Part 3

11 1 0
                                    


"I'm sure gumana yung ginawa mo kaya lang, baka naman nasobrahan? Bisita pa rin naman natin s'ya." Sermon ni Elsie sa kapatid.

"Tama yung sinabi mo dati eh. She's really a brat! Kahit sino yata na di niya magustuhan ang ginagawa, inaaway niya. Tama nga din yung nabasa ko minsan na article sa newspaper na may attitude problem siya." Hindi maipinta ang mukha ni Liam sa inis.

"Liam, it's not true. Mabait si Addi. Yung nabasa mo paninira lang sa kanya yun. Saka mataray lang talaga siya sa mga lalaki lalo na 'pag sinusumpong pero di naman all of the time."

"Akala niya siguro titiklop ako at mag lulumuhod sa pag sorry kanina. Ako pa? Hindi siya nakakibo kanina, tinamaan siguro sa sinabi ko."

"Kahit naman siguro ako, maiinis sa ginawa mo. But still... gusto ko din makita mo yung mga magaganda niyang traits bukod sa looks niya. She's sweet ang loving. Kaya lang ang problema, yung attitude niya sa mga lalaki."

"Kung kasalanan ko man, never akong mag-a-apologize. Never!" Lumabas na siya ng kwarto. Ayaw na niyang makarinig ng pagtatanggol ng ate niya kay Addi. Habang naglalakad siya papunta sa kwarto niya di niya maiwang mag-isip.

HINDI KO ALAM KUNG MAGBABAGO PA SIYA PERO AAMININ KO SHE'S REALLY ATTRACTIVE. PRETTIER THAN WHAT I'VE EXPECTED. SAYANG. Muli niyang naalala ang ginawa kanina. Sinadya niyang kumanta ng malakas para mainis niya ito. Pinakamalapit ang kwarto nito sa kusina kaya sigurado siyang magigising ito. Ang akala niya'y ibang strategy ang gagawin nito. Pero hindi. Same attack, pagtataray ang napala niya at ginawa pa siyang tsimoy! Talagang walang sinasanto ang babae. Pero kaninang tinititigan niya ang nakapikit na si Addi ay di niya maiwasang humanga dito. Totoong may karisma ito para mapasunod ang kahit na sinong lalaki. Ang singkit na mga mata na may lalim kung timingin. Kilay na hindi kasing nipis gaya ng nakikita niya sa mga babae ngayon. Bagong gising ito pero natural na mapula ang mga labi. At ang buhok na di pa nasuklay ang pinaka sexy na buhok na nakita niya sa buong buhay niya.

HAAAY. KUNG HINDI KO LANG SIGURO ALAM ANG UGALI MO, POSIBLENG MATURN-ON AKO SAYO. KANINANG NAKAPIKIT KA, YOU LOOK SO INNOCENT. PERO NANG DUMILAT KA NA, MISTULANG NAKATITIG AKO SA BABAENG TIGRE. TALAGANG MAY KAKAYAHAN KA NA MAGPA SUNOD NG LALAKI. I'M JUST LUCKY I CAN CONTROL MYSELF. IT'S TOUGH AND I DON'T KNOW IF I WOULD BE SUCCESSFUL ON THIS MISSION. ONE THING'S FOR SURE. I KNOW I'M ONLY DOING THIS FOR MY SISTER.

Habang kumakain ay hindi maiwasan ni Addi na tingnan ng masama ang kaharap na si Liam. Parang nang-iinis pa 'to na ngumiti ito sa kanya habang siya naman ay gigil na gigil sa kinakain porkchop.

"Ang sweet niyo naman! Kanina pa kayo nagtititigan, ah! Oh, Addi, kanina pa durog yang porkchop mo siguro naman makakain mo na yan?" pang-aawat ni Elsie sa silent war nila. Napahiya naman ang dalawa kaya tinapos na lang ng tahimik ang kinakain nila.

Kahit nagngitngit ay pinilit ni Addi na kumalma. Hindi na lang siya tumingin kay Liam para matigil na ang kanilang pag-iinisan. Kung hindi lang dahil kay Elsie ay kanina pa nya ito tinarayan.

Mag-iisang lingo pa lang sya sa bahay niina Elsie ay para na niyang gustong iuwi na lang ito sa kanila at doon alagaan.

DI BALE NANG MAMATAY SA BOREDOM KAYSA MAMATAY SA KONSUMISYON. KUNG HINDI KO LANG NAMIMISS AT MAHAL SI ELSIE, DI AKO MAGTITIIS DITO. Bulong ni Addi sa sarili.

Ngayon lang siya nakatagpo ng lalaking hindi man lang natitinag sa mga pagtataray niya. Ngayon lang siya dinedma ng isang lalaki.

NAUBOS NA BA ANG CHARM NG SMILE KO? WALA NA BA AKONG POWERS? HE'S JUST LIKE ANY ORDINARY GUY PERO WA-EFFECT! MAS GOOD LOOKING PA NGA YUNG MGA SUITORS KO SA KANYA E PERO HE DOESN'T EVEN LOOK INTERESTED TO ME!

Naalala niya ang minsang pagtataka niyang makaganti dito. Nagpaganda siya ng husto para mapansin siya nito. Naglaan siya ng matatamis na ngiti kahit napipilitan. Pero nainis lang siya ng todo!

Pumunta siya noon sa kusina kung saan nag-aayos ng gripo si Liam. Ilang araw bago pa ang kanilang enkgwentro ay iniwasan niya ito pero naisip niya na ang pag-iwas niya ay parang pag-amin na apektado at talo siya nito.

"Mukhang pagod ka na,ah? Gusto mo ng tubig?" ngumiti pa ng todo si Addi. Sumulyap lang sandal si Liam sa kanya tapos ay pinagpatuloy lang ang ginagawa. Tumaas ang isang kilay ni Addi. Nag-uumpisa na siyang mainis. Pero nagtry siya ulit ng bagong 'approach' sa binata.

"Pawis na pawis ka na, ah. Gusto mo ng pamunas?" nilambingan pa niya ang boses. Nagulat na lang siya nang biglang tumayo si Liam at tuloy na umupo sa upuan na nandoon at naupo. Tinitigan si Addi mula ulo hanggang paa na kinailang naman ng dalaga.

"Oh, umpisahan mo na!" walang kangiti-ngiti si Liam.

Hindi nakaalis si Addi sa kinatatayuan. Nagulat siya sa reaksyon ng binata.

"Sabi ko punasan mo na ko. Saka yung tubig ko nasan na?" nakasimangot si Liam.

Napipilitang kumuha ng tubig si Addi at pagkatapos ay lumapit na kay Liam.

"Oh, bakit parang natitigilan ka? Kinukulit mo ko kanina, di ba?"

Hindi pa rin makasagot si Addi. Hindi kasi niya inaasahang kakagatin nito iyon. Ang iniisip niya ay babarahin siya nito kagaya ng ginawa nito noon sa kanya na para siyang nakakadiring nilalang sa mundo. Sa lahat ng lalaki ito ang hindi niya kabisado!

"Bilisan mo, pwede?"utos ni Liam.

Inumpisahan na ni Addi ang pagpunas sa likod ni Liam. Gusto na niyang sakalin ito pero nagpigil siya.

SIGE KONTI NA LANG, TINGNAN KO NA LANG KUNG DI KA MAGKAGUSTO SA AKIN. PAIIYAKIN

KITA! SORRY NALANG ELS, ANG YABANG NG KAPATID MO EH!

"Sige, tama na yan," tumayo na si Liam na kinagulat ni Addi. Bago pa ito tuluyang lumabas ay lumingon pa ito sa kanya.

"Syanga pala, thanks! Hindi sa pagpunas mo ng pawis ko. Hindi rin para sa tubig. Thanks for displaying your legs... maganda! Nag-enjoy ako. Kaso galingan mo pa pagpapa-cute mo next time."

Dinig na dinig sa buong kabahayan ang halakhak ni Liam. Naiwan na naman siyang naiinis.

My Best friend's WillTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon