Crazy 2

387 20 3
                                    

Manghang-mangha talaga ako sa school na 'to.
Sobrang laki, sarap mag padulas sa sahig! Wiiiii!

"Pst. Trisha. Wag kang mag lalaro dito sa hallway." Saway ni kuya Kyle.
Ang sarap kaya mag padulas sa sahig nito, ang dulas! Pero dahil sabi ni kuya, huminto nalang ako.

"Nasa Campus tayo at Grade 11 ka na para mag padulas pa.
Kung may ibang nakakakita sayo, iisipin nilang baliw ka."
Oh ayan dagdag pa niya. Tama nga ang sinabi ng kuya ko noon, mapanermon daw si kuya Kyle. Umayos nalang ako sa pag lalakad para matigil na rin sa sermon si kuya.

Nauna siya sa paglalakad atsaka huminto sa isang pintuan at tumingin sakin.

"Ito na ang Room mo."
Nauna siyang pumasok pero nag paiwan lang ako sa labas.

"Good morning Class."
"Good morning Sir.Villanueva."
"Please take a sit. By the way Class I just want you to meet your new room mate. Trisha." Para naman akong artista sa kalagayan ko na 'to. English-an pala dito tapos isasabi yung pangalan mo?

Tumingin sakin si Kuya Kyle kaya pumasok na ako sa Loob.
Ang daming studyante. Sila ba ang makakasama ko?

"Introduce your self, Trisha."

Tumango ako at humarap ang mga studyante.
Lahat sila nakatingin sakin kaya nag Bow muna ako.

"Hi Hello! Ako si Trisha, Galing sa Baliwan province. 1 5years old na ako at pinanganak ako noong July 7 199*, ipinanganak ako sa probinsya namin nung 25 years old si Mama at 26 si papa. Alam niyo 9 years old na nun si kuya ko. Nasa probinsya sa ngayon.."

Habang nag sasalita Ako ay nag tatawanan na ang lahat. Hindi ko Alam kung bakit pero ipinagpatuloy ko parin ang pag sasalita.

"Close na close kami ng par-" napahinto nalang ako.

"Trisha, OK na ."
Di ko maintindihan 'tong si kuya kyle, sabi introduce your self daw tapos pinapatigil ako? Ito namang mga classmates ko nagtatawanan. Bastos lang?

"Ha? Hindi pa ako tapos Kuya. Hindi ko pa napapakilala ang ninono ko, favorite kong bagay at kung Anong hilig ko."

"WAHAHAHAHA!"
Lalo pang lumakas ang tawanan nila. Kala siguro nag bibiro ako. Nako, mga taga-manila talaga.
Kitang kita ko pang nag hahampasan na sila habang tumatawa. Nakakainis naman sila. Ano ba kasing mali sa sinabi ko?!

Imbes na magpatuloy, di nalang ako nag salita kund siinunod ko nalang si kuya at umupo sa tabi ng lalaki na nakayuko at halatang tulog. Tamad na bata oh.
Nasa pinaka harap kaming tatlo.
Ako-siya-at yung isa pa.

"OK class, enough. Let's start to our lesson."
Nag Simula nang tumahimik. Nag simula nang mag salita sa harapan si kuya.
Naramdaman ko din ang Pag ayos ng upo ng lalaking nasa tabi ko.
Nag tataka lang Ako kung bakit parang nakatitig siya sakin kaya nilingon ko siya.

"Ay kabayo ka!"
Laking gulat ko nang makita na ang katabi kong lalaki ay si Gino. Yung masungit na lalaki kanina.

"Anong kabayo ka diyan? Mukha ba Akong kabayo?"
Bulong niya.

"Ha? Medyo. Ay hindi pala."
Sinamaan niya ako ng tingin. Kaya pinilit ko ngumiti. "Bakit nandito ka?" Pag iiba ko ng tanong. Alam mo na, iwas inis ng lolo niyo.

"Ikaw dapat ang tatanungin ko, bakit nandyan ka sa upuan ni Jasper?"

"Jasper? Aso mo?"
Nanlaki ang Mata niya sa sinabi ko kaya lumapit ang mukha niya sa mukha ko.

"Hoy crazy girl ha, wag mong tatawaging aso si Jasper." Nadoble ang inis niya at halata sa hitsura niya.

"Tao pala siya?"
Kumamot siya ng ulo saka layo sakin

Your Love And MoneyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon