Chapter 5:Celebration

30 1 0
                                    

ISABELLA'S POV:

Natapos na yung performance namin. Maraming natuwa. Lalo na yung mga girls. Nakatulala lang sila kay Red. Sabagay di mo naman siya masisi. Kahit sino naman siguro, pati nga yung PE teacher namin na lalaki nakatulala sa kanya..

---Nandito kami ngayon ni Andi sa room, waiting for our next teacher.

"Andi, alam mo ba para kanino yung kinanta ni Red. Diba self-composed yun?" tanong ni Czeska.

Grabeeeee. Patay na patay naman to kay Red. Kanina nga may binigay pa siyang cookies kay Red. Like eeeew! Ano bang klaseng babae to?

"Ewan at Oo." si Andi pa kasi tinanong niya. Walang pake si Andi kay Red eh. 

Sumimangot naman si Czeska "Ang suplada naman." nagroll eyes pa siya.

 "EEEEW. Sobra naman yun. Desperate moves? Baka nilagyan niya ng gayuma yung cookies na binibigay niya. " sabi ko sa kanya.. Nakakainis kasi nagroll eyes pa siya. 

"IKR. Buti na lang friend hindi ka ganun." n e v e r

"Tama na nga. Di sa'tin bagay yung ganung way of talking. NAKAKADERDER! hahaha!"

Pagminsan talaga, trip namin to ni Andi. Ginagaya namin yung mga parlor girls. Pinangalanan na namin sila. Pano ba naman? May mirror ng nakadikit sa may wall na malapit sa chair nila. Tapos may mga pangkulot, make-up, at kung ano-ano pa. KAARTEHAN! PWE!

"Eeew! Last na yun."  sabi niya sakin

Nakakainis mag-aral ngayon kasi classmate namin tong mga nebular girls na to. Lagi kong naalala yung ginawa nila nung kami pa ni Damon dati.

FLASHBACK:

Lagi na lang ako nakakatanggap ng mga notes.

"Layuanmosi Damon."

"Anglandilandimo!"

"Ano bang gayumang ginamit mo?"

"You seduced her!"

Nung una, halos mangiyak ngiyak ako nung mabasa ko yan na nakadikit lagi sa upuan ko. Pero nasanay na lang ako hanggang sa nagsawa na lang sila.

Yung iba nagstatus pa sa facebook nila na kesyo malandi daw ako, basta kung ano-ano panira sakin.

Minsan nga binabato pa nila ako ng bato pero hindi nila ko natatamaan kasi lagi kong kasama si Damon. Pero may mga nagtatanggol naman sa kin, sila Frank, Zac at yung iba pang boys na classmates namin. At dahil dun mas na issue pa tuloy ako na malandi. PUTIK LANG!

Natapos na yung klase ng walang problema. Nandito kami ngayon ni Andi sa bahay. Nagkwekwentuhan lang.

*time's up ringtone* tumatawag si number lang.

"Hello Isabella si Frank to"   Si frank pala to.

"Iba na naman number mo?"

"Hindi kay Red to. Nakitawag lang."

\

"Isabella, asan ka ngayon? Celebrate tayo?"

"Celebrate? Bakit?"

"Kasi maganda yung kinalabasan ng performance natin kanina."

"Whaaaat? Dapat pa bang icelebrate yun?"

"Oonaman. Wala din kasi akong magawa. Sige na?"

Fix a Heart(hiatus)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon