Crazy 11

246 14 1
                                    


Clark's POV

"Pre, nasan si Trisha?"
Nakangisi lang Ako sa tanong ni Gino.
May gana pa siyang hanapin ha?

"Bakit kaba nakangisi ng ganyan?"tanong pa niya. Ayaw pa kasing umupo sa upuan.

" umupo ka muna kasi,"

Umupo naman ang loko saka harap sakin.

"Di mo mo makita si Tisay?"

"Pre, Bakit mo pa hinahanap yung tao? Pagkatapos mong pagalitan at sigawan Dahil nahuli kayo ni Jenna na nag papakasaya, tapos ngayon Hahanapin mo? Wag na Tol."

Sinamaan niya Ako ng tingin saka talikod sa akin.

"Alam mo kasi pre, Hindi rin kasalanan ni Tisay yun. Dapat kasi ni-Lock mo yung pinto. Ano sobrang uhaw na ba?"
Tinignan naman niya ako ng masama.

"Tumigil ka nga, palibhasa ilaw Virgin pa eh."

"Tsss.."
Yan lang ang lagi Kong sagot kapag Inaasar nila Ako ng di pa Virgin.

Di nalang Ako nag salita at Kinalikot nalang ang cp ko.
Ka-text ko kasi si Tisay. Hihihi. Di ko lang sinasabi Kay Gino.

Nag tatampo daw Sya Kay Gino, Di naman daw niya sinasadya at di niya rin Alam yung ginagawa ni Gino tapos pinagalitan at Sinigawan pa siya.

Tignan natin kung mag hahabol si Gino. First day pa nga lang na wala si Tisay, nag hahanap na siya.
Tignan ko lang kung makatiis siya.

Mag sisimula na rin ang First subject at kitang kita ko na pasulyap-sulyap si Gino sa pinto ng Classroom.
Edi shing. Inaantay lang niyan si Tisay e.

"Pre, di na dadating yun."
Bulong ko pa.
Kumunot naman ang noo niya at halatang di gets ang sinabi ko.

"Di na kako dadating si Tisay."

"Lul."

Nako Gino, delikado 'to.
Magagaya nanaman 'to sa sitwasyon niya noon Kay Liela.
Babagsak nanaman ang pagiging Cassanova mo.
---

"Uyy Tol, buti pumunta kayo dito! Kanina pa namin kayo inaantay!"
Sigaw pa ni Jegs .
Nandito kami ngayon sa Bank house namin at Mukhang balak matulog ni Gino.

"Yow. Si Gino , Mukhang gustong humilata!"
Natatawang sasabi ko saka nakipag-apir Kay Jegs at Jasper.

Si Gino naman, walang imik. Mukhang malalim ang iniisip.

Nagtinginan lang kming tatlo ni Jegs at Jasper. Alam na kasi namin ang iniisip niyan kapag tahimik.

Si Liela lang. Ang babaeng nag pabagi sa ugali niya noon.

Gusto niyong malaman kung pano? Sige kwento ko.

Si Liela DeKwatro ay Isang Napaka-engit at gusgusin sa Campus namin nong Junior high palang kami.
Pangit, tahimik, badoy at higit sa Lahat, Pangit siya.
Oo, pangit siya.
Palagi siyang nabu-bully ng ibat-ibang Gang noon sa Campus. Isa na dun ang nga Bartolome's Family. 4ang Pinaka founder non. Mga lalaking walang kwenta naman.

Madami SiLang member na mga pangit din Pero malakas mang-bully.
Noon, nakikisali si Gino sa Pam-bubully Kay Liela.

Walang araw na Hindi umiiyak si Liela ,o di kaya naman ay Punit ang Damit at Basa.

Lahat ay pwede ng gawin sa kanya Dahil Hindi naman siya Lumalaban.

Pero Isang araw, napaka-tindi ng bully non Kay Liela. Kitang kita ng lahat.

Nakatoka sa Mochi Girls ang Pam-bubully.
Kitang-kita ko ang pang hahatak nila sa buhok ni Liela paakyat sa Stage ng Campus noon.

Nakaka ramdam Ako ng awa Dahil sa pang yayari na yun Pero walang pwedeng tumulong. Leader lang ng Bawat group ang pwedeng mag pahinto sa kanila.

Sobrang Dami ng Estudyanteng nanonood at nag tatawanan. Habang si Liela ay umiiyak.

Nanlaki ang Mata ko nang biglang punitin ng Isang member ng Micka Girls ang Damit niya.

Nagsihiyawan ang lahat Dahil Bra nalang ang pang itaas niya.
Hinatak naman nung isa ang Palda niya kaya maikling shorts at plaza ang tumambad samin.

Hawak na ng Isang babae ang bra ni Liela at akma nang hahatakin 'yon nang biglang may lalaking tumakbo paakyat ng stage, nag-hubad ng polo at itinulak ang mga babe saka isinuot Kay Liela ang Polo.

Lahat ay natahimik. Lahat napanganga. Lahat kami di makapaniwala.

Dahil ang Cassanova na gaya ni Gino ang nag tangol Kay Liela.

Walang sabi-sabi ay ibinaba niya ng stage ng babaeng 'yun at iniwan kaming nakanganga sa kanya.

Napaka-Laking issue non sa Campus. Pinag usapan ng lahat ng estudyante.

Pero isa lang ang isinagot niya nang tanungin siya kung Bakit.

"Mahal ko siya. At kami na."

Isang napakalaking kalokohan ang pinasok ni Gino. Pero Hindi naming Inakala na si Liela Lang pala ang babago Kay Gino.
Si Liela ang nag patino, na Kahit di naman niya inutusan si Gino na mag bago ay nag kusa ito.
Lahat kaminay namangha sa nangyari.

Umabot sila ng Dalawang taon. Pero Dahil lang sa Isang bagay Kaya sala na SiLa ngayon. Isang napa-lupit na bagay. Na hinding-hindi ko malilimutan.

"Tol?"
Napalunok Ako ng laway nang mapansin na nakatingin Sakin ang tatlo.

"Oh?"

"Anyare? Pre Kanina ka pa namin kunakausap ah."
Natatawang sabi Ni Jasper.

"Wala. Naisip ko lang si Liela."

"Wag mong babangitin si Liela." Madiing sabi ni Gino saka nag walk out.

Napailing-iling Lang Ako.
"TSS. Bakit kasi Di mo na sabihin ang totoong mangyari Kay Liela. Nang Hindi na siya nag kakaganyan."

Napabuntong hininga Ako.

"Di niya kasi Sumunod ang Rules. Alam naman na bawal na makipag Relasyon ang Cassanova sa mga target diba?"

"Oo nga. Pero nakaka-konsensya na Tol yung parusa na ginawa kay Liela." Dagdag pa ni Jegs.

Sumandal Ako sa sofa saka bumuntong hininga.

"Kung Bakit kasi wala siya nung araw na Gahasain ang Gf niya."

Your Love And MoneyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon