Andaming mga Voldemorts dito sa Realidad. Nagkalat sila. Sa may kanto... tinatago ang Sorcerer's Stone sa kanilang bulsa. Singhot ng singhot. Hithit ng hithit. High na high. Nakaw dito, snatch doon. Karamihan sa kanila ginagawa ito upang makatakas sa Realidad.
Si Juan nasa kanto. Walang makain. Nagugutom. Walang tirahan. Naghihirap.
May isang kandidato sa pagkapangulo. Mangangampanya bukas sa may kanto. Babaguhin umano ang Realidad. Pang-masa. Nangunguna tuloy sa survey. Lilipulin niya daw ang mga Voldemorts.
Ang mga Voldemorts natuwa. Pang-masa daw talaga kasi si Kandidato. "For the win" daw. Pagbabago daw ang habol nila pero ilan sa kanila ay gusto lang makiuso. Pupunta sila bukas doon sa may kanto.
Sasama din si Juan. Baka may pagkaing ipamigay doon. Sa wakas, makakakain na rin siya matapos ang ilang gabing walang hapunan -- mga gabing tumatakas na lang siya sa Realidad.
• • •
Pagkalipas ng ilang buwan matapos ang eleksyon, ang mga Voldemorts hindi na sumisinghot. Hindi na humihithit. Hindi na rin humihinga. Bukas siguro makikita ko na lang ang mga katawan nila doon sa kanto.
Nakita ko kahapon si Juan. Hindi na namomroblema kung ano ang kakainin. Hindi na nagugutom. Hindi na naghihirap. Hindi na rin humihinga. Nandoon siya sa kanto. Nakabulagta. Isa pala siya sa mga "those-people-who-must-not-be-named".
Wala na ang Sorcerer's Stone sa Realidad. Wala ng mga Voldemorts. Wala na rin si Juan.
Ang kandidatong naging pangulo na nangampanya sa kanto? Siya si... Harry Potter -- The Boy Who Lived -- ang taong nagbago ng Realidad.
BINABASA MO ANG
Introvert's Daydreams (One-Shot Stories)
Short Story"I think - I honestly think that my story is not 100 percent that unique. I think that I'm - just the whole rock star part kind of throws an interesting twist on it." -Nikki Sixx "All writers are liars. They twist events to suit themselves. They mak...