Crazy 4

295 15 1
                                    

Kagaya kahapon, hatid parin ako Ni Kuya kyle sa school.
Pero di na Ako humarang sa daanan kasi baka, pagalitan nanaman Ako Ni Gino. Umupo nalang ako sa tabi para antayin si Kuya kyle.

Napangiti Ako nang makita ko ang Kulay black na kotse tapos may nakalagay na 'Hyundai'. Alam ko Kay Gino 'to eh kaya yumuko nalang Ako para di niya Ako mapansin.

"Hoy Crazy Girl, Bakit ka nandyan?"

Napa-angat Ako ng ulo at nakita ko si Gino na nakasilip sa 'kin sa bintana. Saka ibinaba ang sunglass niya.

"Ha? Ahm.. Inaantay ko pa si Kuya kyle. Di ko kasi Alam papuntang Room natin eh."

"Si Sir Villanueva? Kuya mo siya?"

"Hindi. Tawag ko lang 'yun sa kanya."

"Ah.. Oh sige antayin mo Ako dito, sabay na tayong pumunta sa Classroom. Engot mo kasi eh."

Pagkasabi niya no'n ay ikinabit niya ulit ang sunglass niya saka nag paandar ng kotse.

Di rin nag tagal ay sabay na dumating si Kuya kyle at Gino.

"Ah.. Kuya."

"Ahm.. Sir sabay nalang po kami Ni Trisha umakyat sa taas."

Tumango lang si Kuya saka ngiti sakin.

"OK lang ba sayo 'yun Tisay?"

"Opo Kuya."

"Oh sige, sakto may dadaanan pa kasi ako sa Guidance. Mauna nalang kayo."

Tumayo na ako sa kinauupuan ko saka sinundan ang nauunang maglakad na si Gino.

"Bakit Tisay ang tawag niya sayo?"
Seryosong tanong niya habang naglalakad.

"Ayun kasi ang tawag nila sakin sa Bahay."

"Bahay? Mag kapatid kayo?"
Nagtatakang tanong niya

"Hindi."

"Eh Bakit Kuya ang tawag mo sa kanya pero di kayo magka-parehas ng Surname. Tapos Nasa iisang bahay kayo ?"

"Hindi."

"Alam mo ikaw. Abnormal ka yatang babae ka."

Nginitian ko lang siya eksakto namang tumingin siya sakin.
Parehas tuloy kaming napahinto sa paglalakad at natahimik kami habang mag katitigan.

"Ba-bakit?"
Hindi ko Alam pero parang kinakabahan Ako sa kanya.
Biglang kumaba yung dibdib ko.

"H-ha? Wala!"

Binilisan niya ang pag lakad at iniwan Ako.

Kaya hinabol ko nalang at nung naabutan ko siya ay kumapit ako sa Likod ng Uniform niya.

"Hoy, ano bang ginagawa mo Tisay? Bitawan mo nga uniform ko. Magugusot eh."

Pilit niya Akong pinapabitaw pero di ako pumayag.

"Ayaw ko. Baka mamaya, iiwan mo Ako. Tapos maligaw pa Ako sa malaking School na bahay na 'to."

"Ano bang School na bahay ang pinag-sasabi mo?"

"Wala!"

Hindi na siya umangal pa kahit ng lalakad kami ng ganito ang hitsura. Mukha kaming Kabayo ! Hahaha.. Kabayo siya, buntot Ako.

"Tisay, nakaka-hiya na talaga. Tignan Mo oh ang dami nang nakatingin satin."

Ngayon ko lang napansin na madi na pala ang nakatingin samin. Nagtatawanan. Nag bubulungan at yung ibang babae ay masama ang tingin sakin.

"Who's that Bitch?"
Narinig ko pang sabi ng babae.

Tinawag niya ba Akong Beach? Hoy tao Ako. Di Ako Beach!

Your Love And MoneyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon