In the morning,pinuntahan ko kagad ang Paco,Manila. At pinuntahan ang address na nagsasabing ito raw ang Apartment. Simula kaninang madaling araw di mawala sa isip ko ang Blood Man. I'm hell curious! Sa tingin ko this will be a great research papers for me. I wish this will be a success. Magaan loob ko rito sa topic na to. Sana panalo.
10 AM
Nakarating ako rito sa tapat ng apartment sa tulong ng patanong tanong lang. Malaki laki nga sya ah,at mukhang peaceful. Hindi ko makita sa bakas ng bahay yung pagkahaunted eh. Ni hindi rin naman ito lumang tignan. Totoo ba talagang may multo rito? Eh ang gaan ng pakiramdam sa unang tingin eh. Saan naman kaya yung may ari ng apartment na ito?
Una kong nilapitan ay ang kapitbahay nitong Apartment.
"Tao po? Tao po?"pagtawag ko kasabay ay ang pag kalampag ng pisong barya ko sa gate nila.
Lumabas ay isang dalagang babae.
"Ano po yun?"tanong nya
"Umm hello,magandang umaga. Ako si po Kim Kianna Dy,isa po akong researcher. May itatanong lang sana ako patungkol dito sa Apartment na kapitbahay nyo"nakangiting bati ko.
"Ah ganun po ba? Sige po pasok po kayo"
Ay mabait. Ngumiti ako at nagpasalamat.
"Pasok po kayo,pasensya na po at maliit lang bahay namin"saad nung babae.
"Okay lang,di rin naman ako magtatagal"sagot ko
Pumasok kami sa loob ng bahay nila. Ang simple lang. "Upo po muna kayo riyan,kasama ko lang po rito ay Kuya ko at Lola ko. Pasensya na po't medyo magulo"
Umupo ako dun sa may sofa at tumungo sya parang sa kusina. Bumalik sya at hawak hawak nya ang isang pitsel ng juice at baso.
"Naku,nag abala ka pa"saad ko. Ngumiti sya at binaba sa lamesa ang juice at baso.
"Ako nga po pala si Manda"inabot nya ang kamay nya at nakipagshake hands ako
"Nice to meet you,Manda. Like what I said earlier, I'm Kianna. I am a researcher. And I have a tons of questions about the apartment. Siguro naman,alam nyo na medyo mainit ang pangalan nitong apartment na ito. Lalo na ang lalaki o ang blood man na sinabi"saad ko
Umupo sya sa harap ko "Naku,eh hanggang dun nga po sa campus namin ay medyo naririnig ko itong blood man on apartment in Paco. Mainit nga po ang tsismis tungkol riyan"saad nya
"Umm can you help me about the apartment?"tanong ko at kinuha ang notepad ko't ballpen "Ano ba dati ang apartment na yan?"
"Umm,dati po hindi naman po ganyan ang bahay na yan. May mga rumerenta po pero nagtatagal po sila. Nakakapagtaka nga po dahil biglang naging haunted house ang apartment na yan"
Nakikinig ako ng taimtim habang sinusulat ang mga sagot nya.
"Since when ba sya nagsimula na alam mo na,yung may nananakot?"tanong ko
"Hmmm 3 months or 4 months ago po yata. Basta po nanguna po talaga ay yung apat na magkakaibigan na nanirahan dyan"sagot nya
"Itong mga babaeng to,sila lang ba talaga ang pinaka unang pinagmultuhan? O baka naman may iba pa dati,hindi lang nagsasabi?"tanong ko
"Naku,wala po talaga. Napakalinis at peaceful po ng bahay na yan. Sa totoo nga lang po,may matagal na nanirahan dyan na lalaki halos 3 years syang nanirahan dyan pero ni isang masamang feeling daw wala naman. Maaliwalas po ang bahay na yan. Nakakapagtaka nga po na biglang sumisigaw na lang sa takot yung mga babaeng tumira dyan"sagot nya
"So talagang ang pasimula ay yung apat na babae?"tanong ko
"Opo"sagot nya.
Hindi kaya yung apat na babae ang nagdala ng masama doon sa bahay?
BINABASA MO ANG
Apartment (A Book by Vic Galang)
HorrorHanggang saan ba tayo nadadala ng pangarap? Hanggang saan ba tayo nadadala ng sakripisyo? Hanggang saan ba tayo nadadala ng pagmamahal? Bilang tao,normal satin ang mangarap at gawin lahat upang matupad iyon. Normal satin ang magsakripisyo at gawin l...