Crazy 3

303 14 2
                                    

"Uyy, Gino! Sorry na."

Kanina pa Ako habol ng habol sa kanya mula sa Rooftop.
Ako pa nga 'tong dapat magalit kasi dinala niya Ako doon ng walang pahintulot tapos siya pa 'tong galit?

"Gino! Sorry na kasi.!"
Sa ngayon ay hawak ko na ang uniform niya sa Likod ka huminto siya sa pag lalakad humarap sakin.

"Alam mo ikaw? Nakakabaliw ka na."

"Bakit ba?"

"Una sa lahat, nilibre kita kahit sobrang hirap mong kausapin , transfery ka lang pero pati pagkain ko ipinakain ko na sayo, binuhat kita at pinatulog sa Bank House tapos Linawayan mo lang uniform ko?!"

"Sorry na, akala ko kasi Facetowel yun kaya pinunas ko."

"Hayst.ewan KO sayo."
Umalis siya at mabilis na naglakad.
Nag bell na kasi kaya dapat Nasa room na kami ngayon.
Naglakad nalang ulit Ako sala dumiretso sa Room.
Nakita Kong kinakantswan Ni Clark si Gino.
At si Gino naman ay nakabusangot.

Umupo nalang Ako ng tahimik sa tabi niya.
Wala na Sana Akong balak pansinin siya pero nakalagulat talaga 'yung hawak niya.
Yung Cellphone.
Ang galing kasi yung Screen lang ang pinipindot niya at gumana na.
Alam ko tawag diyan eh, tatskren? Yun yata yun.

"Ah.. Gino tatskren yan?"
Sabi ko saka pinindot yung kulay pula.

"AY PUTSPA! BAKIT MO PININDOT? "

"Bawal ba?,eh.pinipindot mo rin naman eh."

"Eh pinindot mo 'yung Surrender. Nasa kalagitnaan Ako ng war!"

"War? Nasa labanan ka? Eh naka upo ka lang naman ah."

"Oo nga. Kaya kuhaan mo na ako ng Kutsilyo sa Canteen."
Utos pa niya.

"Bakit?"

"Magpapakamatay na Ako. Bakit ba kasi naging sitmate kita?! Mababaliw na ako sayo!"
Ngumuso nalang ako saka tayo.

"Hoy, San ka pupunta?"

Di ko nalang siya nilingon at nag patuloy sa pag lalakad papuntang Canteen.

"Ate pahiram po kutsilyo?"

"Ha? Bakit?"
Gulat na tanong Ni Ate.

"May babalatan.lang po na prutas sa Room."

Tumango naman yung babae.saka inabot ang kutsilyo.
Nginitian ko lang siya saka nag madali na Akong tumakbo sa room.
Itinago ko muna yung kutsilyo sa likod ko at dahan-dahang lumapit Kay Gino
"San ka ba galing? Para kang Teacher natin eh, nawawala."
"TADAAH!"
napatayo siya saka lumayo sakin at nakatingin sa Hawak Kong kutsilyo.

"Para saan yan?!"

"Para sayo. Sabi mo mag papakamatay ka diba? Oh ito na."

"Buhay naman oh!,tanga naman e."

"Ako tanga? Oo."

"Pwede ba Trisha, ilayo ko yang kutsilyo na yan!"

Tignan mo, kanina sabi kuhaan kp siya ng kutsilyo tapos kinuhaan ko na ayaw naman pala.

Inilapag ko nalang sa sahig yung kutsilyo saka umupo sa tabi niya.

"Alam mo ikaw, para kang may sayad."

"Oo nga, naka saya Ako oh. "
Sabi ko saka turo sa palda ko.

"Ewan ko sayo."

--

"Oh, mabait naman ang Katabi mo sa upuan?"
Tanong Ni Kuya Kyle sakin habang kumakain kami ng pagkain.

"OK naman Kuya. Sabi niya lang na may sayad daw ako."

Tumawa pa si Kuya nang sabihin ko 'yun.

"Mag ayos ka kasi. Para ka kasing bata eh."

"Eh kasi naman Kuya, Sabi niya kuhaan ko daw siya ng kutsilyo kasi mag papakamatay na daw siya."

"Oh, Anong ginawa mo?"

"Edi.. Pumunta Ako ng canteen tapos kumuha ng kutsilyo para sa kanya. Pero nang binigay ko naman natakot siya. Tapos Ako pa lagi tinatawag niyang Crazy girl at Tanga."

"Hahaha.. Pabayaan mo na 'yun. Cassanova kasi ."

"Ano ba yung Cassanova Kuya?"

"Cassanova. Sila 'yung mga lalaking mahilig manghakot ng Babae."

"Mang-hakot? Pano hinahakot? Gumagamit ng truck?"

"Trisha ,Hindi. Yung mga lalaki kasing gaya niya ay gustong mg karoon ng sabay-sanay na babae. Pero Hindi naman niya mahal."

"Ahh.. "

Kala mo nagets ko? 'Madaming babae' lang Ang gets ko.

*Beez*

Tumigil Ako sa pagkain nang naramdaman Kong tuloy-tuloy ang vibrate nito.
Ibig sabihin, may tumatawag.

"Uhm.. Kuya ! Kain tayo , ulam ko manok na Hindi pansabong. Ang daming laman. Ang sarap!"

Tumatawa sa kabilang linha si Kuya Jack, ang Kuya ko.
Pati Si Kuya kyle, ang kaibigan ng Kuya ko.

"Kamusta na ang pag hahanap?"

"Ah.. Nahanap ko na Kuya! Gino Zunniga !"

"Mabuti, eh Anong gusto mo? Madaliin? O patagalin pa natin?"

"Patagalin na natin Kuya. Para mas masaya."

Umiling lang Si Kuya kyle sa usapan naming 'yun Ni Kuya Jack.

Ibinaba ko na ang phone saka tingin ka Kuya Kyle.
"Sigurado na ba kayo?"

"Oo naman Kuya. Kayang kaya ko 'to."

"Di ka ba natatakot?"

"Di ah."
Tumango nalang siya saka kumain ulit.
Isa si Kuya kyle na nakakaalam ng pakay ko Kay Gino.
At Alam Niya rin ang nakaraan namin.
Pero Hindi niya Ako pwedeng pigilan.
Hinding-hindi.

Your Love And MoneyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon