Chapter 8: Your Song

24 1 0
                                    

ISABELLA’s POV

Nandito na naman sa canteen. Kumakain ng marami. Grabe talaga yung kinanta ni Red ang ganda. Sino kaya ang kumanta nun. :”> Nakakainlove yung meaning. Sana alam ko yung title nun. Ayaaw kasing sabihin ni Red eh.

“Isabella!” sigaw sakin ni Andi

“Bakit ba?”  tiningnan ko siya ng masama.

“Kanina ka pa nakatulala diyan. Ano bang sinabi sayo ni Damon? Kalat na kalat na yung tsismis sa inyong dalawa.”

“Wala. Wag natin siyang pag-usapan. Sayang lang ang oras natin.”

“Hindi naman siya yung pinag-uusapan natin. Ikaw yung pinag-uusapan natin. Tinatanong ko kung anong bang sinabi ng walang hiya na yun?” galit na siya niyan.

“ Wala nagsosorry lang.” :) pinakita ko na lang na masaya ako kasi alam kong yun yung gusto ni Andi.

“Sus. Gusto niya kasi mapagaan yung loob niya hindi yung loob mo.”

“ I know. Sabi ko sa kanya layuan niya ko. “:) Nakatext ko kasi siya kagabi. 

“Sus, lalayo ba talaga yun?” 

“Sinabi ko din na wag niya na kong kausapin.”

“Inlove pa yun sayo kaya ganun. …… OOOOPPPSSS! “

 -______-

“You know what, okay lang yun nakamove on naman na ako at wala akong planong maghiganti.”

“That’s my girl! I’m so proud of you. Ang bait bait mo talaga. “ sabay kurot sa pisngi ko.

Nginitian ko na lang siya. Wala naman talaga akong balak eh. Sayang lang effort ko no. Tyaka makakarma na lang siya kasama yung mommy niya. Magsama sila.  Tch.

Nasa room na kami. Kakatapos pa lang ng breaktime.  Nakaupo lahat ng mga girls naghihintay ng teacher. Ganyan kami kadisiplina. Parang totoo. -___-

“Leila Ann Marie Uy” may sumigaw na boses lalaki pero parang galing sa malayo. Si Faye chuva pala taga nebular yun.

“Sharmaine Isabella Perez.” Hala, pangalan ko yun ah. Pamilyar yung boses.

“Isabella, yiiiieeee!!! “ sabi sakin ni Andi

“Hala, bakit? Ano bang meron dun?” promise wala talaga akong alam. Attendance ba yun?

“Ano ba yan? Hindi mo talaga alam? Dare yan ng mga lalaki. Pagnatalo ka sa game kelangan mong isigaw ang pangalan ng crush mo.” Gumaganun naman pala mga lalaki ngayon. LANDI

“Talaga? Ang astig naman nun!”

“Sa rooftop ata yun sinisigaw. Sa iba nga sa room pa mismo ng crush nila. Konti lang ang may nakakaalam nito ha. Secret lang to. Sinabi lang sakin ni Nick eh.”

“Ayos ah. “

“Kilala ko kung sino yung sumigaw ng pangalan mo. Si Ethan yun. Sino pa ba?”

“Ah! “ since 3rd year kasi crush na ko ni Ethan. Pero magkaibigan lang kami. Di nga lang barkada. Kasi nahihiya daw siya sakin.  Parang ngang ewan. Pero mabait yun di epal, promise! 6th year na siya ngayon.

RED POV:

Nasa room kami kasama ko si Frank at Nick. Absent si Damon. Natauhan siguro.

“Sharmaine  Isabella Perez!” May sumisigaw ng pangalan ni Isabella,  Sino yun?  Si Ethan siguro.

Nabulantang ang buong klase.

“Hahahahaha! Sino kaya yun? “

“Balita ko mga 6th year students. Naglalaban laban sila ng soccer kahapon eh.”

Fix a Heart(hiatus)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon