Part 1

58 1 0
                                    

Dalawang buwan pa lamang ang lumipas pero parang taon na yun para kay Addison. She's very bored. Humiling sya ng indefinite leave sa kanyang pinapasukang trabaho pero parang gusto nyang magsisi sa ginawa. Wala namang nangyari sa mga araw niya dahil wala syang makausap na mga kaibigan dahil lahat sila out of town.

"Geez. Lahat na pala ng movies napanood ko na. Natapos ko na din lahat ng ebooks sa Kindle ko. Sawa na din ako sa mga tweets and Facebook status na nakikita ko. What now? Hay. Addison Lee Zagarte ginusto mo 'to di ba?" napapailing na lang sa sarili si Addison. Nagulat na lang sya nang biglang magring ang cellphone. Dali-dali niya itong sinagot.

"Hello!"sinadya pa niyang lambingan ang tono ng boses. Pero walang sumasagot sa kabilang linya. Nakailang ulit pa sya ng pagbati at nang wala pa ring sumasagot ay napilitan na syang magtaray. "Alam mo kung hindi ka naman sasagot at magsasalita eh 'wag ka na lang tumawag, ok? Sinasayang mo energy at oras ko," yun lang at pinundot na nya ang end button. Hindi pa nya nalalapag ang cellphone nya nang muli itong magring. "Aba, same number ha. Ang kulit din ng isang 'to," tumikhim muna si Addison bago magsalita, "alam mo..." pero di na nya natuloy ang sasabihin dahil biglang nagsalita ang kausap nya.

"Ganyan ka ba talaga,ha? Hindi mo man lang binibigyan ng chance na makapagsalita ang isang tao?" may mababakas na galit sa boses nito. Bigla namang bumilis ang tibok ng puso ni Addison.

SHOCKS! ANG GANDA NAMAN NG BOSES NG LALAKING 'O. PWEDENG DJ. Pero bigla nyang naalala ang ginawa nito kanina kaya nainis na naman sya.

"Teka, teka. Bakit ka nanininghal at ikaw pa ang galit? Eh naka ilang hello ako kanina di ka naman sumasagot?" ABA, ANONG AKALA MO? UUBRA KA SAKIN? Sa isip ng dalaga.

"How can I speak eh tinarayan mo ko kanina? And besides, walang signal sa area ko that's why I can't hear you well. Bago pa kita masagot, binabaan mo na ko." Ganti naman ng lalaki.

"Kasi kung gusto mo kong makausap ng matino eh sumagot ka kaagad!" galit na si Addison.

"Bakit, sino ba 'to? Oh I forgot, am I talking with Ms. Zabarte? If not, paki bigay naman sa amo mo." Saglit pang nag-isip ang kausap.

"What?! Anong akala mo sa akin, maid?" di makapaniwala si Addison sa kausap.

"Ay, hindi ba?" parang nang-iinis pang tanong ng lalaki.

SHIT! Pagmumura ni Addison sa sarili. SINO BA 'TONG HERODES NA TO? NAPIPIKON NA KO!

"May I just remind you that you are calling a Mobile number not a landline. So natural, ako ang sumagot, so ako ang may-ari nitong tinawagan mo. So therefore hindi ako Maid! Ako si Addison! Now, who the hell are you?" pataas na ang tono ng boses ng dalaga. Hindi sya sanay nang ganitong pag-uusap lalo na at sa isang estranghero ni hindi nya mabosesan.

"Ooops. I'm not from hell. Messenger ako from heaven," pinaganda pa ng lalaki ang boses.

"Wala akong pakialam! Tell me who you are and what do you want from me?"

"Alright. First things first, di ko sasabihin sayo dahil inutos mo. Sasabihin ko dahil kailangan ko. My sister asked me to call you up para sabihing dalawin mo sya dito dahil may sakit siya. Ewan ko ba don kung bakit kailangang andito ka pa."

Natigilan si Addison. HIS SISTER? MAY SAKIT? Ano 'to dugo-dugo gang? "Ah eh, Kuya, di mo ko madadaan sa mga ganyan mo. Dugo-dugo Gang ka! Papupulis kita! Leave me alone!"

Nagulat pa ang dalaga nang biglang tumawa ng malakas ang lalaki sa kabilang linya. "Hoy Addison Lee, hindi ako Gangster at di ko kailangan ng pera mo. Elsie is sick and kung hindi dahil sa request nya, hindi kita tatawagan."

My Best friend's WillTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon