Apartment by Vic Galang

2.1K 86 31
                                    

"Apartment"

"Bata pa lang ako,nakilala ko na s'ya. Bagong lipat kasi kami noon sa may Sta Mesa,Manila. Nakatira kami noon sa isang Village at sila naman ay sa tinatawag nila 'Gillage'. Corny pakinggan 'di ba? Well 'yan kasi ang tawag doon sa mga bahay na nasa gilid ng village. Working as a janitor yung parents n'ya sa village namin kaya minsan ay nandun s'ya sa loob ng village kaya nakakalaro ko s'ya. S'ya si Thomas Torres, ang childhood friend ko. He is very gentle and kind. Daig pa n'ya yung mga mas matanda sa kan'ya na bata kagaya namin na mga taga village rin. Oo,aaminin ko. Magka iba ang estado ng buhay naming dalwa. Medyo mas nakaka angat kami sa buhay pero hindi yun naging hadlang sa pagiging magkaibigan namin.

Mabait s'ya at maalaga, idamay mo na yung ka-cute-an n'ya. Chinito kasi s'ya at medyo mas matangkad sakin. Palabiro s'ya at nakakatawa. Everytime na malungkot ako sya yung nand'yan para sakin. Kahit na down na down na ko nagagawa n'ya akong i-lift up sa buhay. He was really true sent from God.

Time passes hindi kami nagkahiwalay. Naging matalik ko s'yang kaibigan. S'ya yung bodyguard ko, clown ko at happiness ko.

Alam mo ba yung feeling na parang s'ya yung hinahanap hanap mo palagi? S'ya yung happy pill mo. Yung pakiramdam na ni isang bess na 'di n'yo lang makita ang isa't isa ng isang araw halos mabaliw ka na kasi hahanap hanapin mo talaga yung boses n'ya, presensya n'ya, yung corny jokes n'ya at yung nakakahawang halakhak n'ya. Hindi ko naman masabi na mahal ko s'ya noon kasi bata pa kami pero kaya kong sabihin na hulog s'ya sakin ng langit.

Iba kasi yung mahal sa napapasaya eh. Para sakin,kung mahal mo isang tao kahit puro sakit na yung binibigay n'ya okay lang. Tanggap mo, mahal mo eh. At yung napapasaya ka n'ya iba rin yun! Kasi yun kahit anong problema dumating sa'yo, talagang pag dumating yung taong nagpapasaya sa'yo mawawala lahat ng lungkot. Puro saya lang.

Iba yung pag-ibig sa kaligayahan sakin noon.

For me before, Thomas was just my happiness kasi hindi ko masabi yung love because I'm too young to know what love is.

Dumating yung punto na nag high school kaming dalwa.

Third Year High School kami, something terrible happened.

Naglalakad kami pauwi noon nakakita kami ng malaking usok. Tumakbo kami.

Takbo.

Takbo.

Hanggang sa makita namin na yung gilid ng village ang nasusunog. Umiiyak na ako habang tumatakbo kami kasi malakas na yung kutob ko na yung bahay nila nadamay na at nang makarating kami, agad s'yang napaluhod.

Both of us were crying when we saw their house burning.

All of Thomas were in that house! Even his family.

Sa edad na 15, agad na nangulila si Thomas. No family, money, house LAHAT! Nawala sa kan'ya.

Kinupkop muna s'ya ng pamilya ko pero makikita kay Thomas na wala na yung dating Thomas na nakilala ko. I tried making him laugh but no use. He can't laugh.

Dumating na rin sa punto na hindi na n'ya kayang mag aral. Hindi na n'ya kaya ang lahat. Lagi s'yang tulala at makikita mo na lang, lumuluha na s'ya.

Isang gabi I talked to him.

"Thomas"nilapitan ko s'ya at tumabi sa kan'ya sa damuhan rito sa may park malapit sa bahay namin.

"Ano ba yung nasa isip mo?"tanong ko

"Nasa isip ko? Kung paano ako lalaki kung wala na yung mga magulang ko"sagot n'ya

"Thomas andito naman kami eh,andito kami nina Mama at Papa para sa'yo. Ready ka naman naming kupkupin"

Apartment (A Book by Vic Galang)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon