IM BACK

3 2 0
                                    

Ronnie's POV

Halos 5 years din akong nawala dito sa pilipinas. Nag prefer kasi ako para pagdating ng araw na to maging handa ako. Hindi ko kasi akalain nung 1st year HS palang ako eh after ng Christmas party namin ay yun na pala ang last day ko sa pilipinas. Lumipat na kami ng America at bago ako lumipat don may isang babae na nakilala ko. Shit lang diba? Bago pa ako umalis may nakilala pa ako at araw araw ko siyang naaalala. Natamaan nga ata ako sa kanya eh. :)

Days, weeks, months, at sa naging years na. Lagi siyang nasa isipan ko.. Ano na kayang itsura niya ngayon? Tumangkad ba siya? Pumuti lalo? O baka nagkalaman na? What i mean is kung tumaba na siya kahit kaunte?
Jamie Andrea Velton hanggang ngayon hindi pa din kita nakakalimutan. Although ang una nating pagkikita ay yun na ang first at last eh. Sa isipan ko sariwang sariwa pa ang lahat ng iyun. Kamusta na kaya siya? Ano na kaya ang lagay niya? Kilala niya pa kaya ako?

Kaya namang nung pagkauwi ko ng ng manila.. Syempre ang nasa contract ko 2 years sa showbiz at kung ayaw ko na nga daw pwede na akong umalis agad. Siguro naman sapat na yung ginugol kong oras at panahon para sa network ng lolo ko. So back na nga tayo sa pagkabalik ko ng manila.. After ng pictorial namin agad kong tinawagan ang   Kaibigan kong Magaling maghanap ng mga nawawalang tao. What i mean is... Magaling siyang maghanap kahit idescribe mo lang itsura ng gusto mong ipahanap sa kanya ay mahahanap na niya talaga. Ganun siya kagaling at hindi talaga siya pumapalya. Nangako kasi siya na tutulungan niya ako kapag nakauwi na ako.

Tinawagan ko siya at sinabi ko na "Jamie andrea velton" ang pangalan ng ipapahanap ko. Pangalan lang daw ang gusto niyang malaman at kinabukasan alam ko na kung san siya makikita. Sana mahanap na niya agad si Jamie..

--*
Kinabukasan.

Calling Luke...

Hello pre?

Oh hello pre goodnews!!

Anong goodnews yan?

Nahanap ko na siya.

Wow agad agad?

Oo naman ako pa ba? Magaling ata to.

Ang galing mo pre! Salamat! Magkita tayo later ok?

Sige no problem. Daan nalang ako diyan sa inyo gusto mo? Papakita ko sayo yung picture niya.

May picture ka? Patingin!!

Oo naman. Sige lang in 15 mins nandyan na ako.

Okay pre ingat.

Shocks!! Nahanap na niya si Jamie. Ang bilis naman non. Mag aayos na ako at dadaan nalang daw si luke dito. Bumaba na ako ng kwarto ko ng salubungin ako ng Yaya lola Iska. Siya ang yaya lola ko since grade 5 palang ako.

Apo aking alaga magandang umaga. Wala kabang lakad ngayon?

Goodmorning din yaya lola. Mero po kasi mamaya pa naman. May interview kami with the new artist.

Mabuti naman. Halika at kumain ka na muna pinagluto kita ng paborito mong lechon kawali.

Urggh!! Bigla akong nagutom. Ur the best yaya lola!

At agad na akong umupo sa hapag kainan. Habang wala pa si Luke kakain na muna ako.

"Ronnie!! Ronnie!! Pare!!"
May narinig akong sigaw sa labas.
Ay baka si luke na to. Inutusan ko yung isa namin na maid para pagbuksan ng gate si Luke. At hindi nga ako nagkamali siya na nga ang dumating at may hawak siyang brown envelope.

Open it. At inabot sakin ang brown envelope na hawak niya.

Okay. Matipid kong sagot.

Agad na bumungad sakin ang mga pictures ni..
Oo hindi ako nagkakamali si Jamie talaga to!! Ang ganda na niya. Ang angelic ng mukha niya at mukhang matangkad na siya pero parang tumaba ata ng kaunte? Mas okay siya ngayon. Natulala ako sa nakita ko nag evolve na siya! :"> oo evolve talaga, wahahaha.

San mo siya nahanap? At san mo nakuha tong mga pictures niya. Ang galing mo pre the best ka' siya to at hindi ako nagkakamali ;)

Ako pa ba Ronnie? Ang isang Luke na katulad ko ay hindi pumapalya. Kaya nga luke pangalan ko eh. Kasi para maka-Look sa mga taong gusto niyong mahanap! Wahahaha korni ko.

Salamat talaga pre. Laking tulong nito!

Ur always welcome my friend.
Andyan na yung address ng bahay niya. Address ng bestfriend niya. Name ng bff niya, at mga karaniwan na pinupuntahan niya. Lahat ng gusto mong malaman nandyan na.

Wow!! Napanga nga ako dun ah! Hindi ako nagsisi sayo pre!

Oo na. Paulit ulit? Sige na mauuna na ako. At may meeting pa ako.

Salamat talaga. Ingat ka.

Sige alis na ako.

At tuluyan na ngang umalis si Luke. Shit! Ang galing niya literal na napanganga ako sa mga nabasa ko dito.

Jamie Andrea Velton.
5'5
60 wg.
Infinite Sbdvsn.

Hangouts:

Bahay, Coffee shop (Cafe madera)
Padis, MOA, Seaside.

What? Padis? Inuman dito yun diba?
What the? Umiinom siya? Sa bagay ako nga umiinom eh siya pa kaya? Pero babae siya eh. Baka ano pang mangyari sa kanya!

Andito din yung info about sa bestfriend niya. Silang dalawa lang pala ang laging magkasama. But based on this paper na hawak ko.. Yung bestfriend niya ano.. Ano.. Ano kasi.. Puro lalaki ang kasama. Baka naman nahawa na sa kanya si Jamie?

--*

11 pm.

Sa wala tapos na yung interview namin. Ang gwapo ko siguro sa camera! Hay nako ronnie! Gwapong gwapo ka hahaha!
Nagpahinga na muna ako saglit. Nakakapagod kasi.. At pagtapos kong magpahinga uuwi na din ako. Pero habang nagpapahinga ako. Biglang tumunog ang phone ko.
May tumatawag.. Si Luke. Ano kayang ibabalita nito? Sinagot ko na yung tawag niya.

Oh pre napatawag ka?

Kasi nasa padis ako ngayon.

Oh naman ngayon? Don't tell me aayain mo ako? Hahaha.

Oo sana? Pwede kaba? Nandito din si jamie eh. Nagkita na ba kayo?

What! Si jamie? Nandyan?

Kakasabi ko nga lang diba? Hahaha. Kaso mag isa lang siya. Walang kasama.

Ha? Walang kasama? Sure ka ba?

Hahaha oo nga pre. Mag isa lang siya. Puntahan mo kaya siya dito. Baka ano pang mangyari sa kanya, gustonko sanang lapitan kaso hindi naman niya ako kilala. Lasing na eh.

Shit! Pupunta na ako diyan. Just text me nalang kung pano pumunta diyan okay bye.

Heart Break Is The National AnthemTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon