Part 7

14 1 0
                                    


"'Wag kang lalapit sakin! Sisigaw ako!" nagpapanic na si Addi. Hindi sya komportable sa sitwasyon nila ngayon at ayaw man niyang isipin, natatakot syang baka gantihan sya ni Liam sa pagtataray nya.

"E di ba, sumigaw ka na nga kanina?" nakakaloko ang tingin at ngiti ni Liam sa dalaga. Ipagpapatuloy nya na ang misyon niya.

Natigilan si Addi. Napatitig lang sya kay Liam. Sa mga mata nito at sa ngiti. Sa basa nitong buhok at hubad na katawan. Matangkad si Liam pero hindi yung tipong lalaking patpatin. Malaman ito at may muscles na tama lang para masabing lalaking lalaki ang itsura. Napadako ang tingin niya pababa. Flat ang tyan nito at halatang maalaga sa sarili ang lalaki. Napalunok siya.

OH MY GOD, ADDI. WHAT ARE YOU DOING? SCREAM! HE'S COMING NEAR YOU NOW. Nagtatalo ang isip at kalooban niya. Hindi niya maipaliwanag ang nararamdaman. Bumilis ang tibok ng puso niya hindi dahil sa kaba. Nakakaramdam siya ng excitement.

"Oh, ano? Siguro kanina mo pa ko pinagmamasdan. Nagtutulog-tulugan ka lang." sa narinig ay nahimasmasan bigla si Addi. Namula bigla ang pisngi niya sa pagkapahiya. Sa inis, binato niya ng unan si Liam. Natamaan sa mukha si Liam at sa lakas ng pagkakabato niya, na paatras ito at tumama ang likod sa lamesang andoon.

"Aray ko!" sigaw ni Liam. Napahawak sa likod at nabitawan ang tapis na tuwalya. Nalaglag sa sahig. Huli na para maitabing sa hubad na parte na nakita ni Addi. Dinampot niya kaagad ang tuwalya at tumingin kay Addi. Tulala ito. Nakanganga.

"Addi?" parang nakakita ito ng multo. Hindi niya alam kung anong gagawin.

Tahimik na umalis ng kama si Addi at lumabas ng kwarto ni Liam. Naiwan ding tulala ang binata.


Sa kwarto ni Addi, dumapa sya sa kama at binaon ang mukha sa unan. Hiyang hiya siya sa nangyaring eksena sa kwarto ni Liam kanina. Hindi niya mapigilang mag isip sa pagkalito.

ADDISON LEE. LOKA LOKA KA TALAGA! HINDI KA NAMAN GANYAN DATI. PANIC MODE KA KANINA DUN,OH. BAKIT, NATATAKOT KA NA GAWAN KA NG MASAMA NI LIAM DAHIL SA MGA GINAWA MONG KAGAGAHAN SA MGA LALAKE? YOU WERE NEVER LIKE THIS. YOU ARE ALWAYS IN CONTROL OF YOUR FEELINGS AND REACTIONS. PERO KANINA, NAGPAKITA KA NG KAHINAAN MO. AT KAY LIAM PA TALAGA. SI LIAM. WHAT'S WITH HIM? BAKIT IBA SIYA? Nakaramdam siya ulit ng konting sakit ng ulo kaya tinigil niya na mag isip at pinilit makatulog ulit.

Si Liam ay ganun din. Hindi mapigilang mag isip nang tungkol sa nangyari at kay Addi. BAKA NABASTUSAN SAKIN SI ADDI KANINA. MAS MAHIHIRAPAN NA KONG LUMAPIT SA KANYA NGAYON. NUNG NASA KAMA KO SIYA KANINA, MUKHA SIYANG ANGHEL NA NATUTULOG. PAYAPA ANG MUKHA PARANG HINDI MATARAY AT SADISTA SA LALAKE. PERO NUNG NAGISING NA, NAG IBA NA NAMAN. KAKAIBA TALAGA. Inamoy niya ang unan na nahigaan ni Addi kanina. HMMM. ANG BANGO. AMOY ADDI. Nakatulog siyang may ngiti sa labi.

"Bakit ang tahimik mo yata ngayon, Addi? May problema ba?" tanong ni Elsie. Napansin niyang walang kibo ito habang nagkukuwento siya. Nasa kwarto sila ngayon, hindi na siya makalabas pa dahil hindi niya na kayang tumayo at maglakad.

"Els, may nabanggit ba sa'yo si Duday nitong nakaraang araw?" tanong ni Addi. Naisip niyang magtapat sa kaibigan at baka maliwanagan siya.

"Nabanggit niya na inatake ka daw ng sakit ng ulo pero siguro sinabihan ni Liam na 'wag ng magkuwento sakin kasi alam niya mag aalala ako sayo. Kaya yun lang ang sinabi niya sa'kin. May masakit pa ba sa'yo? Baka masyado mo na kong iniisip napapabayaan mo na ang sarili mo." May himig pag-aalala sa boses ni Elsie.

"Wala naman, Els. And don't worry, I'm fine. Siguro sinumpong lang talaga that day." Magmula nang mangyari ang eksena sa kwarto ni Liam ay mas lalong nag iwasan ang dalawa.

"Ano ba talagang nangyari?"

"I remember I passed out sa CR sa sobrang sakit ng ulo ko. Tapos nung nagkamalay ako, I thought I was in my room, kasi si Duday ang kausap ko. Nakatulog ako. Tapos pag gising ko, nasa kwarto pala ako ni Liam."

"I see. Malamang si Liam ang nagbuhat sayo nung nahimatay ka at sa katarantahan, nadala ka niya sa kwarto niya. Nataranta lang yun, Addi. Hayaan mo pagsasabihan ko. "

"No. I mean. 'Wag mo na siyang pagalitan or pagsabihan. Hindi naman ako galit, Els." Saglit pang nag isip si Addi kung itutuloy ang sasabihin. "Els, bakit hindi ko na yata nakikita dito si...yung kapatid mong yun?"

"Ah. Ewan ko ba kay Liam sinabihan ko na nga na maghinay hinay lang e. Nagpaalam naman sa akin. Naaawa nga ako dun eh. Gabing gabi na umuuwi tapos madaling araw aalis na kaagad."

Biglang tumalon ang puso ni Addis a narinig. Nitong huli kasi ay hindi siya makatulog sa gabi kaya lumalabas siya ng bahay at umuupo sa upuan sa bakuran para magpahangin at magpa antok. Ilang beses din niyang ginawa yon. Nung nakaraang gabi lang siya may naramdamang kakaiba. Nang napalingon kasi siya sa bintana ng salas ay may naaninag siyang nakatayo sa tapat nito. Natakot siya kaya hindi niya alam kung paano pupunta sa kwarto niya nang hindi dumadaan sa sala. Sinilip silip niyang maigi kung meron ngang nakasilip nang matiyak niyang wala naman pala, patakbo siyang pumasok ng bahay.

NOW I KNOW. MALAKAS KUTOB KO SI LIAM YUNG NAKITA KO THAT NIGHT. SABI KO NA NGA BA MAY GUSTO DIN SAKIN YUN EH.

TEKA, WHAT? "DIN?" IBIG SABIHIN I LIKE THAT MONSTER? Nasa ganito siyang pag mumuni muni nang magsalita ulit si Elsie.

"Bakit mo naman hinahanap si Liam?" may panunukso sa tinig ni Elsie.

"Ha? A, eh... wala... natanong ko lang. Saka di ba dapat samahan ka niya lagi?"

"Naiintindihan ko naman siya eh. Saka kailangan niyang bumiyahe. Every morning naman and before siya umalis everyday pumupunta siya sakin para makipagkuwentuhan. Sabi ko nga ok lang naman kung wag na muna siyang umuwi dito at dun muna siya sa studio niya. E, mapilit. Gusto daw niyang makita yung mahalagang tao para sa kanya."

AKO? AKO BA YON? Tanong ng isip ni Addi.

"Hindi niya daw matiis na hindi ako makita. Minsan kahit gabing-gabi na pumupunta siya sa kwarto ko. Nangungulit... pati tuloy ako, napupuyat..." Napahiya si Addi sa sarili.

"Els, lately, nalilito na ko." KELANGAN KO NANG SABIHIN 'TO KAY ELSIE BAKA MAPAYUHAN NIYA AKO.

"Bakit naman?"

"Kasi...everything is new to me. Simula nang dumating ako dito sa bahay nyo. It's because of Liam. He's different."

"Paano mo naman nasabi yan?" tinatago ni Elsie ang sobrang interes sa boses. Mukhang nagbubunga na ang mga pinakiusap niya sa kapatid.

"He's different. I can see that I can't control him. I admit, hindi naging maganda impression ko sa kapatid mo. He's rude, arrogant and ungentleman. May mga nangyari dito sa bahay na hindi umubra yung charm ko sa kanya. Hindi siya kagaya ng mga lalaki na naencounter ko. Hindi siya bumibigay sa paglalambing at hindi din siya natatakot sa mga pagtataray ko."

"I see. So saan ka nalilito Addi?"

"I'm confused kasi bakit ganito? Bakit may lalaki pala na kagaya niya? When I woke up in his room, napahiya ako. Pero And kung sa iba yun, I wouldn't feel this way. I wouldn't feel affected. At lalong dapat walang ganito..."

"ganito?" tanong ni Elsie.

"ganitong pakiramdam. Natatakot ako, Els." Napapikit si Addi sa sinabi. Narerealize na niya kung saan patungo ang mga susunod na sasabihin. "There's something that Liam changed in me. I think I'm falling for him."

Napabuntonghininga si Elsie pagkatapos ay nangiti. "Addi, don't worry. I can tell you, my brother is worth the feeling. You'll be safe. Wag kang matakot. Matagal kong hinintay na malaman kong finally, you've feel this way. Don't be scared. Follow your heart." Masayang masaya si Elsie sa nalaman.

"Ewan ko. Bahala na. I'm not prepared for this." Pagkatapos ay nagyakap silang dalawa.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 15, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

My Best friend's WillTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon