Note: Di po ako gumagamit ng video from youtube at multimedia dahil gusto ko paganahin ang imahinasyon ng mga mambabasa. Gusto ko pong kayo mismo ang mag-iimagine ng itsura ng mga tauhan base sa deskripsyon kong binanggit. Yon lang. Here is the update. Chapter 14 na tayo.
Third Person's POV
Nanlulumo ang apat na prinsesa kasama ang prinsipe ng Ice kingdom na si Fritz ng kanilang madatnan ang charmer's village. Para na itong abandonadong lugar na pinamumugaran ng mga zombie sa movie. Sira-sirang mga bahay at pader, mga nagkalat na bangkay ng mga estudyanteng Crystalian na napaslang ng mga darkstar, at mga katawan ng mga darkstar na napatay ng mga crystalian. Di nila maisip na ganito kaaga ang paglusob ng mga kalaban. Ngunit di na iyon mahalaga.
Agad nilang pinuntahan ang mga kasama nilang paladin. Sila Flame, Jericho, Nedrich, at Aaron. Nag-aalala sila ng sobra para sa mga ito kaya iniwanan nila ang kanilang mga nasasakupan upang tulungan ang mga ito. Ngunit dahil maraming darkstar ay nakikipagpaban sila sa daan palang kaya di sila nakarating agad sa Mansion nila sa Charmer's Village.
Kanilang nadatnan ang nanghihinang si Nedrich na nagsummon ng bow at arrow tsaka ang prinsipe ng darkstar ang puntirya nito. Ngunit mabilis nakapunta sa likuran ni Nedrich ang kalaban at sasaksakin na sana siya nito nang tinira ni Fritz Sylvester ang darkstar ng isang ice bomb. Kaya tumilapon ito sa mga tipak na semento ilang metro ang layo mula kay Nedrich na nanghihina na at hinimatay ito ilang segundo ang lumipas.
Tumayo na parang walang nangyari ang prinsipe ng darkstar at nakangisi ito sa mga paladin.
"Kumusta kana, Sylvester?" Sabi nito na nakangising demonyo..
"Tss. The hell you care, Benz Kyle Crux?" Cold na sagot ni Fritz.
"Hahaha di ka parin nagbabago Sylv. Napakamainitin parin ng ulo mo." Sagot ng prinsipe ng darkstar na si Benz Kyle Crux.
"Tss." Si Fritz habang nakatiim bagang nakatitig kay Benz.
"I wonder, mas iinit kaya ang ulo mo.....kapag gagalawin ko ang prinsesa ng fire kingdom?" Pang-aasar nito.
"Fuck you!" Galit na sabi ni Fritz tsaka tinira si Benz ng mga Ice shurikens. Nasangga naman ito ni Benz ng shield gamit ang itim na mahika.
"Aatake pa sana si Fritz nang parang hanging dumaan sa harapan nila ang Reyna ng darkstar na hawak ang bihag nilang sina King First at France na naliligo ng sarili niyang dugo.
"Nag-enjoy ba kayo sa aming munting surpresa mga mahal na prinsesa?" Tanong ni Geneva sa apat na Prinsesa na nakangiting demonyo.
"Gaga! E kung ang darkstar Castle ang susugurin namin mag eenjoy ka?" Sagot ni Flowie. Ang gaga girl.
"Hahahaha syempre naman. Magagalak akong salubungin ang aking mga panauhin." Pang-aasar nito.
"Tss. Pakawalan mo na sila First." Malamig na sabi ni Aira.
"Oh! Nagsalita ang pinaka-mysteryosong prinsesa." Sabi ni Geneva.
"Tumahimik ka nga! Ang ingay mo sarap tanggalan ng nguso." Sabat naman ni Terrah.
"E kung ang mga magulang mo ang tanggalan ko ng nguso?" Pambabara nito.
"Yan. Ang wag na wag mong susubukang gawin." Sabi ni Terrah.
"Hahaha natakot ba kita?" Tanong nito.
"...well, paano kung sabihin ko sayong, hawak ko ang mga magulang mo Princess Terrah?" Dagdag pa nito na napakalapad na ng ngiti.
"Di totoo yan!" Sigaw ni Terrah.
"Terrah..wag kang maniwala sa bruhang yan." Sabi ni Flare.
"Gusto niyo ng proweba? Panoorin niyo to." Sabi ng Reyna ng darkstar na si Geneva tsaka gamit ang itim na mahika nito, may nabuong parang malaking hologram na nakaproject sa harap nila. Makikita nila dito ang dalawang taong nakikipaglaban sa mga darkstar. Ang hari at reyna ng Earth Kingdom.
BINABASA MO ANG
Crystalia Academy: Paladin
FantasyA school for a creature possessing an extraordinary abilities and powers. It was built for a purpose. And obviously, only gifted can enroll in this institution. Crystalia Kingdom was quietly peaceful. Not until Darkstar, the creatures dwelling in th...