Chapter IV.

1.2K 59 13
                                    

At Kianna's condo unit
7:00 PM

Nagbukas ako ng Email ko at nakita ko ang 38 new emails.Medyo napangiti ako ng nagsimula akong basahin ito. Puro readers na nagbabasa ng Research Papers ko. Nakaka aliw daw since parang series ito na masarap abangan. Well yun naman talaga balak ko eh,ipagmukhang series sya para mag abang mga tao. Mainit init pa naman ang issue na ito.I answer some emails kasi may mga questions sila at papuri na binanggit kaya sinagot ko. After 30 minutes ay humiga na ako at nagpatingin sa kisame. Gosh,hindi ko parin matanggal sa isip ko yung Blood Man. Kung makikita talaga sya ng mga tao for sure kahit si President Digong matatakot eh.

Wait,should I publish what happened earlier?

.

.

.

9:00 PM

C-in-onnect ko yung iphone ko sa macbook pro ko at tiningnan ko yung mga pictures kong nacaptured kanina. Makakatulong kasi tong pictures para madescribe ko yung Apartment. Pumili ako ng isang picture para sa salas,kusina,second floor at room sa second floor. Yung malilinaw at maayos ang anggulo ang pinili ko. After pumili ay nilagyan ko ito ng credits sa may baba ng picture. Nilagay ko sa isang folder yung gagamitin ko at kinuha ko naman yung isa ko pang phone para pakinggan yung nirecord ko. Kinuha ko rin yung notepad ko para dun muna isulat yung pwede kong maisulat. While listening and writing biglang may kumatok sa pintuan. Iniwan ko muna yung ginagawa ko at tiningnan kung sino ang kumatok. Sumilip ako sa peephole at nakita ko ang dalwa kong lukarets na kaibigan. Binuksan ko ang pinto.

"What are you guys doing here?"tanong ko pagkabukas na pagkabukas palang ng pinto. Ngumiti silang dalwa sakin.

"SLEEPOVER!"sabay na sagot nila.

Nagroll eyes na lang ako pinapasok sila "Mas malaki pa nga unit nyong dalwa sakin makikisleepover pa kayo"saad ko.

Pumasok sila at sinarhan ko ang pinto. "Masyado ka na kasing busy girl! By this,pwede ka naming makabonding!"saad ni Majoy at binigay sakin ang isang paper bag. For sure,puro chips to.

"Tama,kaya naisipan namin ni Majoy na bisitahin ka at makitulog rito"dagdag pa ni Ate Cienne.

Pumunta kami sa kama ko "Eh may ginagawa ako eh. Sakto nagsisimula palang ako"saad ko at umupo ng kama.

"Ano? Kamusta yung pagpunta mo kanina sa Apartment?Pinapasok ka ba?"tanong ni Ate Cienne at hinubad ang pantalon na suot nya. Naka maiksing shorts na lang sya.

"Oo"sagot ko

"OH?! Then what happened?"Majoy asked.

"Nakita ko sya"may kabang saad ko at napatingin sa kanilang dalwa.

Napatingin naman ng sabay sakin yung dalwa

"What do you mean?"Ate Cienne asked nervously

Napahawak ako sa ulo ko at medyo nagkamot "Shit,nakita ko si Blood Man eh"

"HA?!"sigaw ni Ate Cienne

"KELAN KA PA NAGKATHIRD EYE?!"sigaw naman ni Majoy

"Eh ewan!! Di ko rin alam! Nakakatakot nga talaga"sagot ko

Tumabi sila sakin sa kama "Ano itsura?"tanong ni Ate Cienne

"Hulaan ko puro dugo noh?"

-__-

Sabay kaming napatingin ni Ate Cienne sa tanong ni Majoy.

"Hindi puro putek! Kaya blood man talaga name nya"sarkastikong sagot ko

Apartment (A Book by Vic Galang)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon