Nanatili akong nakatutok rito sa laptop ko habang tinatry ifigure out tong nasulat kong story. May patutunguhan ba? May mararating ba? May makaka appreciate ba? God! Do I have to delete this again?"Kianna if you don't want to publish that then don't. Kesa naman matagal mong titigan yang laptop mo at masira lang mata mo"pagsaway nang kaibigan kong si Majoy.
"Medyo nagdadalwang isip ako. Yun lang naman"sagot ko at tumingin dun sa scratch pad na sinulatan ko nung una.
"Trying hard mo talaga,you are a great journalist but why trying to be a researcher and a author?"tanong naman nung isa ko pang kaibigan na si Ate Cienne.
"Ate Cienne researcher, journalist, blogger, author, writer and etc. That is all writing! And that's what I want to do. The best thing about writing is I can explore everything"sagot ko at tumingin sa kanya.
"Sabihin mo,gusto mo lang mareach yung idol mo! Si ano ba yun? Si Galang?"tanong ni Majoy
"Vic Galang"sagot ko "Yeah,yung trabaho nya at pagkasuccessful nya. Yun! Yun ang gusto kong marating ko"
"Graduated as Magna Cum Laude at UP Diliman,are you sure kaya mo?"tanong ni Ate Cienne.
"Yes and kagra-grad ko lang sa La Salle. Di na ko masyadong busy. Mag susulat muna ako and explore before akong maghanap ng trabaho"sagot ko. "Ang galing kasi ng books nya. Although she's very mysterious and anonymous ang galing nya. Sana nga pagnabasa nya yung works ko ipahanap ako at kilalanin ako. Hihi,I really want to meet that girl kaso malabo. Hindi lang dahil di sya kilala sa mukha nya kundi dahil rin di ako kilalang tao. But gagawin ko talaga lahat para maging katulad nya."
"Ang pagiging successful writer ay hindi biro"nabigla ako ng babaan kami ni Ate Wensh ng juice sa lamesa namin. "Hindi yan 2 to 4 months na pag eexplore lang. Taon ang binibilang dyan"
Napakamot ako ng batok.
"Eh Ate Wensh alam mo naman kung gano ako kadesperate makakuha ng magandang story to publish hindi ba? Magwowork hard talaga ako para mareach ko to"sagot ko
"Eh kung gusto mo talaga,magstart ka muna maghanap ng bago at magandang topic. Sooner or later pwedeng mapublish na book"saad ni Ate Cienne.
"Sige,ilalaban ko to"
"Labanan muna natin tong gutom ko"sagot ni Majoy.
I'm Kim Kianna Dy. Normal na babae na sobrang tayog ng pangarap. Simula nung high school ako, lumalaban ako sa journalism and everything dahil yun talaga ang gusto kong gawin. Sila yung mga kaibigan ko slash mga sisterakas ko. Si Majoy,Mary Joy Baron. Sya ang medyo ka age ko at pinaka madalas kong kasama. Si Ate Cienne,Cienne Mary Arielle Cruz. Sya yung sweet ate ko na palagi kong nakakasama when it comes to shopping ganun haha. And si Ate Wensh,Jeushl Wensh Tiu. Sya yung may ari nitong shop na pinagtatambayan namin. Sya yung Ate ko na kahit di ko madalas makasama eh once na nangailangan ako ay tutulong agad. Sya talaga yung pinaka lagi kong nalalapitan. Andito kami kasi it's Sunday at pangalwang week ko na to bilang graduated woman. Medyo hayahay pero pinipilit ko munang maging the best journalist dito sa Pinas. Trying hard nga daw sabi ng mga kaibigan ko pero keri lang ganyan naman talaga ang mga kaibigan,sobrang marealidad haha.
.
.
.
Andito ako ngayon sa condo ko at nanonood ng news habang nagbabasa rin ng isang book nung idol ko. Itong book nyang to ang pinaka paborito kong libro nya ang "The Working Man". Story sya about sa isang lalaki na super sipag sa pagtratrabaho. Super inspiring tong book nyang to kasi dito nya sinabi na dapat di tayo sumuko agad sa pangarap natin,ganon ganon. 3rd year college ko to unang nabasa at hanggang ngayon binabasa ko parin. Magaling syang mag inspire,sobra! Kaya nga idol na idol ko tong Vic na to eh. Sabi babae daw to at sabi sabi taga UP Diliman. May nagsasabi naman na sa Ateneo sya nagtapos pero mas nakakabigla sa La Salle daw to nagtapos. Di ko sya kilala as in! Ni true name nya hindi ko alam. Sabi kasi yung Vic Galang daw eh screen name lang at di nya totoong pangalan. Para syang si Bob Ong,ganun. Hindi nagpapakilalang writer.
BINABASA MO ANG
Apartment (A Book by Vic Galang)
HorrorHanggang saan ba tayo nadadala ng pangarap? Hanggang saan ba tayo nadadala ng sakripisyo? Hanggang saan ba tayo nadadala ng pagmamahal? Bilang tao,normal satin ang mangarap at gawin lahat upang matupad iyon. Normal satin ang magsakripisyo at gawin l...