Chapter 9: The Prophecy

30 6 0
                                    


Third Person's POV

Nasa mortal world na ang tatlong prinsesa upang tuparin ang nakaatas sa kanilang mission. Ito ay para hanapin ang prinsesa ng Fire kingdom.

Wala pa silang eksaktong lugar na pupuntahan dahil wala silang alam kung saan nakatira ang kanilang pakay.

Kasalukuyan silang naglalakad sa gubat dahil doon sila dinala ng portal.

Bagamat tanghaling tapat ay nakakatakot ang lugar dahil sa hindi na ito nasasakop sa liwanag ng araw dahil sa kapal ng mga dahon ng naglalakihang mga puno.

Sjjdldkkkrffj

Yan ang tunog ng kaluskos n naririnig nila.

"Waaahh nanay ko po. May zombie." Ngumuwa si Flowie sa pagkagulat.

Pakk!!

"Gaga! Walang totoong zombie." Binatukan ni Terrah.

"Eh ano yon?" Takot paring usisa ni Flowie.

"Tss." Si Aira.

"Nice talking." Sabi ni Flowie in a sarcastic tone.

"Shut up." Pinandilatan ni Aira si Flowie kaya napalunok ito.

"Pfffft buti nga sayo." Natatawang sabi ni Terrah.

"Psh." Asar na sabi ni Flowie.

Nagpatuloy sila sa paglalakad pero parang walang kataposan ang kanilang paglalakad dahil di pa sila nakakalabas sa gubat. Mukhang naliligaw sila.

"Kanina pa tayo dito a. Baka na-maligno na tayo." Daldal ni Flowie.

"Maligno agad? Diba pwedeng na wrong turn tayo at may naghihintay satin upang kunin ang lamang loob natin?" Si Terrah.

"Gaga. Di naman tayo nag turn kaya paano ma wrong turn, aber?" Sagot naman ni Flowie.

"Kung maka-gaga naman ang bobong to." Wika ni Terrah.

"What did you just say?!" Bulyaw ni Flowie.

"Di ka lang pala bobo. Bingi pa. Tsk tsk." Sagot pa ni Terrah.

Samantalang si Aira ay tahimik lang na nakikiramdam sa paligid gamit ang hangin. Dahil parang may kakaibang presensya siyang nararamdaman.

"What?!" Inis na sigaw ni Flowie.

"Shut up!" Sigaw ni Terrah. Dahil may nararamdaman din siyang kakaiba sa gubat. Parang may sumusunod sa kanila. Nararamdaman niya ang mga nababahalang bulong ng mga halaman sa kanya.

"Aba bak--" sasagot pa sana si Flowie nang binigyan siya ng death glare ni Aira.

"He-he s-sabi ko nga." Flowie.

Ilang segundong katahimikan ay nagsalita na naman si Flowie.

"Guys, parang may mali. May nararamdaman akong kakaiba dito sa paligid natin." Sabi niya sabay paulan ng water knives sa itaas ng puno sa likoran ni Aira.

Arghgh..

Daing nang nakaitim na kasuotan dahil natamaan siya ni Flowie at nahulog sa puno.

Gulat si Terrah sa biglaang pag-atake ni Flowie. Si Aira ay cold parin at parang wala lang.

Agad nagsilabasan ang mga kasamahan ng mga darkstar at inatake sila. Pero isang atake lang ni Aira gamit ang air blast ay nabura sila sa mundong ibabaw.

May ibang nagsilabasan ulit para sumugod. Pero nilamon sila ng lupa na gawa ni Terrah.

Ang ibang papunta kay Flowie ay ocean wave lang ang pinang atake at nalunod.

Crystalia Academy: PaladinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon