Chapter 1: Anzenna & Kegan

9 0 0
                                    

"Enna... Enna..."

No. Di muna ako tatayo. I don't wanna go to school today, or kahit kailan. Ayoko na makita yung mga tao sa school na yun!

"Enna, anak. Alam ko gising kana. Please. Di ka pwede umabsent. 4th year kana!"

"Ma, please. Ayoko po. Masama pakiramdam ko."

"Ano nararamdaman mo?"

"Sakit po lalamunan ko *fake coughs*." I buried my face underneath my soft pillow.
"Hayyy. Tatawagin ko na back up ko."

I got up as soon as I heard her walk out of my room. Alam ko naman na gagawin niya para patayuin ako. Tatawagin niya yung baliw kong bestfriend.

Dug dug dug dug

Naririnig ko na yung yabag ng siraulo kong kababata sa luma naming wooden floor.

KABLAM!!!

Niluwa ng pinto yung gwapo- este, makulit kong bestfriend.

"Enna! Ano? Bat di ka pa nag-aayos?! First day natin ngayon." sobrang enthusiastic nyang sabi.

"Mikey, please. Alam mo namang may allergy ako sa school diba?"

"Nooope. Allergic ka sa mga tao sa school, di sa school mismo. Gustong gusto mo nga mag-aral eh. Nerd." sabay higa sa kama ko.

"Whatever. Mag-aayos na ako. Sige na. Maligo kana din. Amoy kita mula dyan hanggang dito sa kinatatayuan ko!"

"Okay, kape. Sabay tayo papasok ha!"

"Oo na sige na!" sabay tulak sakanya palabas ng pinto.

"Kape!" pang-aasar pa nya. Dinadaan ako neto sa laki ng katawan ah!

"Panis na gatas!"

"Nescafé! Kulot salot!"

"Panis na gatas! Mikey tulo laway!" finally! Naisarado ko nadin yung pinto. Napakakulit talaga!

Nag-prepare na ako ng susuotin ko ngayon. First day palang naman so hindi pa uniform susuotin namin.

Loose, white statement shirt.

Black skinny jeans.

Black converse.

I don't have a "style". Di ako fashionista gaya ng mga kaedad ko. I don't care what I wear as long as I feel comfy in it.

But that's not the main problem here.

It's my face.

Makapal ng kilay.

Big, round eyes na natatabunan ng mala-magnifying glass kong salamin.

Pimples. Di naman ako unhygienic. Dahil lang siguro to sa puberty.

Sungki sungking mga ngipin. Okay na to kesa naman maghirap kami para lang dumiretso to!

Long, dry, frizzy, curly and tangled hair. Walang epekto ang creamsilk sa akin.

No self-esteem.

Well.. I came from an average Filipino family. Teacher si mama sa isang public school. Si Papa naman, nagrerepair ng mga sirang kotse tapos ibebenta nya. Ginagawa nila ang lahat para lang maipasok ako sa isang private school, kahit na ayoko dun.

Cayley Anzenna Reyes Amorsolo. Galing yung Enna sa Anzenna, obviously. 16 na ako pero muka padin akong 12. Nag-stick lang talaga siguro sakin yung pre-pubescent look ko.

Sobrang opposite kami ng best and only friend ko na si Mikey.

Mio Kegan F. Gomez.

Gwapo. Crush ng bayan, sabi nga ng iba. Matangkad, toned figure, quiffed ang buhok, maputi (kaya mayabang na sabihan ako ng kape dahil sa complexion ko), laging puno ng kasiyahan yung mga mata, matangos ang ilong, pouty yung mapupula nyang labi na masarap i-kiss. Hey, wtf brain. Stop.

Athletic. Magaling sya sa kahit anong sports pero the best sya sa basketball.

Popular. Lalo na sa mga babae. Popular din naman ako, kaya lang, hindi sa magandang way. Popular ako bilang nerd, weirdo, the duff, ugly betty and four-eyed "beast".

That's why people are so curious kung bakit ako ang bestfriend nya. Magkasabay kaming lumaki. Di ko na nga maalala kung kelan kami unang beses nagkalaro. Basta ang alam ko, close family namin. As in, literally. Magkatabi lang bahay namin, yung bintana ng kwarto nya saka bintana ng kwarto ko, magkatapat. Pwede namin i-monitor ang kilos ng isa't isa.

Oh wait. Shit. Kailangan ko na pala maligo!

Everything I Didn't SayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon