Chapter 3: Making promises

8 0 0
                                    

7:45 p.m.

Wala pa namang homework so pwede akong tumambay muna sa internet.
Kanina pa ako nagmamarathon ng interviews, keeks, instagram videos ng 5sos (A/N: Obsessed ako sakanila omg) sa youtube. Ang hot talaga nilang lahat pakingteyp!!!

"Psst."

Guni guni ko lang ata yon.

"Pssssst."

Pota natatakot na ako.

"Pssst huy!!!" aray! Ano tong tumama sa ulo ko- kasoy?! Ang liit liit ang sakit. Pagtalikod ko para tignan kung san nanggaling yung kasoy, muka agad ng nakangising sira-ulo kong bestfriend ang bumungad, mula sa katapat kong binatana.

"Ano baaa!! Nananakit pa!" muntik pa ata maputol earphones ko sa pagkakatanggal ko sa tenga ko.

"Eh sinisitsitan kita ayaw mo lumingon eh. Busy ka dyan sa 5-eh-so-es mo nanaman no?" alam na alam nyang ayaw kong ginaganon nya pangalan ng 5SOS!

"PAYBSOS! PAYBSOS, OKAY?!" nakakagigil.

"Okay, fine! Paybsos maryosep!" lakas talaga mang-asar!

"Isa pa!"

"Teka chill. Joke lang eh." ngingisi ngisi pa. Alam na alam talaga kung pano ako bwisitin.

"Bakit ba?! Ano ba kailangan mo?!"

Tumuro siya sa taas sabay takbo patalikod para di ako makatanggi. 'matic na. Tambay sa bubongan nila.

Lumabas ako ng bahay ng nakapajama na puro si doge yung print at loose shirt na may mukha ni Lady Gaga sa gitna. Naka-bun ang effortlessly kong messy hair. Whatever.

Pagpasok ko sa bahay nila bumungad si Tita Diana at Tito Carlo na magkayakap na nanunuod ng pelikula ni Lorna Tolentino.

"Hi Tita, hi tito! Akyat napo ako ah?"

"Okay, hija." sandaling naialis ni Tita Diana yung mga mata nya sa muka ni Lorna T.

Pag-akyat ko palang sa ladder nila papunta sa bubong (parang datingan ng hagdan paattic) bumungad na agad sakin ang nakahigang bestfriend ko.

"Hoy!!!" sabay tapik sa noo niya.

"Aray ko!" sabay himas sa namumula nyang noo.

"Gantihan lang! Ang sakit ng bato mo kanina!" sabay hawak sa likod ng ulo kong binato nya ng kasoy kani-kanina lang.

"Ayaw mo kasi ako pansinin eh!" may pa-pout pout pang nalalaman.

"Busy ako panoodin future husbands ko."

I heard him mumble something pero diko naintindihan.

"Ha? Ano?"

"Wala!"

"Ano nga? Tulak kita!"

"Wala. Ang sabi ko lang, mas gwapo pa ako sa mga yun!" sabay pa-gwapo effect pa.

"Duh. Tutuli ka lang nila. Ano nga? Bakit ba? Ano ang atin?" akala naman nya. Duhhh. Bff ko sya pero di ko matatanggap ang kasinungalingang iyon.

"Wala. Bored lang ako. Gusto mo?" sabay alok ng home-made cookies ng mommy nya na comfort food namin. The best!

Nilafang ko agad ang cookies na inabot niya.

"Easy." natatawa tawa pa nyang sabi.

Patuloy padin ako sa pagkain.

"Ang ganda ng langit ngayon." seryoso nyang sabi pero ramdam kong masaya sya sa nakikita nya.

"Oo nga eh. Sana, langit nalang ako para masabihan man lang ako na maganda."

"Para ka namang langit eh."

"Huh?" WAT

"Ayan oh dami mo bituin sa muka mo!" sabay hagalpak ng tawa. Yung pimples ko nanaman tinutukoy neto.

"Ha-ha-ha. Nakakatawa. Sakit tyan ko sa kakatawa. Pili ka pangiliti." walang emosyon kong nilahad kamay ko sa harap nya.

"Korni mo. Eto naman, joke lang eh."

"Di ka naman comedian." sabay irap.

"Pero seryoso. Ang ganda nga ng langit ngayon. Puro stars." seryoso ulit niyang sabi habang nakatingala sa langit. Humiga ako sa tyan nya. Okay sige, sa abs nya.

"Oo nga eh. Sana ganyan din ako kaganda." napatitig nadin ako sa kalangitan. Di ko maalis mga mata ko sa mga stars. Parang nasabugan ng glitters yung langit. Napakaganda.

"Maganda ka naman eh. Di lang nakikita ng iba."

"Sus. Lagi mo nga ako inaasar eh."

"Asar lang yon. Pero sa totoo lang, di ka naman talaga pangit. Di ka lang pala-ayos gaya ng ibang dalaga."

"Ayoko kasi ng kaartehan na mga ganun ganun. Alam mo namang di ako namulat sa ganun. Matanda na si mama nung pinanganak nya ako kaya medyo pang- mashonda na porma nya. Eh iisa lang naman ang kaibigan ko. Lalaki pa."

"Gusto ko naman yung ganyan eh."

Nanlaki mata ko sa sinabi nya.

"H-ha?"

"Gusto kong sabihin eh mas bagay sayo yung ganyan. Natural lang. Ikaw na ikaw yung bestfriend ko."

"Best friend mong losyang."

"Sige eto nalang. Mangako tayo sa mga stars."

"Ano naman?"

"Mangako ka na di ka magbabago. Na ikaw padin yung kape kong best friend forever. Mangako ka din na di mo ako iiwanan."

"Bigat naman nyan! Pano kung gusto kong magbago ng ayos? Atsaka pano kung after college at may trabaho na tayo, sa Tawi-tawi ako ma-destino?"

"Edi lagot ka sa stars. Magpapaulan sila pag sinuway mo yon. Paiiyakin mo sila."

"Ikaw naman. I-promise mo na di mo ako iiwan sa ere. Hindi ka man umalis physically, ayokong maramdaman na iniwan mo akong nag-iisa."

"Kahit kelan di ko magagawa yun sayo. Bespren kaya kita!"

"Deal yan ha?"

"Oo. Di tayo mag-iiwanan. Kape at gatas forever." naramdaman ko paglalim ng hinga nya. Para bang napabuntong hininga.

"Kape at gatas, forever and always." I looked at him, smiling. Tumungo sya para tumingin sakin ng seryoso pero biglang ngiti.

Naging cheesy ang gabing to para samin kasi madalas, kakain lang kami o magkkwentuhan sa tambayan namin. Iba tong gabi na to. We made promises to each other then after that, tinitigan nalang namin yung kalangitan, inappreciate kung gano kaganda ang mga stars na sigurado akong blurry balls of light lang kapag di ko suot ang mga mata ko a.k.a. eyeglasses ko. Kung hindi lang nang-asar tong bff ko at nambato ng kasoy, magtataka na ako sa mga kinilos niya. Parang may iba.

Everything I Didn't SayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon