na sila at hahanap pa sila ng bago na papalit sa tungkulin.
Pero di na problema yon dahil ang mga prinsesa mismo at si France ang naatasang papalit. Kailangan lang nilang magsanay ng husto. Pagkatapos kasing umilaw, lumitaw ang pigura ng apat na nilalang.
Napanganga sila sa nakita. Lalo na nang nakilala nila kung sinu-sino ang mga ito.
Lahat ng mga studyante, guro, at pati ang headmaster ay nag bow sa apat na nilalang.
"Magandang araw sa inyo. Alam kong kilala nyo na kaming apat, tama?" Sabi ng babaeng nakablue dress na ubod ng ganda. Ang goddess of water.
Tango lamang ang tanging nasagot ng lahat dahil di parin sila makapaniwala na nasa harapan nila ang apat na goddesses.
"Nais lamang naming anyayahan sa aming mundo ang tatlong Prinsesa. Si Princess Flowie, Princess Aira, at si Princess Terrah." Sabi naman ng goddess of Air na nakaputi ang kanyang suot na bumagay sa kanyang pustura.
"...kailangan nilang mag-insayo ng maigi. Dahil mas lumakas pa ang mga darkstar ngayon. Kailangan lang nilang maging handa sa anomang oras." Dagdag pa ng goddess of Earth. Green na may white ang dress niya. Elegante. May bulaklak na sunflower sa kaliwang tenga niya.
"Susunduin namin silang tatlo sa susunod na labing limang araw mula ngayon." Fire goddess na mukha nakakatakot ang aura. Pero infairness may maibubuga sa ganda ang isang to.
"Masusunod." Sagot ng headmaster nila na old version ni First.
Ang tatlong prinsesa ay nagulat parin sa mga nangyayari. Bakit tatlo lang? Diba dapat kasama si France? Yan ang nasa isipan nila. Fire user kasi si France.
--------------------------------
Someone's POV
Hayss..
Kailan kaya ako makakabalik sa mundo kong kinabibilangan.
Gusto ko ng bumalik doon kahit wala na akong pamilyang babalikan.
Gusto kong bumalik sa aking kaharian. Ako ang totoong tagapagmana ng trono matapos nilang paslangin si Amang Hari at Inang Reyna.
Kahit nandito ako sa mundo ng mga mortal na tao, di lingid sa kaalaman ko ang kaibahan ko sa kanila. May kapangyarihan ako.
Ngunit di ko man lang ito nagamit upang protektahan ang mga magulang ko. Nanaig sa akin ang kaduwagan noon. Kaya sisiguradohin ko na sa aking pagbabalik..... Pagsisihan nila ang kanilang ginawa sa akin, sa pamilya ko, at sa nasasakopan ko.
Konting tiis nalang at ako'y magbabalik. Hintayin nyo ako.....
------------------------
Aira's POV
Isang linggo na magmula nang may sumugod sa aming mga darkstar dito sa academy.
Isang linggo narin mula nang nagpakita ang mga goddesses ng mga elemento upang imbitahan kami sa mundo nila upang doon magsanay at magpalakas.
Bumalik na naman muli ang saya sa academy at mukhang nakakamoved-on na ang mga studyante mula sa nangyari.
Kasalukuyan kami ngayong nakaupo dito sa cafeteria. Katatapos lang naming mag-lunch.
"Princesses.. Pinapupunta po kayo ni Headmaster sa office niya. ASAP." Sabi ng babae tsaka nag bow. Tss kakailang ang ginawa niya.
"Bakit daw?" Takang tanong ni Flowie. Chismosa talaga ang tubig na to.
BINABASA MO ANG
Crystalia Academy: Paladin
FantasyA school for a creature possessing an extraordinary abilities and powers. It was built for a purpose. And obviously, only gifted can enroll in this institution. Crystalia Kingdom was quietly peaceful. Not until Darkstar, the creatures dwelling in th...