Chapter 3: Gig

26 1 0
                                    

 DAMON POV:

Nakapag enroll na ako. Sa Yohan Academy. Dito ako nag aral dati. Kaya dito ko napili.  Asan na kaya si Isabella balita ko dito pa siya nag-aaral.

"Damon, welcome back!" sabi nung kaibigan kong 6th year na ngayon. Medyo di ko na siya maalala.

"Salamat pare! Teka lang pare ha, nagmamadali kasi ako. Mamaya na lang tayo mag-usap." I need to find Isabella pa.

"Sige, kita na lang tayo" kinindatan pa ko. Ang bading naman.  

"Sige." awkward smile.

 Asan na ba kasi si Isabella....... Alam ko na baka nasa canteen yun. 

Ang dami na pala nagbago dito sa Yohan. 

Jackpot! Ayun nga siya. Kasama niya si Andi.

Bumalik lahat ang mga magagandang alaala namin. Walang nagbago sa itsura niya. Siya pa din yung Isabella na nagustuhan ko, yung nagturo saking magmahal.

"Damon, welcome back" sabi nung babae na hindi ko naman kilala.

"Salamat!" Nginitian ko lang.

Hindi ko naman pupuntahan si Isabella. God knows how much I miss her pero kelangan ko munang mag intay.

"Ano sayo?" sabi nung tindera sa canteen.

"Ate, isang iced coffee po." My favorite

"Damon ikaw ba yan?"  naalala pa ako ni ate.

"Ah.... eh ... opo!"  naalala ko pa si ate, siya yung laging nanloloko sakin. 

"Napakalaki at gwapo mo na ngayon" alam ko na yun ateeeee. Nakakasawa na kaya.

"Si ate talaga nambola pa."

Umalis na ko pagkabigay sakin nung sukli ko. Tiningnan ko si Isabella pero di naman siya nakatingin, hindi niya ba kilala? Bakit ganun? Nagka Amnesia ba siya? Narinig naman niya yung pangalan ko kanina. 

Red's POV

Nasa classroom na kami ni Frank. Inaasar niya pa din niya ako hanggang ngayon. Habang yung iba naming kaklase, nakatingin samin na super awkward. 

"Good morning class!" Nandito na pala si Sir Finn.

"Class, may bago kayong kaklase." huh? Bago? 

"Come in." pumasok na siya. Ang tangkad sobra. Pamilyar ang mukha niya.

"Hello! I'm Damon Zeus Knight!" tinaggal niya yung sumbrero niya.

"Ah Damon! Ikaw pala yan!" sabi ni Frank. Ang lakas ng boses niya.  Bumalik siya galing Chicago. 2 years ata siya dun? 

"Yeah!" :D  nakasmile pa siya. Kinaiinisan ko tong tao to. Kasi ex siya ni Isabella. 

"Red, wag kang sumimangot." bulong sa kin ni Frank. 

Naiinis ako sa kanya kasi, pinaiyak,  at iniwan niya si Isabella. Tapos ngayon bumalik pa siya. Anak ng! Baka bumalik siya para paiyak lang ulit si Isabella. No way!

Nagrest na lang ako. Kasi napakaboring talaga ni Sir Finn magturo. Tyaka nag-advance study naman ako kagabi sa bahay. Kaya kahit anong tanungin niya masasagot ko.   

 "Bakit ka nga pala bumalik dito Damon?" Nagchichismisan sina Frank. Parang ayaw kong makinig, pero di ko naman mapigilan sarili ko

"Kasi may naiwan akong kelangan kong ayusin." Hala ano naman kaya yun? Baka he wants Isabella back? di pwede yun. 

"Ano naman yun pare?" buti na lang tinanong ni frank

"Basta pare." Baka nga. Sino ba naman kasing bobo ang iwan si Isabella. Napakabait na tao, tapos iiwan niya lang ng ganun. 

Fix a Heart(hiatus)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon