Waiting

4 2 0
                                    

Bumaba na ako sa kotse ni kuya jasper at nagpasalamat sa kanya. Ganyan talaga si kuya jasper masyado na siyang nagpapa kuya sakin. Nung umuwi kasi ang mga magulang ko from italy sa kanya nila ako binilin.

Pagkababa ko agad na akong pumunta sa room namin. Napaaga ako ng kaunte kaya naman kinuha ko na muna yung phone ko at tinawagan ko si Hope Elizabeth Correa. Ang bff ko dito sa destiny University at siya lagi ang kasama ko.

Ringing....

Hello hope? Where are you na?

Hello jamie im on the way na.

Okay take care.

Nandyan ka na ba?

Oo napaaga nga ako eh, dalian mo may ikwekwento ako sayo.

Wow! Ikaw ba yan? Bihira lang yan eh, malapit na ako.

Okay po. Bye.

Napaaga pala talaga ako hahaha! Kaya pala iba ang awra sakin ni kuya jasper. Habang hinihitay ko si Hope lumabas muna ako sa room at naglakad lakad. Ang dami na ring studyante kanya kanyang lakad hehehe.

Habang naglalakad ako hindi ko matanggal sa isipan ko si Ronnie. Nagreply na kaya siya? Kinuha ko ang phone ko at tinignan ko pero wala pa din eh. Hayaan ko na muna baka busy lang talaga yung tao.

Jamie!! Bff!! Napatingin ako sa likuran ko at nakita kong tumatakbo papalapit sakin si Hope.

Oh bakit ka hope?

Wala lang namiss lang kita. At niyakap niya ako.

Tara na nga punta na tayo sa room natin.
Pang-aaya ko kay hope.

Pumasok na kami then after 10 mins dumatin na yung prof namin. Literature ang subject namin ngayon at naganahan ako agad. Ganto kasi yung gusto ko eh yung gagana yung utak ko hehe. Nag discuss lang naman si Mam. Tuazon at nagpa-quiz lang saglit after that nagpa-dismiss na agad siya.

Inaya ko si Hope sa canteen para bumili ng snacks "Punta tayo sa canteen bff!" Pang-aaya ko. "Wag na punta nalang tayo sa coffee shop" sagot niya. "Are you sure?"
"Yup, libre ko" libre na niya so.. Minsan lang to pumayag na din ako. Sumakay kami sa kotse niya, bigtime din ang isang to eh. Siya ang nag drive at pumunta na kami sa coffee shop. Nag order lang siya ng 2 cappucinno at isang cake nag share na kami sa cake tutal malaki naman ito.

Sa larangan ng buhay hindi mo kailangan ng makakapag-pasaya sayo. Sapat na yung family and friends mo para sa happiness mo. Dahil alam ko na balang araw siya na mismo ang lalapit sakin kahit na wala akong gawing effort. Ganon ako eh.

Napatingin ako tv ng coffee shop at alam ko yung boses na yun tama ako si Ronnie yun.
"Uy! Bakit ka tulala diyan? Anong meron sa tv?" Pang uusisa ni Hope. "Si ronnie oh manood ka" sagot ko.

At bakit naman huh? May hinihintay ka ba kaya hindi ka pumayag na magkaron ng partner sa showbiz? Pagtatanong ng isang artista kay ronnie.

Hindi naman po sa ganon yun, baguhan pa lang naman ako and everyone knows na kung sasabak agad ako sa ganong role hindi yun fair. Pagsasagot ni ronnie dun sa artista.
Sabay kindat. Kaya naman kinilig ang mga fans.

Agad din natapos ang palabas na yun, hays! Pabitin naman yon. "Sinong ronnie bff?"
Nakalimutan na ba ni hope yung kinuwento ko sa kanya about kay ronnie? "Bff si ronnie yung matagal ko ng kinukwento sayo yung umay na umay kana sa kwento ko! Hello? Di mo na siya tanda? Ayan isang araw lumabas na siya diyan. Nasa showbiz na siya, siya yung taong matagal ko ng hinihinay at hinahanap" pagpapaalala ko sa kanya.
"Anak ka ng tokwa siya lang pala yun! Grabe ang gwapo niya ha? Ang galing kong pumili. Eh pano? Kilala ka pa ba niya? After 5 years na din un diba?"
"Oo nga eh. Hihi oo siya yun ang gwapo talaga ni ronnie ko :"> hindi ko alam hope nag message ako sa facebook sa kanya kaso sad to say hindi pa niya nababasa"
Then i pout at her.

"Think positive lang! Mababasa niya yun"
"Sana nga"

Habang hinihintay namin ang oras namin para sa next class namin. Nagkwentuhan muna kami dito ng kung ano-ano, and the same time nagbasa na din kami ng libro. Nahawa na sakin si hope. Pagtapos naming magbasa, bumalik na kami sa school. Kaso ang malas! Biglang umulan nung bumaba kami. Wala pa naman kaming payong. Hay nako! Basang basa na ko.

Huminto kami sa pinag-park namin ng kotse ni hope at nagpatila muna kami dun ng ulan. Basang basa na kami. Ang malas talaga! Habang naghihintay kami na tumila ang ulan..

Hoy! Tricia na pinalit sakin ng ex boyfriend ko magsama kayong dalawa tutal magkamukha naman kayo eh. Ang papanget niyo!! Galit na galit na sabi ni hope. Sumigaw siya agad, at tumingin sakin. Agad ko naman na gets iyun at sumigaw na din ako.

Ronnie vergara! Hihintayin kita kahit na tumanda pa ako! Hindi ako susuko sayo. Sana makita na ulit kita.

Sumigaw na din ako pabalik, wala namang makakarinig samin dahil sa lakas ng ulan eh.

"Ang gaan sa pakiramdam right?"
Pagtatanong sakin ng magaling kong kaibigan.
"Oo sobra" ningitian ko siya.
Ang gaan sa pakiramdam grabe. Kahit papano nabawasan.

Heart Break Is The National AnthemTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon