Crazy 10

267 13 2
                                    

"Simula ngayon, di ka na lalayo sa likuran ko."
Napakunot-noo lang Ako sa sinabi niya.
Bakit sa Likod? Pwede namang sa Harap?

"Hoy.. Nakikinig ka ba?"

"Ha? Oo. Pero bakit sa Likod?"

"Anong gusto mo? Sa gilid?"

"Uh-uhmm..", sagot ko habang nakangiti.

"Ano ba! Wag ka ngang ngumiti ng may Chocolate ang ngipin. Para kang Ewan."

"Di naman. Pero bakit Ako laging Nasa gilid mo?"

"Basta.. Naalala mo yung humabol sayo sa Parking Lot? Layuan mo 'yun. Masama 'yun."

"Bakit? Mabait ka ba?"
Sinamaan niya Ako ng tingin.

"Ewan ko sayo. Bilisan mo na 'yang pag Kain mo. Nilibre ka na nga lang, pag aantayin mo pa Ako."

"Opo sir."
Iniripan niya ako saka Tayo.

"Uyy, San ka? Di pa Ako tapos kumain!"
Di niya Ako pinansin at tuloy-tuloy lang sa pag lakad.

Tignan Mo, wag daw aalis sa gilid niya pero iniwan Ako.
Baliw siya no?

---

Gino's POV

Naka-pamulsa Ako habang nakasandal sa pader.
Inaantay ko si Tisay, dito lang naman kasi Dadaan yung Abnormal na 'yun. Sa dami-daming daanan paakyat, ito pa ang naisipan niyang tandaan.

Ang baho dito!

"Sige.. Palayuin mo pa siya sakin."
Hindi Ako nag-taka o nagulat sa nag salita.

Alam ko nang si Jazz 'yun. Favorite place niya 'to eh.

"Huh? Ano bang pinag sasabi mo, Pre?"
Natatawang sabi ko saka hawi ng nakalaw-law na baby bangs sa noo ko.

"Sus, Gino. Kilala na kita."

"Ano bang sinasabi mo?"
Tumabi siya sakin at sumandal din sa pader.

"Alam ko na 'yang style mo.. Yung parang Kay Liela dati."

Tumatawa pa siya ng mahina nang sabihin niya 'yun.

Bakit naman nadamay si Liela dito?

"Wala na si Liela pre, wag mo na siyang bangitin."

Tinapik-tapik niya ang balikat ko.

"Sige.. Pero Sana pre, wag 'to magaya dati ha? Nakaka-sira ng pangalan eh."

Umiling-iling pa siya saka nag lakad na palayo sakin.

Anong kabaliwan naman kaya ang Nasa isip Ni Jazz at nadamay si Liela?

Tsk. Di 'to magagaya dati. Imposible.

"Gino!"
Napatayo na Ako ng matuwid ng dumating na ang Stranger sa buhay ko.

Lalong umiinit 'yung paningin ko sa kanya Dahil sa malayo palang sinisigaw na ang pangalan ko, May padulas-dulas pang nalalaman sa Floor.
Nakakainis talaga siya panoorin.

"Tadah! Andito na Ako!"
Ngiting-ngiti ng sabi niya.

"Ano naman?"
Sabi ko saka na inunahan siyang mag lakad.

"Uyy Gino, masarap kumain ng Lugaw sa Malapit dun sa Palengke! Kain tayo dun!"
Ayan nanaman siya. Mag yayaya, tapos Ako pag babayarin.

"Ano? Lugawan sa malapit sa palengke?! Ayoko! Ang baho at maduni dun!"
Para Akong bata na tumatangi sa alok ng isip bata.

"Ha? Bakit? Di naman ah."
Inuuga-uga pa niya ang balikat ko habang ng lalakad.

"Ayoko nga."

"Please.."

Your Love And MoneyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon