Angel's POV
Natutuwa ako pag naaalala ko yung nangyari kahapon. Kahit nasa ampunan lang ako naging masaya ang debut ko. Kaso masaya nga ako kahapon pero ngayon hindi. Si bet kasi ang weird, parang umiiwas saken. Kumg sumagot kala mo may bayad sobrang tipid! Pag gising ganyan na yan. Wala naman ako naaalala na may ginawa akong masama sa kanya ah. Di nga pumayag magpahalik saken eh. Nagtu-toothbrush ako noh. Ano ba akala niya? Hindi? Huhuh ang bad niya.
Naghahanda nalang ako ng breakfast namin paticng mga bata. Tinapay na may butter at asukal ang lagi naming kinakain pag umaga ang sarap kasi tapos may milo pa as drinks pero si bet kape. Di kasi ako nainom ng kape kaya milo nalang. Nagtimpla na rin ako ng nestea para kila sisters. Tinawag ko na sila para makag umpisa na kaming lahat kumain.
Nandito na lahat ng bata pero wala pa rin si bet. Wag mong sabihin na di siya kakain.
Speaking of..
Dumating na siya pero nagulat ako nang kunin niya yung upuan niya at kumuha lang ng platong may dalawang tinapay at nestea pagkatapos niya kunin yun lumabas na siya at pumuntang garden. Yung totoo mabaho ba ako? Naliligo ako araw araw ah. Grabe di ko na kaya to pupuntahan ko na siya. Naglalakad na ko papunta sakanya. Nagulat naman siya kaya humarap siya sa likod. Pumnta ako sa harap niya at kinuha ang pagkain niya.
"ano bang problema bet? Kanina mo pa ko iniiwasan" naiiyak na sabi ko sakanya
Parang nagulat siya at niyakap ako. Niyakap ko rin siya pabalik. Ano ba nangyayari sa bet ko? May problema ba siya? Pwede niya naman sabihin sakin eh. Bumitawa ako sa pagkakayakap namin at tuminginvsakanya na nagtataka. Nagtataka kung bakit ganun ang kinikilos niya saken.
"sinasanay ko lang kasi ang sarili ko na wala ka" sagot niya habang nakayuko anong pinagsasabi nito😮, di kaya..
😨
Baliw na ang bet ko?!!
"OMFG!! Baliw ka na bet? Di pa naman ako mamatay para sabihin mong iiwan kita. Don't ya worry tanggap pa rin kahit na baliw ka na atsaka--" di ko natuloy ang sasabihin ko dahil..
*pak!
Tignan mo to binatukan pa ko buti nga tanggap ko pa rin sya eh.
"kahit kelan yang utak mo nasa pwet, tuwing uupo ka napipisat tsk!" sabi niya, sama talaga neto hmp!🙅🙅
Maya maya pa naputol ang pagtatalo namin dahil biglang dumating si sister at tinawag kami. Pag punta namin sa sala may mga katulong duon at parang bodyguard na ngayon ko lang nakita. Yung totoo malamig? Winter? Kung makapag long sleeves, shades at hat tong mga to kala mo kamatayan na nila. Pero lalo akong nagtaka ng makita ko yung dalawa kong maleta na bitbit nila.
"hmm Angel sila nga pala ang gustong magampon sayo" sabi ni sister saken na ikinagulat ko. Tinignan ko si bet at yumuko lang siya. Eto pala yung sinasabi niya. Na gusto niyang masanay na wala ako. Sana sinabi niya nalang saken para masulit ko manlang yung pagsasama namin.
Tumakbo na ko kay bet at niyakap siya, yumakap naman siya pabalik at hinalikan ako sa noo. Ngayon niya lang ako hinalikan. May tumulo nang luha sa mga mata ko. Di ko na kaya. Mamimiss ko siya ng sobra Pati na rin ang mga bata dito sa ampunan. Pero bago ako humiwalay sa kanya, bumulong ako.
"magkikita pa tayo promise😳" tapos hinalikan ko na sya sa pinge😚 bago tuluyang umalis😔.
Kumakaway ako ngayon sa mga batang nagbaba-bye sa akin. Nasa sasakyan ako ngayon ng mga umampon sakin na akala mo may mga sakit sa sobrang putla. Naluha nanaman ako ng makita ko si bet nagwewave kami sa isa't isa hanggang sa tuluyan ko nang di siya makita. Haist.. San kaya sila nakatira? Sana maginga okay lang titirhan ko.
BINABASA MO ANG
Adopted By A TWIN Vampire (ON GOING!!)
VampirosLahat ng ginagawa niya may DAHILAN.. Pati pag AMPON niya sayo may DAHILAN. Anong DAHILAN nga ba yun?!!