Ayaw man aminin ni Addi sa sarili na malaki ang epekto ng awayan nila ni Liam, hindi naman niya ito maitanggi sa mga reaksyon niya sa mga ginagawa at sinasabi ng binata. At iyon ang kinagagalit niya. Hindi siya ganoon dati. Hindi pa siya nawalan ng composure at poise kahit na ba may kasagutan siyang lalaki. At sa araw-araw na pagsasama nila ni Liam sa iisang bahay, unti-unti niya ding natutuklasan ang pagkatao nito.
ANG HINAYUPAK NA 'TOH... KALALAKING TAO, ANG LANDI! Nakita niyang nakikipagtawanan si Liam sa dalagitang kapitbahay nito. Ewan ba niya kung bakit naiirita siya sa tanawing nakikita ngayon sa garden.
ABA! ABA! AT KAILANGAN PANG HUMAHAWAK PA SA KAMAY? 'TONG BABAE NAMAN NA TO, PAGKABATA-BATA PA KUNG MAKATAWA KALA MO WALA NG BUKAS!
"Ah, eh... Ate Addi... nalulunod na po ang mga halaman ni Ma'am Elsie..." biglang napahinto sa ginagawang pagmamasid sa dalawa si Addi. Hindi niya napansing nasobrahan na pala siya sa pagdidilig, kung hindi pa siya tawagin ni Duday.
Muli siyang lumingon sa dalawa at nakita niyang papasok na ang binata sa loob ng bahay. HMP... PASIPOL-SIPOL KA PA NGAYON HA. PALIBHASA NAKAHAWAK KA SA KAMAY! CHANSINGERONG PALAKA! YAN PALA MGA TYPE MO AH. PEDOPHILE! TEKA... BAKIT BA AKO NAIINIS? WALA AKONG PAKIALAM SA KANILA,NOH. KAHIT MAGHALIKAN PA SILANG DALAWA DIYAN. I'M NOT AFFECTED! Pagkontra niya sa naiisip.
Pagpasok niya sa loob ng bahay, nagulat pa siya nang makasalubong ito. Nakangiti ito nung una pero nung makita siya, bigla na namang sumimangot ang binata. Hindi rin ito tumingin sa kanya habang mabilis na naglakad palabas sa bodega.
SO ALLERGIC KA SA AKIN? SAME HERE! MR. LIAM TORREGOZA! AS IF I WANT TO SEE YOU NOR TO BE NEXT TO YOU!
Pagkatapos nang pagkakasampal niya dito ay iniwasan na siya nito. Hindi niya pinagsisihan ang ginawa pero nakokonsensiya pa rin siya dahil kapatid ito ng kaibigan niya at siya ay bisita lamang ng mga ito ngayon. Tuwing magtatangka siyang kausapin ito, natatalo siya ng pride niya. At isa pa, parang nandidiri sa kanya ito, ni tignan di na ginagawa.
Hindi na rin ito gumagawa ng anumang bagay na ikakagalit niya. Meron itong pinagkaka abalahan na hindi niya alam at mukhang itinatago rin naman nito sa kanya.
Hindi sinasadya isang umaga nang maisipan niyang maghalungkat ng mga lumang gamit sa bodega ay nakita niya ang isang painting ng isang batang lalaki na naglalaro ng trumpo. Katabi nito ang isang painting ng batang babae at lalaki na magkahawak kamay na naglalakad sa tabing-dagat.
WOW. IT'S BEAUTIFUL. BUHAY NA BUHAY. SINO KAYANG NAGPAINT NITO? I LOVE IT. Hahawakan sana niya ito pero napansin niyang parang bagong gawa ito kaya nagkasya na lang siya sa pagtingin dito.
She always appreciates any work of art. Mas lalo na ang painting dahil frustrated painter nga siya noon. Mahilig siyang magdrawing noon, pero nang magcollege na nga siya, mas pinili niyang kumuha ng course sa fashion designing dahil sa tingin niya mas magandang kombinasyon ang hilig niya sa art at fashion. Nagtaka siya kung bakit nakatago sa bodega ang ganitong kagandang artwork.
"Anong ginagawa mo dito?" ikinagulat ni Addi ang biglang pagsulpot ni Liam sa bodega.
Hindi siya kaagad nakasagot. Para siyang batang nahuling kumukuha ng kendi sa garapon.
"Ahm.. wala. May kukunin lang sana akong mga lumang kitchenwares na pwede pang gamitin. Balak ko kasi na gumawa ng cake.... Bakit forbidden place ba 'to?"
"Hindi ka dapat pumupunta dito. Kaya nga nakasara 'to lagi eh." Kinuha ni Liam ang painting at binalot ng papel na dala-dala nito.
"Bakit naman hindi pwede?" hindi na maialis ni Addi ang tingin sa painting.
tTumingin lang muna sa kanya si Liam saka nagsalita. "Basta. Ayoko na andito ka."
"Bakit mo binabalot yang painting? Sayang naman. A beautiful painting like that should be displayed, right? Hindi yan dapat binubulok dito."
Napatingin sa kanya si Liam na parang nagulat sa sinabi niya.
"Ano ka ba? Don't look at me like that. Wala ka nga alam sa art appreciation kaya ganyan ka. Balewala sa'yo yang mga ganyang mga bagay. Pero sa akin meron. I'm a designer and I collect art works. Kung itatago mo lang yan dito, I might as well just buy it from you. Magkano?"
Hindi pa rin nagsasalita si Liam at nakatingin lang sa kanya na parang di makapaniwala. Unti-unting sumilay ang ngiti sa mga labi nito na agad naman nitong pinigil.
"Ano ba? I'm dead serious. Kaya wag mo kong ngiti-ngitian diyan!"
Natauhan naman bigla si Liam at tinuloy ang ginawang pagbabalot. "Sorry to tell you but it's already sold."
"Parehas? Gusto ko talaga yan."
"Oo. Kaya nga binabalot ko na, di ba?"
ANG SUNGIT TALAGA NITONG LALAKENG 'TO. NAKAKAINIS!
"Ok, fine! Naunahan na pala ako. Sino bang painter niyan? Sa kanya na lang ako oorder ng paintings na dadalhin ko sa condo unit ko."
"Kung sino man nag-paint nito, hindi mo na dapat pang malaman." Pagkatapos ay lumabas na ito ng bodega dala-dala ang painting na gustong-gusto niya.
"Els, pwede bang magtanong tungkol sa kapatid mo?" Ewan ba ni Addi kung bakit bigla siyang naging interesado kay Liam.
"Oo naman. Ano naman yon?"nakangiting sagot ni Elsie.
"Ahm... anong trabaho niya? Bakit hindi ko na siya madalas na nakikita dito? Pero hindi ko naman siya nakikitang umaalis nang naka uniporme."
"Ehem. Napapansin mo pala kapatid ko,ha." Makahulugan ang tingin ni Elsie sa kanya.
"Oi, don't get me wrong ha. I'm not interested with him. I mean I'm just curious, ok?"
Depensa niya.
"Alright. You don't need to be defensive," natatawa naman si Elsie sa kanya. "Graduate siya ng Computer Graphics and Animation course sa Amerika. Would you believe that he once worked in Disney Pictures as Animator? Pero he gave up his career for me and went here. Hindi ko na nga alam kung for good na."
Hindi makapaniwala si Addi sa narinig. ANG MAKAPAL NA MUKHA NA 'YON AT MAY IPAGMAMAYABANG NAMAN PALA!
"Alam mo kasi Addi," pagpapatuloy ni Elsie. "yung bro ko na yon,titignan mong ganon yun pero hangggang ngayon isip bata pa rin yon. Kinukuwento nga niya sa akin na hanggang ngayon, mahilig pa rin talaga siya sa mga cartoons at mga toys. May mga collections nga daw siya noon kaya lang naiwan niya nga daw sa States. Mahilig din talaga siya sa mga bata kaya ganon siya. Kaya nung nakasama ko siya, naisip kita."
"Ha? Bakit naman?"
"Kasi parehas kayong mahilig sa mga kids, di ba? Saka parehas kayong isip-bata!" tumawa si Elsie pagkasabi noon.
"Hay, nakoh! Mas isip bata naman siya kesa sa akin! Akalain mo ba nung isang araw, nakita lang na tinitignan ko yung paintings sa bodega sinabi ba naman na 'wag na daw akong pupunta 'don!"
"Paintings?"
"Yah, two paintings. Parang katatapos lang eh. Hindi pa masyadong tuyo yung pintura. Bibilihin ko na sana kaso may buyer na nga daw yon."
"Know what?" kumukislap ang mga mata ni Elsie sa tuwa. Mukhang hindi siya mahihirapang i-match ang dalawa.
"What?"
"He painted it. Kaya ayaw ka niyang papuntahin don dahil ayaw niyang pintasan mo yung pininta niya. He's also an artist."
"Ha? Oh, come on, Els."
"Ayaw mong maniwala? Silipin mo siya ngayon sa bodega. Nandon siya ngayon. Kasasabi lang niya sa akin kanina na magpipinta siya."
BINABASA MO ANG
My Best friend's Will
RomancePara kay Addison, she can get whatever she wants lalo na sa lalaki. She doesn't care with their feelings. She can control men with her charm. She owns them. Until she met Liam, her best friend's brother na may 'immunity' sa girl power nya. Will h...