Chapter 7: Time Travel

28 1 0
                                    

ISABELLA'S POV:

Natapos na yung lunch break. At medyo nagkaayos na kami ni Nick. Ang daldal pala nun. Bestfriend ko na siya. Weeeeee! Nawala ang pagkabadtrip ko. Si Red, kaclose ko na rin, pero parang ang tahimik niya. Bestfriend ko na rin siya.

Andito na kami sa room. Sitting pretty! Hinihintay na lang namin ang teacher namin sa Literature si Ms. Lee. Ang pinakamagandang teacher dito sa Yohan Academy. Ang daming nanliligaw na estudyante sa kanya. Kasi 22 years old palang siya. Fresh Grad. Pinsan ko nga pala siya.

Dahil maraming nanliligaw sa kanya. Marami na rin akong kaibigang lalaki na nagpapalakad.

"Isabella, mahilig ba siya sa Chocolates?" tanong ni Clark. Pumunta pa talaga siya dito sa room namin para lang ihatid yung chocolates para kay Ms. Lee. Isa din tong makulit eh.

"Oo, Favorite nga niya yung Ferero Rocher eh." as if. Binibigay lang sakin ni Ms. Lee yung mga natatanggap niyang mga chocolates eh. Hindi naman siya masyadong mahilig.

"Sakto! Sige aalis na ko ha." Tumakbo na siya. Haaaay, naiimagine ko na mamaya pag-uwi ko. Kain kain lang ng chocolate habang nag-aaral. Mwahahaha!

Magkapitbahay lang kasi kami ni Ms. Lee. kakatok lang ako sa kanila para magpaturo at kumain ng chocolates. yum yum

***********

Natapos na ang klase. Pauwi na ko. Gusto ko pa sanang pumunta kila Andi. Kaso umuwi daw ng maaga sabi ni Kuya Ken kasi umalis si Mommy may business trip.

By the way, Hiwalay na si Mommy at Daddy Grade 5 pa lang ako. Sobrang nainis ako kay Daddy. Kaya ganyan na lang ang pagkaconcern sakin ni Kuya Ken. Overprotective siya. Nung iniwan ako ni Damon. Si kuya ang nagalit. Hindi ko pa nga nakwekwento na bumalik na ulit si Damon eh.

Para sakin si Kuya Ken ang pinakaimportanteng lalaki sa buhay ko.

Haaay D R A M A

Pupunta na nga lang ako kay Ate Faye. Siya si Ms. Lee, Ms Faye Ava Lee.

Lumabas na ko ng bahay, nagpaalam muna syempre ako kay Kuya Ken. Andun kasi yung mga barkada niya. Inaasar kasi nila ako sa isa niyang kabarkada. May gusto daw sakin. Eeeeeew!

"Ate Faye!!!" sumigaw na lang ako.

lumabas na si Ate Faye. Ang sexy nakashorts lang. Idol ko talaga pagdating sa Kasexyhan.

"Pasok!"

Pumasok na ko sa bahay nila. Ang dami papers ang nakalatag sa table niya. At ang dami ding chocolates. O_O

"Ate Faye! Penge ah!" kinuha ko na yung chocolate. Tambay lang muna ako dito. Wala namang homework eh. Nakakabore sa bahay.

"Sige.... Teka lang nasabi mo na ba kay Ken na bumalik na si Damon?" alam din ni ate faye yungtungkol samin ni Damon. Kaso hindi siya masyadong nagalit kasi boyfriend niya dati yung kuya ni Damon.

"Hindi pa, hindi naman niya tinatanong eh. Tyaka wala na kong pakialam dun. "

"Ah. Kinukulit kasi ako ni Damon, penge daw ng number mo." May ginagwa siyang trabaho sa laptop niya.

"Ikaw yung nagbigay sa kanya?"

"Hindi ah. Ba't ko naman ibibigay." alam ko naman na hindi ni ate faye magagawa yun.

"Tssss. Hindi ko naman sinasagot mga texts nun. I DON'T CARE! "

"Pero parang may gusto siyang sabihin sayo. Mukhang seryoso eh. Lagi na lang nakatulala. "

w h a t e v e r

"Porke laging nakatulala. Wag mo yun pansinin ate Faye ha. "

"Sige."

Fix a Heart(hiatus)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon