Chapter III.

1.2K 58 26
                                    

The Next Day
10:30 AM

Bumaba ako sa kotse ko at tiningnan muli ang apartment. Ang peaceful talaga nya tingnan. Maganda naman kasi talaga. I swear,hindi sya nakakatakot tingnan.

Napatingin ako sa paligid,may mga batang naglalaro tapos mukha namang magkakaclose ang magkakapitbahay. Mukha namang masaya tong neighborhood na to kaya nakakapagdalwang isip talaga kung maniniwala akong may multo rito sa lugar nila.

Yung harap kasi ng apartment malawak sya na space na simentado. Tapos sa tabi may pader lang talaga na mukhang divider lang talaga. Okay lang kaya na medyo lapitan ko yung bahay? Naka sara yung bahay mukhang walang tao. Wala ata yung rumerenta. Napatingin ako sa paligid. May babae lang dun sa may tabi medyo malayo. Nasa pinakadulo nung pader nakasandal,nagtetext,may hawak na softdrink na nasa plastik lang at nagyoyosi. Mukhang nagpapalamig lang ganun. Mukha namang di sya magagalit kung titingnan ko yung bahay sa labas ng malapitan.

So lumapit ako at tiningnan yung bintana. Saradong sarado ng kurtina eh. Malinis naman kasi talaga tingnan yung bahay kaya ang impossible na parang may multo rito.

Malinis ang pinto,mukhang mawelcome pa nga yung mga papasok eh. I touched the doorknob.

"Anong ginagawa mo?"

"AY!"napatalon ako ng konti at napahawak sa dibdib ko ng may magsalita sa likod ko. Blood Man is dat u? Joke. Lumingon ako sa kanya at nabigla ako ng makita ko yung babaeng nasa likod ko. Ito yung nagyoyosi na babae. Mukhang may katarayan si Ate pero mahahalata na may pagkayayamanin sya.

"Umm sorry,tinitingnan ko lang kasi yung apartment"saad ko

"May nag utos ba sayo na tingnan ang apartment?"

"Ah,umm wala po. Umm researcher po kasi ako and nireresearch ko lang po itong apartment na to"saad ko

Kumunot noo nya na parang nagdududa. Tinignan nya ako mula ulo hanggang paa.

"Miss,hindi ako magnanakaw"pinangunahan ko sya at ngumiti

"Anong school mo?"tanong nya

"Umm graduated na p-"

"Company?"tanong nya kagad. Ngumiti ako at umiling.

"I will just publish a research papers in a website"saad ko

"Pangalan mo?"

"Umm Kim Kianna Dy"nakangiting saad ko at inabot ang kamay ko. Tinitigan lang nya ako at ininom yung softdrinks sya sabay medyo naglakad sya papunta sa pinto

"Wag mo na ituloy yan bata,wala kang mapapala"saad nya

Aba! Hanep to ah.

"That's kinda offensive Miss"saad ko "How can you discourage someone you don't know with their dreams?"

Napatingin sya sakin na parang natatawa na namangha. She smirked.

"Ano bang kailangan mo?"

"I just need to check the apartment medyo nagdadalwang isip kasi ako na may multo rito sa magandang apartment na ito"saad ko.

Napailing lang sya at parang natatawang nadidismaya sakin. Nabigla ako ng naglabas sya ng susi at nabuksan nya yung pinto. 

SHE'S ARA!

"You're Ara,aren't you?"I asked.

Pumasok sya at sasarhan na sana nya ang pinto pero agad ko syang pinigilan.

"Wha-tsk let go"nainis na saad nya

"Miss Ara,I really want to talk to you about the house,about the apartment rather. Can you help me?"I asked

Apartment (A Book by Vic Galang)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon