Chapter 12 : Pressure

23 0 0
                                    

Red's POV

Lumabas siya ng kwarto at dumideretso sa labas ng bahay.

"Isabellaaa! Wait lang."

Di ko alam kung galit siya o hindi. Kasi wala siyang reaksyon. Basta tumakbo lang siya paalis ng bahay.

"Isabella hatid na kita wait lang!!! Gabi na."

sabi ko habang sinusundan siya.

"Sige na Isabella hayaan mo kong ihatid kita. Baka kung mapano ka diyan. Lagot ako sa kuya at mommy mo. Ikaw din!"

Natigilan siya. Siguro napag isip isip din siya.

"Umupo ka muna. Sasabihan ko lang yung driver."

"Wag na! Maglalakad na lang ako."

normal lang yung pagkakasabi niya. Parang strangers ulit kami kasi di niya ginamit yung masayahing voice niya.

ugggh! I hate this feeling

"Sasamahan kitang maglakad.Tara na!"

Malapit lang naman kasi talaga sa bahay yung bahay nila.

Nauna na siyang maglakad, halata naman na gusto niyang magpahatid kaso nahihiya lang siya.

"Wait Isabella hintayin mo ko!"

hinabol ko siya na nasa may gate na ngayon.

"Wait!!"  sabi ko sa kanya na ngayon na magkasabay na kami.

"Akin na yung bag mo, ako na magdadala."

binigay niya yung bag niya. Pero parang galit pa rin, kasi di niya ko kinakausap.

Anong gagawin ko. Napaka awkward naman neto? Kakauaapin ko ba siya? Kaso kakahiya.

..lakad

..lakad

..lakad

bahala na!

"Isabella nalaman mo na ang lahat. Sorry kung ngayon mo lang nalaman. Sasabihin ko naman sayo eh. Kaso I'm waiting for the right time. Sorry talaga. "

Hindi pa din siya nagsasalita. Sasabihin ko na ang lahat.

"Pero wag mo sanang isipan na stalker ako ha. Ginawa ko lang yung room na yun kasi mahal kita. "

"Ang hirap ngang magtago eh. Imaginin mo 3 years? Hindi ko alam kung matutuwa ako kasi nga nalaman mo na pero parang hindi pa rin kasi  hindi sakin nanggaling. "

tiningnan ko siya sa mukha pero di siya makatingin.

"Sana payagan mo kong ituloy to? Isabella please. Wag mo kong pigilan."

Kinakausap ko ang hangin ngayon pero alam kong nakikinig siya at pinag iisapan ang mga sinabi ko.

"Mahal na mahal kita. Sana hayaan mo kong mahalin pa kita. "

Hindi talaga siya nagsasalita. Bibigyan ko muna siya ng time baka naguguluhan lang siya.

"Basta Isabella seryoso ako. Okay lang kahit di ka nagsasalita ngayon baka nagulat ka lang pero seryoso talaga ako. Walang halong biro. "

nasabi ko sa kanya habang papasok na siya ng gate nila.

"Sige pasok na ko salamat sa paghatid ha. "

sabi niya sakin with her normal or expresionless face.

"Walang anuman!!! Basta pag isipan mo ha. " 

sabi ko sa kanya sabay sara niya ng gate.

Napansin ko lang. Bakit parang ang daldal ko kanina? Ganto ba nagagawa ng love? Parang nawala yung hiya ko kanina.

Fix a Heart(hiatus)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon