"Duday, pakibili mo naman ako ng shampoo sa tindahan. Naubos na pala yung baon ko e hindi ko na kabisado ang mga tindahan dito, baka maligaw ako." Utos ni Addi sa kasambahay.
"Sige po, ate. Iaabot ko na lang po sa inyo."
"Okay. Iabot mo na lang sa banyo. Salamat." Pagkatapos ay pumunta na siya sa banyo para maligo. Dali-dali niyang hinubad ang mga damit. Talagang init na init na siya kaya balak magbabad sa tubig. Heavy tinted naman ang shower kaya ayos lang papasukin niya si Duday sa loob ng banyo. Basang-basa na ang katawan niya nang may marinig siyang kumatok.
"Duday? Pakiabot mo na lang yung shampoo dito. Akin na."
Hindi sumagot ang kausap. Kinabahan si Addi. Iniwan niyang bukas ang pinto para makapasok si Duday pero mukhang ibang tao ang kasama niya ngayon sa banyo. Ganunpaman, kinalma niya ang sarili. Sinulyapan niya ang tuwalya niya.
NAISABOT KO NGA PALA SA LIKOD NG PINTO YUNG TUWALYA KO! PERO SIGURO NAMAN SI DUDAY LANG 'TO. KALMA LANG ADDI.
"Duday," di pa rin sumagot ang kausap. Inawang niya ng kaunti ang shower door. "Akin na yang binili mo dali."
Nagulat pa siya nang biglang lumitaw ang kamay nito sa shower door. Aabutin na sana niya ang shampoo ng may mapansin siya sa kamay nito.
TEKA, KAMAY NI LIAM TO,AH!
Sa kabiglaan, napatili siya ng malakas. Nabitiwan ng lalaki ang shampoo.
"Oh, bakit? Anong nangyari sa'yo?" sisilip sana ito pero muli na namang tumili si Addi.
"Don't you dare! Huwag na huwag kang sisilip, papatayin kita!" hindi malaman ni Addi kung saan itatago ang katawan.
"Hindi ko alam na naliligo ka na. Kung alam ko lang e di sana..."
"How stupid can you get?! Ano sa tingin mo gagawin ko sa shampoo? Get out! Get out!" tili ni Addi.
Pagkaalis ng lalaki ay lumabas na si Addi para kunin ang tuwalya. HINDI PA TAYO TAPOS LIAM!
Hindi pa nakalalayo si Liam nang abutan ito ni Addi sa Sala.
"You know what I should have known. Kunyari ka pang hindi nagkakainteres sa akin. But deep inside, you're an indecent maniac!" galit na galit na sigaw niya.
Naningkit kaagad ang mga mata ni Liam. Sobra na ang dalaga! Walang tatalo kay Addi pagdating sa pangiinsulto!
"Anong sabi mo?" humakbang siya palapit kay Addi.
"Hindi ko alam kung tanga ka talaga o nagtatanga-tangahan lang! Bakit ka pumasok sa banyo?! Alam mong naliligo ako!"
Napahilamos sa mukha ang binata. "E, sabi mo pumasok ako di, ba? Saka bukas ang pinto! For your information, kung ikaw lang sisilipin ko, wag na lang! Inabot ko lang sayo yung shampoo. I don't have any plans of raping you if that's what you think! Grabe ka magreact!" inis na din si Liam.
Sa narinig ay parang gusto na talagang manapak ni Addi. Nagbilang siya ng hanggang sampu para kumalma bago sumagot.
"I don't care if you're lusting over my body," saglit syang huminto dahil nakita niyang umismid ito. "...the fact na pumasok ka sa banyo ay pagpapatunay lang ng kabastusan mo! Bakit ikaw ang nag-aabot ng shampoo ko? In the first place, si Duday ang inutusan ko at hindi ikaw!" Walang pakialam si Addi kahit nakatapis lang siya ng tuwalya sa harap nito dahil galit na galit siya dito.
"I know naman na you're just waiting for my apology. I will never do that! I will never apologize to you. Lalo na at wala naman akong alam na kasalanan ko sa'yo."
"Alam ko. Hindi naman na ako nag-eexpect ng mabuti sa isang tulad mo. And now, I think I know who's going to blame with this." Hindi pa siya nakahahakbang ay hinarangan na siya ni Liam.
"Walang kasalanan si Duday, pwede ba? Stop..."
"Get out of my way! Meron o wala siyang kasalanan, I still need to talk to her!" Nanggigigil talaga siya.
"Kasalanan na nga pala ngayon na matae?"
"What? Watch your language, Mister!" saglit siyang naguluhan sa sinabi nito.
"Matae, madumi or whatever you want to call it. Parehas lang ang labas 'non. Parehas ding.."
"Shit! What the hell are you talking about?!" konti na lang ang iniipon niyang pasensya sa binata.
"You're right. Parehas din shit yon."
Napatingala si Addi. GOD NAMAN! HELP ME! MAPAPATAY KO 'TONG LALAKENG 'TO.
"I was going to Ate Elsie's room when I saw Duday rushing to the door.Sinabi niyang... naaano na siya kaya hindi na niya maaabot sayo yung shampoo mo. She gave it to me tapos tumakbo na siya sa banyo sa labas. So I have no choice but to give it to you. Eh, nagreact ka naman kaagad. Sana inabot mo na lang."
"Anong gusto mong gawin ko? Alangan namang matuwa ako?" nakapamewang na si Addi.
"Heto nga tatandaan mo, ha. Never kong pag-iinteresan yang katawan mo! Wala ka pa nga sa kalahati ng mga babaeng nagkakandarapa sa akin sa States!"
Hindi na napigil ng dalaga ang galit at nasampal niya si Liam. Bumaling ang mukha nito sa lakas ng pagkakasampal niya. Nagulat din si Addi sa nagawa. Namula ang palad na dumapo sa mukha ng lalaki.
Sa galit, humakbang palapit si Liam at hinapit papalapit ang dalaga sa kanya. Napasinghap si Addi at nanlaki ang mata. Natakot siya sa talim ng titig ng binata pero nanlambot naman ang mga tuhod niya sa pagkakalapit bigla ng katawan nila.
Nagulat pa sila pareho nang biglang lumitaw si Duday. Padaskol siyang binitawan ni Liam.
"Kuya, Ate, nag-aaway ba kayo?" tanong nito at nalilitong papalit-palit ang tingin sa kanila.
"Shut-up!" halos magkasabay na sigaw ng dalawa. Sabay talikod, naiwang kakamot-kamot ng ulo ang kasambahay.
Padabog na pumasok ng kanyang kuwarto si Liam. Galit na galit siya. Hindi niya alam kung saan ibubuntong ang pagkayamot.
DAMN! ADDISON LEE! YOU'RE MAKING ME CRAZY! BUT SHE HAS A POINT, WHY DID I DO IT? NAPAKA ISTUPIDO KO. WHAT WAS I THINKING?
Huli na nang naisip niyang mali ang ginawa niyang pag pasok sa banyo habang naliligo ito pero wala na siyang magagawa. Nabastusan na sa kanya ang dalaga. Hindi din niya maipaliwanag ang naramdaman nang hapitin na niya ito sa kanya.
I HAVE TO AVOID HER. THE LEAST I WANT TO BE... IS TO DESPERATELY FALL FOR A GIRL LIKE HER. I'M JUST ATTRACTED TO HER YUN LANG YON. HINDI NA DAPAT MANGYARI YUNG KANINA. MUNTIK NA KONG MAWALA SA SARILI KO. BAKA KUNG ANONG NAGAWA KO. SHE LOOKED SO TEMPTING. HER LIPS KAHIT GALIT PARANG ANG SARAP HALIKAN. SHIT!
Dumapa na lang siya sa kama niya at sinubsob ang mukha sa unan. Pilit binubura sa isip ang imahe ni Addi kanina.
BINABASA MO ANG
My Best friend's Will
RomancePara kay Addison, she can get whatever she wants lalo na sa lalaki. She doesn't care with their feelings. She can control men with her charm. She owns them. Until she met Liam, her best friend's brother na may 'immunity' sa girl power nya. Will h...