Chapter 4: Who's Cal?

12 0 0
                                    

May pasok nanaman. Ayoko mang makita ang mga tao sa school namin, kaya lang, nakakahiya sa mga magulang kong nagpapakahirap na pag-aralin ako. Atsaka ayoko bumagsak no. Lagi akong top 1 sa klase at gusto ko maging consistent yun.

"Hoy kape. Sabay tayo uwi mamaya." Kakasimula lang ng klase uwian na agad iniisip netong baliw na to.

"Oo na. Para namang may choice ako."

"Daan pala tayo dun sa pizza-han."

"Naks manlilibre! Yabang!"

"Hindi sira. Nagpapabili lang si mama. Kanina pa daw takam na takam sa pepperoni pizza eh."

"Hala kaa... masusundan kana! Di na ikaw ang babyboy! Haha!"

"Ew! Ayoko!" parang batang biglang nagbago timpla ng muka.

Bago ko pa maasar ulit si gatas, dumating na si Ma'am Decilo.

"Sorry, class. It was an important call. So, balik na tayo sa lecture?"

Yada yada yada. Alam ko naman na lahat ng diniscuss ni Ma'am.

Lunch break

"Hi miss." Biglang may umakbay sakin. Pagtingin ko, isang poging lalaki pala ang nakaakbay sakin wtf! Nag-panic ako shet.

"U-uh, e-excuse me? S-sino ka?"

"I'm Cal. From IV-Tesla. What's your name?" Sabay ngiti. Wtf. Dentista siguro magulang neto, napaka-perfect ng ngipin! Inggit meh.

"A-anzenna, IV-Newton. Pwede mo ko tawaging Enna."

"Hindi pwede. Di naman kayo close. Sino yan, Enna?"

That familiar voice...

Bestfriend ko yun ah.

"Why? Makikipag-close nga ako eh. Sino kaba?" Nagbago bigla expression ng muka ni Cal pero di parin naaalis pagkakaakbay niya sakin.

"Wala na sayo yun. Enna, tara na." Galit na ata sya...

"Ah-eh, o-okay." Dahan dahan ko inalis balikat ko sa pagkakapatong ng mamuscle nyang braso. "N-nice meeting you, Cal. Bye." Pilit na ngiti nalang naibigay ko. Natetense ako eh.

"Huy. Bat di ka nagsasalita? Mapanis laway mo nyan." Habang papalakad kami papuntang canteen e hindi ako kinakausap ng kasama ko.

"Wala." Walang emosyon.

"Ano nga?"

"Wala nga!"

"Bat moko pinagtataasan ng boses?" He looks so pissed.

"BAKIT KA KASI NAGPAPAAKBAY KUNG KANI-KANINO?!" bigla syang napasigaw. Lahat napatingin maski si kuyang nagma-mop.

"Ano naman? Hindi ko naman sinabing akbayan nya ako ah!"

"Kahit na! Pumayag kapa din!" Nagbubulungan na yung mga chismosang palakang nakatingin samin, except kay kuya janitor, wala na syang pake, mas may pake pa sya sa softdrinks na natapon sa sahig.

"Bakit ba?! Ano naman ba sayo? Nagseselos kaba?" Shit. Bakit ko sinabi yon.

Natigilan sya.

Tinignan lang ako sa mga mata.

"H-hindi. Ano namang malay natin kung pinagttripan ka lang ng baguhan na yun?"

"Bakit naman? Di ba pwedeng nakikipagkilala lang?"

"Hindi pwede yun."

"Bakit naman?!"

"Hindi kasi ikaw yung tipo ng babaeng inaapproach ng mga lalaki ng basta basta."

"At bakit?"

"Hindi kasi ikaw yung tipo ng ganun. Di ka katulad ng iba."

"Dahil sa itsura ko no?"

"Oo."

Ouch. Sinampal ako bigla ng realidad. Oo nga no. Di nga pala ako maganda.

"Wow. Sayo pa talaga nanggaling yan."

"Hindi yun ang ibig kong sabih-"

"Di na. Wala akong pake. Simula ngayon wala na akong pake sayo at wag kana din makekealam sakin." Nararamdaman ko na na naiipon na luha mga mata ko. Kahit nakasalamin ako ang labo na ng paningin ko.

"Enna-"

"Dyan kana. Bahala kana sa buhay mo." Tumakbo ako papunta sa cr. Wala na akong pake kung mabangga ko lahat ng makakasalubong ko. All my life, umiilag nalang ako palagi sa mga tao.

I cried. And cried. And cried. Over and over again. Ni-lock ko sarili ko sa isang cubicle.

Bakit kailangan sakanya manggaling yun? Sa bestfriend ko? Ang taong pinagkakatiwalaan ko. Of all people, siya ang inaasahan kong suportahan ako bukod sa mga magulang ko. Ang sakit sakit. Di ko na kaya mag-function pa kaya dinala ko nalang sarili ko sa clinic at nagdahilang masakit ang tiyan kaya ako umiiyak. Nasa clinic lang ako buong lunch and 3 periods. I had to hide from him so nagtricycle nalang ako pauwi.

Everything I Didn't SayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon