Chapter 4: Crystalia City

68 10 0
                                    

Terrah's POV

Pupunta kaming tatlo sa Crystalia City. Mamimili kami ng dress na aming susuotin sa acquaintance party bukas.

Halatang excited masyado tong si Flowie. Kanina pa nakahanda at nagyaya samin ni Aira.

"May plano paba kayong pupunta sa city guys?" Si Flowie.

Halata mo sa kanya ang pagkabagot kakahintay sa amin haha

"Sandali lang." Sagot ko.

"Aba'y yan din ang sagot mo kanina a. Naglolokohan ba tayo? Dinaig nyo pa ang traffic sa EDSA ng mortal world sa bagal nyong kumilos." Litanya niya pffft ang babaeng to talaga. Nasali tuloy ang EDSA dahil sa amin.

"E atat ka kasi masyado. Chill ka lang nasisira ang beauty mo pag ganyan ka." Pampalubag loob ko dito.

"Oh my gosh!!! Haggard naba ako?! Pahiram ng salamin bilis!" Hysterical niyang sabi kaya napatawa ako.

"OA." Sabi ni Aira. Tapos na pala to. Ako nalang ang di pa.

"Ang sakit talagang magsalita ang hangin na to." Sagot ni Flowie kay Aira.

"Whatever." Naparoll eyes nalang si Aira.

"Oh tara na guys." Yaya ko sa kanila.

"Sa wakas." Si Flowie.

Napagdesisyonan namin na gamitin ang mga wings namin upang mabilis kaming makarating sa city.

Nilabas ni Aira ang puti nyang pakpak na kung tamaan ng sikat ng araw ay parang transparent.

Si Flowie naman ay nilabas ang ocean blue niyang pakpak.

At ako ang mint green na pakpak.

Naghabolan kami sa paglipad na parang mga bata. Nagtatawanan sa simpling bagay na aming nasusulyapan sa ibaba. Pati si Aira ay tumatawa. Napakarelaxing kasi pag lumilipad ka. Naghabolan kami sa ere. Ang saya sa feeling. Masaya akong nakilala ko ang dalawang to.

Nang lumanding kami sa city mismo, pagkamangha ang makikita sa mukha ng mga nakasaksi sa amin.

Nagulat kami ng nag bow silang lahat sa amin sabay sabing..

"Maligayang pagdating, Elemental Princesses." Sabi nung ginang na mga nasa 40's ang edad.

Ngumiti lang kami kahit na nagtataka kaming tatlo. Ang weird nila.

Naglalakad kami papunta sa boutique upang mamili ng dress.

Ilang minuto narin kaming namimili pero parang walang pumatok sa panlasa namin.

"Ano ba 'yan wala akong mapili." Maktol ni Flowie.

"E maghanap ka kaya kesa magreklamo." Sagot naman ni Aira.

"Lipat tayo guys!" Sabat ko sa usapan nila.

"Guys look!" Sabi ni Flowie sabay turo sa corner ng botique. Sinunod namin ang kanyang tinuro at WOW!!

"Ang ganda." Bulalas ko. May tatlo kasing dresses na nakahanger at puro elegante.

Puti, green, at blue. Parang sinadya talagang ginawa para sa amin.

Parang may sariling isip ang paa naming tatlo at kusang lumapit sa dresses. Lumapit ako sa green, Si Aira sa puti, at blue si Flowie.

Hinawakan ko ang dress at parang may kuryenteng dumaloy sa mga kamay ko. Bumitaw ako sa pagkabigla. Nilingon ko sila Aira at ganoon din sila. Nagtataka.

"Sa wakas, dumating na kayong magmamay-ari ng mga dresses na yan." Sabi ng boses sa likod namin.

"Ano po?" Tanong ko.

Crystalia Academy: PaladinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon