Chapter 5: s0rry n4h b3h

13 1 0
                                    

"Goodafternoon po, Papa."

"Maaga ka yata ngayon anak?" Sabay abot ng kamay nya para pag-manuhan ko.

"Masama lang po pakiramdam ko Pa."

"Bakit namumugto yang mata mo? Umiyak kaba?" Kita ko pag-aalala sa muka ni Papa.

"Di po pa. Natulog po kasi ako sa clinic. Sakit po ng tyan ko." Sana effective palusot ko.

"Osige 'nak. Pahinga kana." Sabay balik sa pagbabasa nya ng dyaryo.

"Sige po Pa, akyat na ako."

Latang lata kong dinala katawan ko paakyat ng kwarto. Sumasama na nga ata talaga for real yung pakiramdam ko.

I opened my mediocre laptop na pinagipunan ko ng bongga. Nag-log in ako sa twitter. Kailangan ko ng pampagood vibes so nag-hoard ako ng pictures ng 5SOS. Nag-log in nadin ako sa facebook.

May isang friend request. Odd. Hindi madalas may naga-add sakin. Sino to?

Carl Thomas Legaspi

Sino to?

Teka. Familiar yung muka.

Ni-view ko profile nya. Tama! Si Cal nga. Yung lalaki kanina na umakbay sakin.

Inaccept ko na, di na ako nagpabebe.

Biglang may nag-pm sakin.

Hi! Tama ba tong Anzenna na na-add ko? :)

Duh. Parang ganun naman ka-common pangalan ko.

Hindi ko alam . Depende kung madaming Anzenna sa mundo.

--

Eto naman.. Kamusta?

--

Okay lang. Bakit mo ba ginawa yung kanina?

--

Alin, yung pagakbay?

--

Oo.

--

Wala.. Gusto ko lang makipagkilala. Masama ba?

--

Hindi naman.

--

Sino pala yung mayabang kanina? Boyfriend mo? :(

--

Si Mike? Di ah. Bestfriend ko lang yun.

--

Sus kaibigan lang pala. Makaasta akala ko naman bf mo.

--

Di lang kasi sanay siguro sa ganun eksena.

--

Bakit naman?

--

Ikaw lang kasi ang unang lalaking nagpakilala sakin saka bukod kay Mike, ikaw lang nakaakbay sakin.

--

Ganun?

--

Oo. Sa itsura ko bang to?

--

Bakit? Ano meron?

--

Ako yung tipo ng iniiwasan ng mga tao.

--

Bakit naman? Muka ka namang mabait. That's why I approached you.

--

Di lang talaga siguro sapat yung pagiging mabait.

--

Well, sakin sapat na yun. ♡

Bigla nagcreak pinto ko.

Niluwa nito ang isang box ng pizza, kasunod ang muka ng kinabbwisitan ko.

"Kapeee..." pasilip pa nyang sabi.

"Bakit nandito ka? Diba sabi ko wala na tayong pakialamanan?"

"Eto naman. Sorry na.. eto oh. Pepperoni pizza with extra cheese. Favorite mo." Sabay pasok at abot sakin ng isang box ng pizza.

"Ano tingin mo sakin, madadala ng isang box ng pizza?"

"Oo."

"Aba talag-"

"Deh joke lang!" Sabay nagpacute.

"Bakit ka kasi nagkaganun ka bigla kanina?"

"Wala, pinoprotektahan ko lang kape ko. Syempre. Makikita ko nalang may baguhang nakaakbay sayo."

"Nakikipagkaibigan lang."

"Nakikipagkaibigan..." minock pa ako.

"Yung sinabi mo kanina, yung sa itsura ko. Sakit nun ah."

"Namisinterpret mo lang yun."

"Ano pa bang ibang pwedeng explanation dun?"

"Hindi ka kasi mukang approachable. Muka kang masungit dahil dyan sa rbf (resting bitch face) mo."

"Ha? Eh bakit sabi ni Cal muka naman daw akong mabait?"

"Cal?"

"Yung lalaki kanina. Ka-chat ko kasi." Onga pala. Diko na nareplyan.

"Ah ganon. Sige na kumain kana." Sabay subo sakin ng isang slice ng pizza. Wala na akong nagawa kundi kainin yung bigay nya.

"Sorry na ah.."

"Oo na. Matitiis ba naman kita? Saka ang sarap netong pizza oh."

"Yyyeeeessss." Sabay wrestling sakin.

"Teka yung pizza!"

Hindi nagpapigil. Wala na akong ibang nagawa kundi hampasin sya ng unan. Wala naman akong laban sa laki ng katawan neto.

Kakaharutan namin, parehas kaming napagod. Ni-John Cena ba naman ako eh. Napahiga nalang kami parehas. Unti unti ko na naramdaman yung pagod kaya inantok ako bigla. Dahil din siguro dahil sa pagmugto ng mata ko. Unti unti ko na nararamdaman na pumipikit na mga mata ko... pero yung baliw kong katabi kanina pa nakapikit. Hanep talaga.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 17, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Everything I Didn't SayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon