Crazy 1

545 16 4
                                    

"Alam mo na ang gagawin mo?"
"Oo kuya."
"Good, pag butihin mo ang mission mo. Para 'to kay Mama at Papa."
"Opo kuya."

Tisay's POV

Mula nang dumating ako dito sa Manila, di na matigil sa kaka-ikot ang mata ko sa paligid.
Napaka-gandang lugar ito.
May malalaki at matataas na Building sa gilid ng kalsada na sa lugar namin ay kubo lang.
May mga umaandar na sinasakyan na kahit naka-upo ka lang ay tumatakbo ,kotse daw ang tawag dito, eh sa lugar namin kalabaw ang ginagamit.
Anong lugar ba 'to?

"Tisay? OK ka lang ba?"
Tumingin ako kay kuya Kyle.

"Ok naman. Wala naman akong sakit Kuya eh."
Tinawanan niya Ako ng mahina saka iginalaw-galaw ang ulo.
Ano yun?

"Malapit na tayo sa school mo."
Napanganga Ako, School? Ano nga ulit 'yun? Napabatok ako sa ulo ko.
Ahhh.. Oo. Doon nga pala ako mag susulat at mag babasa. Paarapan kasi tawag samin no'n.
Tama 'yun nga.

"Oh nandito na tayo."
Napangiti na ako nang bumukas ang isang malaking pinto at pumasok kami d'on.

Wow.

Halos malaglag ang panga ko sa nakita ko. Ang lawak naman dito
Ang galing. Mayayaman siguro tao diti no?

"Ibaba na kita dito ha? Ipa-park ko lang 'tong kotse ko sa parking lot  antayin mo nalang Ako."

Lumabas na ako sa 'kotse daw' niya at tumayo lang don.

Inilibot ko ulit ang mata ko. Ang ganda talaga dito!
May mga babae na naka-suot din ng sout ko ngayon. May uniform agad ako.
Ang puti ng balat nila at napaka-ganda ng mga hitsura.
Ganon din kaya ako?

*BEEEEP!*

Napatalon ako sa gulat nang may kotse na palapit sakin.
Bakit niya ako lalapitan?

"Hey you! Get out of my way!"
Biglang may lumitaw na ulo sa gilid ng kotse. At sinigaw niya 'yun.
Pogi siya, magandang lalaki pero ang pangit ng UGALI.

Tinignan ko lang siya, bakit niya ako pinapaalis? Dito kaya ako mag-aaral, 'tsaka sabi ni kuya Kyle, wag daw akong aalis dito eh.

Nakita ko siyang bumaba sa Kotse.
Ang laki niyang tao. Napaka-tangkad.
Kasabay ng pag-baba niya sa Kotse ay tilian ng mga babae nang makita nila 'tong lalaki na papalapit sakin.
Bakit sila sumisigaw?

Habang yung lalaki naman ay nanlilisik 'yung mata niya habang palapit sakin.

"Hey, Ano bang ginagawa mo? Nakaharang ka sa dadaanan ko."
Dahan-dahan at malamig niyang sabi saka hawak sa buhok kong naka-puyod.

"Sabi ni kuya Kyle, dito daw ako mag-aantay e. Wag daw akong aalis."

"Tatabi ka lang naman!" Di parin nagbabago ang hitsura niya na parang naiinis.

Pero yung mga nag sisigawan na babae kanina ay dumami pa. Fans lang?

"Tatabi? Kanino ako tatabi?"
Napahawak siya sa baba niya saka tumawa ng mahina.

"Engot ka ba?"
"Di Ako engot ah."
"Eh tanga ka ba?"

Tanga? Oo. Lagi kong naririnig dati sa mga kaibigan ko. Tanga daw Ako.

"Oo. Tanga Ako. Bakit?"
Nagulat nalang ako nang nagtawanan sila pati 'tong lalaki sa harapan ko.

"OK. Tanga ka na kung tanga. Pero pwede bang padaanin mo ako crazy girl?"

Gumilid ako unti at inilahad ang daan.

"Oh ayan na po."
"Putspa mababaliw ako sayo!"
"Ha--"
Mag sasalita pa sana ako nang may humawak sa balikat ko.

"Yes, Mr.Zunniga? May Problema ka ba kay Trisha?"
Si Kuya kyle pala.

"Ah..uh no Sir."

"OK, park your Car and go to your Classrooms, mag sisimula na ang First subject."
Nagsimulang nawala yung mga babae pati Yung Mr.Zunniga daw?

"Oh Tisay, Tara na."
Ngumiti Ako at sumunod Kay Kuya Kyle.
Sabi niya kasi Professor ko daw siya. Yung taga-turo?

"Wag ka nang palapit dun ha."
Narinig kong sabi ni kuya Kyle habang nag lalakad.

"Ha? Bakit po Kuya?"
"Cassanova yun."
Kahit di ko Alam yung Cassanova ay Nag-Opo nalang Ako.
"Eh sino ba kasi 'yun Kuya?"
"He is Gino.. Gino Zunniga."

Napatigil ako sa paglalakad. Ano daw?
Gino Zunniga?

--

Your Love And MoneyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon