Angel's POV
Nagising ako na ako nalang magisa wala na si bet. Lagi naman siya ang unang nagigising. Bumangon ako at ginawa ko ang morning rituals. Parang may nakalimutan ako. Umupo ako sa kama at inaalala ang nakalimutan ko. Biglang pumasok si Jacob sa kwarto.
"ate halika ka po sa labas tawag ka po ni kuya leo" sabi niya habang lumalapit saken with matching talon oh diba nakakagigil tong batang to... Kaya naman kinurot ko yung pisnge niya pagkalapit sa akin.
"arouch naman ate" daing niya.
"anong arouch?" nagtaka naman ako ano ba yun? New word?
"hay nako! Kahit kelan si ate di update! Aray+ouch =arouch, gets?" paliwanag niya para akong bata na nakikinig sakanya.
"sorry naman malay ko bang magkaiba pala vocabulary natin" napakamot nalang ako sa ulo.
Lumabas na kami dahil hinila na niya ko. Matatanggihan ko ba to? Bago kami umalis sa kwarto tinignan ko muna yung kama ko dahil parang may nakalimutan talaga ako. Mamaya na nga. Paglabas namin sa kwarto wala yung mga upuan ng mga bat at lamesa, san napunta yun? Hinila ako sa garden ni Jacob pero bago pa kami makapunta dun nakita ko si bet sa pinto nakatayo. Maggu-good morning sana ako at kikiss siya sa pisnge. Lagi ko yun ginagawa tuwing umaga. Pero di ko sya nakiss dahil bigla niyang tinakpan yung mata ko at naglakad. Tinatanong ko siya kung anong klase ba trip niya kasi nagugutom na ko di pa ko nakain duh..
Maya may tinggal na nya yung kamay niya. Nakaharap ako sakanya. Nasa garden kami.
"handa ka na ba?" tanong niya na ipinagtaka ko. Magtatanong sana ako kung san ako handa pero itinalikod na niya ko. At nagulat ako sa nakita ko..
"Happy 18th Birthday!!"
Naiiyak ako sa saya, bigla akong niyakap ni bet mula sa likod. Napaiyak na ko ng tuluyan. Ito pala yung nakalimutan ko. Nagsitakbuhan yung mga bata papunta saken lumuhod ako pero makapantay ko sila binabati ko sila at kinikiss nila ako sa pisnge. Pati sila sisters lumapit saken at binati ako. Lalo ako naiiyak kapag nakikita ko yung ginawa nila, ang ganda sobrang ganda.
Dito pala napunta yung mga upuan at lamesa na hinahanap ko. Bakit ang effort nila? Di ko naisip na gagawin nila to saken dahil madalas pag isa sa mga bata ako gumagawa ng surprises. Ako pa ba? Chos..
"Happy birthday bet 😊😊" sabi ni bet. Ngayon lang ata to kusang ngumiti saken ahh.
"thank you bet" sabay ngiti ng malapad sakanya. Hinila na niya ako sa lamesa kung saan nakalagay ang cake. Nakaupo na ang mga bata sa kanilanh mga upuan. Sinidihan niya to at nagsalita..
"Your now 18 turning into a lady. I remember the days that we were first met, your such a kind. And you always will. Thanks for being my friend in the old days, and until now. You're such a gift of God in me. I'm so thankful that your given me a chance to let you know I'm a good friend of you. There are friends who destroy each other, but a real friends will stick closer than a brother or sister, and that are we. So I am very thankful to be your friend, please stay as you are, kind, thoughtful and respectful. I wish for your birthday, good health as always say, please be always keep your God in your heart, stay strong and beautiful. I will always take care of you. Always remember that I'm always here even in your ups and downs. Happy 18th Birthday bet" kanina pa ko naiyak dahil nag speech pa talaga siya. At ang sweet pa. Kaya mabait saken to kasi birthday ko.
"And I wish that sana magmuka ka nang tao" pahabol niya
😒😑😒
Punyeta umiiyak na ko tas sisingitan nya ng ganun?!!
Napabusangot naman ako sa sinabi niya. Nagtawanan naman lahat ng tao dun. Ahh ganun na
This means WAR.
Kumuha ako ng onting icing at pinahid sa tumatawa kong bet. Nagulat siya lalong natawa yung mga bata, at ako? Syempre mamaya na ko tatawa tatakbo muna ako waahhh!!! Lagot ako nito.
Tumakbo nako at hinabol naman niya ko na may icing sa kamay niya. PAKTAY!!
At syempre nahabol niya kapre kalaban ko talo ako
Nakita ko rin yung mga bata na masayang naghahabulan na may icing sa mukha.
"Ate! Ate! Ate!" si venice
"oh bakit? ba't parang takot na takot ka?" tanong ko sakanya kasi nagtatago pa sya sa likod ko.
"si jacob po kasi,una yung icing pinanghahabol saken sunod po yung nguso na niya eww!" sagot niya na nandidiri hahahah patay na patay talaga si jacob sakanya
"don't worry pagsasabihan ko siya" sabi ko at nagsmile
"oh kainan na!" sigaw ni sister kaya nagsitakbuhan na lahat papuntang lamesa. Magkahawak kamay kaming pumunta ni venice at kumain.
Pagkatapos kumain nagkaroon pa ng maraming palaro pati ako sumasali hahahah kahit pambata masaya naman.
Pagkatapos ng party pumasok na ang mga bat dahil gabu na rin. Grabe ang pagod. Tumulong na rin ako sa paglilipit ng lamesa para mabilis nalang matapos. Nang matapos na same routine lang ang ginawa ko, pumunta ako sa kwarto ng mga bata at nag story telling. Napansin ko nanamang bukas ang bintana kaya sinarado ko. Pinatay ko na yung ilaw at lumabas ng kwarto. Papunta na ko sa kwarto ng may marinig akong naguusap sumilip ako sa sala at nakita kong naguusap si sister at ang isang babae. Siya yung babaeng pumunta kahapon. Laging siyang napunta tuwing linggo pero monday na ngayon ahh? Nagiba ng sched? Hay bahala na nga. Masyado na kong pakilamera. Bumalik nako sa kwarto at natulog.
Someone's POV
Dumaan ulit ako sa bintana at pinasok ko ulit ang utak niya. Nakita kong pabalik na sya sa kwarto kaso may sinilip siya at nakita kong may nag uusap yung isa si sister at isang babaeng nakatalikod di ko makilala yung babae dahil naupo sila sa sofa. Maya maya pa ay natulog na siya.
Umalis na ako sa utak niya at pumunta sa kwarto niya. Pinagmasdan ko lang ulit ang mukha niya. Ang ganda ng mata niya green. Debut niya ngayon kaya oras na para kunin kita. Oras na oara mapasa akin ka na.
AN: please vote and support para naman po ganahan ako mag UD.. thanks!!😊😊
BINABASA MO ANG
Adopted By A TWIN Vampire (ON GOING!!)
WampiryLahat ng ginagawa niya may DAHILAN.. Pati pag AMPON niya sayo may DAHILAN. Anong DAHILAN nga ba yun?!!