Party

3 2 0
                                    

Bumalik na kami sa next class namin at pagkabalik namin wala pang 5 mins dumating na agad yung professor namin at mukhang na dapa pa ata siya papunta dito. Huyas na huyas si Mam. Cruz professor namin sa Tourism.

Okay class hindi na muna ako makakapagturo ngayon kasi hindi ko kaya naulanan ako at sa tingin ko hindi ko kayang makapagturo ngayon.

Woah!! Walang klase. Sigaw ng mga classmate namin.

Class quiet!! Wala nga pero may ibibigay akong report sa inyo! Sigaw ni mam cruz sa amin.

Ano pong report  yun mam? Pagtatanong ni Clarissa, isa sa mga classmate ko.

Group yourself into 3 then try to search yung mga tourista attractio dito sa pilipinas. I need that next week ok class?

Okay mam. Sabay sabay namin na sagot. 
Madali lang yun report. Hehehe. 

Class dismiss! See you next week!

Agad na din siyang lumabas at yung iba naming classmate lumabas na din.

"Punta tayo sa padis later bff?" Pang aaya sakin ni Hope.
"Padis? Mag iinom tayo?" Pagtatanong ko sa kanya. "Yup, my treat naman eh" "Wag na ako naman ang mag treat sayo kaya ko na yon, basta hatid mo na ako ngayon sa bahay" "Sure! Tara na?" Pang aaya niya.

Sumakay na kami sa kotse niya at inihatid niya ako. Pero bago niya ako ihatid dumaan na muna kami sa starbucks at bumili muna ako doon. Pati sa mcdo dumaan na din kami, matagal na akong hindi nakakakain ng fries nila dito. Iuuwi ko ang lahat ng to sa bahay ito muna kakainin ko.

"Bye hope! See you later. Thankyou sa paghatid ha?" Pagpapaalam ko.
"No problem basta mamaya ok?"
"Oo naman, i'll text you later"
"Okay bye bff"
"Bye bff take care" at nagbeso na ako sa kanya. Ako naman pumasok na sa loob ng bahay ko. At nilagay ko na muna sa lamesa yung Kape, fries, burger at chicken fillet na binili ko. Hindi naman ako ganun katakaw noh? Hehehe.

Pagkatapos ko silang ilagay sa lamesa..
Pumunta na ako sa sala at cinonnect ko dun yung phone ko at nagpatugtog ng malakas.
This time kpop songs naman ang pinapatugtog ko. Yup, kpoper ako ;) ang favorite ko ay Ang EXO, APINK at GOT7.

Napapasabay akong umindak sa kpop haha! Natatawa ako sa sarili ko. Humiga ako sa sofa at kumain ako ng fries. Nagpahinga na muna ako at maya maya mag aayos na ako. It's already 5 pm naman na. Ang bilis talaga ng oras.

To: Hope sexy<3

Bff!! Whatime mo ako dadaanan dito?

From: Hope sexy<3

Hm. Mga 6:30 bff :) gayak kana maya maya ok? Nasa bathtub ako at nagmomoment eh.

Hindi ko na siya nireplayan maya maya kasi andito na yun.

Umakyat na ako sa kwarto ko para mag ayos. Naligo ako at pagkatapos nagbihis na.

Naka sando at shorts lang ako with macthing blazer at high heels. I put my make up on na din naglagay ako ng liquid eyeliner, mascara, eyebrow at matte red lipstick. Ganto lagi ang gusto ko sa sarili ko! <3

Bumaba na ako ng saktong dumating na ang aking Bff na si hope.

"Hi Bff! Leggo na?" Pamungad ko.
"Oo tara na, baka sakaling may makita tayong boylet dun" sagot niya. Malandi talaga tong bestfriend ko na to eh! Hahahaha. Ganyan si Hope hilig niyang makipag friends sa mga boys. Ewan ko ba dito di marunong makuntento eh maganda naman, hindi kasi maghanap ng boyfriend eh. Natauhan na siguro sa ex boyfriend niya! Wahahahaha.

Pumunta na ako sa kotse niya at.. Pagkapasok na pagpasok ko sa loob aba  nilakasan ang music. Rockstar ba to o nagpapaka-emo lang?
"Hoy hope!! Hinaan mo nga yang mga kantahan mo!" Sigaw ko. "Bakit bff? Ayaw mo ba nung kanta?" Sagot niya. "Hindi naman" tipid kong sagot. At nanahimik nalang ako tumungin ako sa labas ng bintana ang ganda ng mga ilaw sa labas. Ang sarap pagmasdan ❤️

At hindi ko na namalayan na nandito na pala kami sa padis. As usual maingay, pero sa ngayon ito na muna ang focus ko. Kaysa naman sa umasa ako kay ronnie ko <3 pero sa totoo lang umaasa naman talaga ako eh.. Imagine? 5 years? Hindi man lang niya alam ang existence ko.. :( how sad!

Sabay kaming pumasok sa padis ni Bff hope. At ayun iniwan niya ako dito mag isa tulala at mag isang umiinom..
Nakikipag landian kasi ang magaling kong bestfriend eh. Habang nakatingin ako sa kanila.. Napansin ko ung lalaking kasama ni hope. 5'8 lang siguro ito pero pwede na. Ang lalim ng dimples niya at mukhang may lahi. I think australian? Half pilipino. Pwede na kay hope to. Wahaha ang sama ko naman yatang bestfriend.

--*
2 am.

Tumingin ako sa phone ko.. 2 am na pala. At nakatulog pala ako.. Teka nasan yung magaling kong bestfriend? Medyo nahihilo ako.. Ay teka nahihilo talaga ako hindi ko yata kayang tumayo mag isa. Wtf :/ sinubukan kong pakalmahin ang sarili ko at nakita ko ang isang note na nakadikit sa bucket ng iniinom ko kanina.

"Bff!! Alis lang kami saglit ni Jameson ha? Pag gusto mo ng umuwi.. Iniwan ko yung susi ng auto ko diyan sa bag mo
-Hope"

Walangya yun! Iniwan ako! :( waaaah!! Pano na ako nito? Mukhang diko na kayang mag drive mag isa! :( uuwi na ako hindi ko na kaya. Magtataxi nalang ako pero may taxi pa kaya ng gantong oras? Hindi ko alam. At wala akong alam! Hays! Humanda ka sakin hope!! Wag kang papakita sakin HUHUHU

Tinayo ko ang sarili ko pagtapos pipilitin kong mag drive mag isa. Pero habang papunta na ako sa parking area.. Nagsuka ako wah!! Ako nagsuka? For the first time? Napadami ba talaga ang inom ko?

Patuloy ang pagsuka ko ng may kumausap sakin.. Hindi ko kilala pero hindi ko na siyang nagawang pansinin kakasuka ko.

"Miss? Okay ka lang ba?"
"Miss? Gusto mo ng tulong?"
"Uy!"

Pagtapos kong sumuka eh nagawa ko na din siyang harapin. Ay teka? Bakit naka ganto to? Naka all black siya.
Black jacket, black ripped jeans, black shirt at black mask.

Dug dug dug!!

Ang bilis ng tibok ng puso ko kinakabahan ako. Bakit ganto? Magnanakaw ba siya? O kaya naman rapist?

Nanlaki ang mga mata ko ng nagsalita ulit siya.
"Huy miss okay ka lang ba? Bakit ikaw lang mag isa?"
Ayoko na tatakbo na talaga ako mamaya masamang tao to!

Kumaripas ako ng takbo pero.. Bigla nalang dumilim ang mga paningin ko..
Bumagsak ako at nawalan ng malay...

Heart Break Is The National AnthemTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon