Part 6

14 1 0
                                    

May kung anong kakaibang nararamdaman si Addi sa sarili habang pinapanood ng palihim ang pagpipinta ni Liam. Mula sa pinto ay hindi siya nakikita nito dahil nakatalikod ito sa kanya. Pero ang canvass ay nakaharap sa gawi niya.

Bawat stroke ng kamay nito habang nagpipinta ay nagdudulot ng kiliti sa puso niya. Aliw na aliw siya habang pinapanood ito. Parang nakalimutan na niya ang mga naging alitan nila noon at pamimintas nito sa kaniya.

I CAN'T BELIEVE THIS. ANG GALING NIYA. SANA AKO DIN KAYANG MAGPINTA. I HAVE TO ADMIT IT... I LIKE HIS TALENT. BUT NOT HIM, I GUESS...

Masyado siyang nalibang kaya hindi na niya napansin na lumingon na si Liam sa direksyon niya. Nang marealize niyang nakita na pala siya nito ay dali-dali siyang tumakbo. At kamalas-malasan, nadulas pa siya! Hindi pa siya nakakabangon nang marinig niyang nagsalita si Liam.

"Ayan kasi. Nahuli na kita eh, tumakbo ka pa." pigil tawang sabi ni Liam. "Get-up." Inabot nito ang kamay para tulungan siyang makatayo.

Nahihiya man, inabot niya ang kamay nito para makatayo siya. Pag tayo niya ay nakatingin lang 'to sa kanya. May ngiting nakakaloko sa mukha.

"What? Masaya ka na? Nakita mo kong nadapa." Parang batang napahiya si Addi.

Tumawa muna si Liam bago sumagot. "Yan ang napapala ng mga taong nagtatago. Saka di ba, sinabihan na kitang 'wag pumunta sa bodega?"

Hindi kaagad nakasagot si Addi. Hindi niya matignan si Liam. Nahihiya siya dahil nahuli siya nito at sa di malamang dahilan, ang bilis ng tibok ng puso niya.

"Whatever. I'm just curious, ok? At saka sabi ko naman sa'yo gusto ko ng..." napapikit siya. Hindi niya pwedeng sabihing gusto niya ang mga art work nito. Siguradong lalaki ang ulo at lalo siyang iinisin. "...never mind. If talagang likas kang madamot, fine! I will never set my foot on your precious bodega again. Ever." Pagkatapos ay nagdadabog siyang bumalik sa kwarto ni Elsie. Hindi na niya kaya ang mga titig ni Liam sa kanya.


*******************************************************************************************


"Buti naman nakasabay ko na kayong kumaing dalawa." Natatawa tawang sabi ni Elsie.

Nasa dining table sila noon at sabay sabay kumakain ng lunch. Yun ang pagkakataon na nakasabay ulit nilang makasama sa pagkain si Liam pagkatapos ng nangyaring encounter nila sa bodega. Simula noon, iniwasan na ni Addi si Liam. At ito man ay umiiwas din sa kanya. Pero ang lagi nyang naririnig kay Elsie ay busy daw ito sa pagpipinta. Binebenta daw ito ng kapatid para makatulong sa gastusin ni Elsie sa mga gamot.

Sa sinabi ni Elsie ay napasulyap si Addi kay Liam. Pasimple lang at nakita nyang nagpipigil 'to ng tawa.

UGH. THE NERVE! AT NAKUHA MO PANG KUMAIN NG MADAMI AH. NAKAKAWALANG GANA KA TALAGANG LALAKI KA.

"Wala naman problema sa'kin Els na magkasabay tayo. We always eat together naman di ba? Ewan ko lang sa iba dyan." Pinigil ni Addi magdabog sa harap ng pagkain. Wala sya sa mood makipag inisan dahil sinusumpong sya ng migraine simula kaninang umaga pero di nya mapigilang magparinig nang makita nya ang reaction ng binata.

"Pasensya ka na, Ate. Alam mo naman busy talaga ako these past few days. Hayaan mo babawi ako..." binitin pa ni Liam ang sagot saka sumulyap kay Addi na kinagulat naman ng dalaga. Bago pa sya makapagreact, tumingin na ulit si Liam kay Elsie. "...sayo. Sasabayan na ulit kitang kumain." Pagkatapos ay tinuloy lang ni Liam ang pag kain.

My Best friend's WillTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon