"You really know how to start... fixing a broken heart... You really know what to do... you're emotional tooooool..."
Nagulantang si Addis a pagkakatulog nang magising sa malakas na boses ng kumakanta sa labas ng kanyang kuwarto. Tinangka niyang matulog ulit pero lalong lumakas ang ingay. Bumangon na lamang siya at padabog na humarap sa salamin.
SINO KAYANG BALIW ANG UMAATUNGAL SA LABAS? ANG AGA-AGA. NAKAKAINIS! HUMANDA SIYA SA AKIN.
Lumabas siya ng kwarto. Diretso sa kusina kung saan niya naririnig ang malakas na pagkanta ng isang lalake. Nakita niyang busy sa pagluto ng kung ano ang nakatalikod na lalaki. Matangkad at nakahubad ng damit pang itaas. Hindi namalayan ang kanyang paglapit kaya tuloy pa rin ito sa pagkanta ng malakas. Napahalukipkip si Addi.
HMM..HINDI NAMAN MUKHANG MATANDA EH. BAKA BOY NILA ELSIE 'TO. KAYANG KAYA KO TO. HINDI SIYA DAPAT KUMAKANTA NG MALAKAS, ALAM NIYANG MAY NATUTULOG PA.
"Ang aga mo namang mag concert? 'Di mo ba alam na may natutulog pa?" bahagyang nagulat ang lalaki pero hindi lumingon. Tumigil sa pagkanta pero itinuloy lang ang ginagawang pagluluto. Ikinainis iyon ng dalaga. Umupo siya sa upuan na nandoon.
"Tutal, ginising mo na rin naman ako, mag-aalmusal na ko. Ano yang niluluto mo?" Pumikit si Addi. Talagang inaantok pa siya dahil napuyat siya sa kwentuhan nila ni Elsie kagabi.
Hindi niya nakitang humarap sa kanya ang lalaki. Tinitigan siya nito. Nakapikit pa rin, muli siyang nagsalita.
"Oh, kanina, dinig na dinig ko ang boses mo kahit nandun ako sa kwarto ko. Ngayon naman, di ka na nagsalita diyan!" nakapikit pa rin si Addi.
"Hindi ako nagluto para sayo. Kung gusto mong kumain, magluto ka." Sagot ng lalaki.
Nagulat ang dalaga. Napadilat siya. Napaatras ang upuan niya nang makita ang mukha nito na malapit sa mukha niya. Napatitig siya dito.
Malagong kilay na bumagay sa mga matang akala mo'y naiiyak at pilikmatang akala mo sa babae dahil sa haba. Ang matangos na ilong nito at mapulang labi. Bumilis ang tibok ng puso niya. Kay gwapo naman pala ng tinatarayan niya! Pero saglit lang ang isiping iyon at bumalik kaagad ang pagka disgusto sa kaharap.
"Teka, sino ka ba ha? Matapos kang mangbulahaw, ikaw pa ang ganyang magsalita. Buti sana kung maganda ang boses mo." Nakataas pa ang kilay niya sa kausap.
Napangiti naman ito sa sinabi niya. Napansin tuloy niyang may dimple ito sa kaliwang pisngi. Agad ding binawi nito ang ngiti at napalitan ng nakakalokong tingin. Dumukwang ito sa kanya na kinagulat niya kaya di siya nakakilos.
"Bahay ko 'to. Kung kumanta man ako ng malakas, wala kang pakialam..." naputol ang sasabihin nito nang biglang tumayo si Addi para umalis pero nahawakan siya nito sa braso.
"Hindi pa ako tapos, Addison Lee. Tinatanong mo kung sino ako, di ba? I'm Liam, remember?" naalala niya ang boses nito.
Matalim na tingin ang pinukol niya dito. Pinilit niyang makawala sa pagkakahawak nito. Hindi niya alam kung bakit nanginginig ang mga tuhod niya sa titig nito.
"So, ikaw pala yon. As expected, you are much rude in person." Tinitigan niya ang kaharap kahit parang natutunaw na siya. Binitiwan siya nito. Kinuha ang niluto at nilagay sa tray. Pagkatapos ay tumitig ulit ito sa kanya.
"This is for my Ate Elsie. Magluto ka na lang ng sayo or magpaluto ka sa kasambahay namin. Pipintasan mo lang naman kasi ang luto ko. Anyway, kahit naman magpaluto ka sa akin, di ko gagawin. Sorry to tell you, di ako katulad ng iba diyan na kaya mong utuin, ibahin mo 'ko." Dali dali na itong umalis.
BINABASA MO ANG
My Best friend's Will
RomancePara kay Addison, she can get whatever she wants lalo na sa lalaki. She doesn't care with their feelings. She can control men with her charm. She owns them. Until she met Liam, her best friend's brother na may 'immunity' sa girl power nya. Will h...